Chapter 11

26 3 0
                                    

The truth will set you free?
Or
The truth will bring you to your grave?

Hindi na alam ni jhey kung paano niya dinala ang kanyang sarili sa kanyang kwarto. Nagising siya dahil sa mahihinang katok sa kanyang pinto. Parang ayaw niyang buksan. Parang hindi na niya kakayanin ang isa pang delubyo.

Mama dinang: jhey? Anak? Si mama to.

Pagkarinig niya ng tinig ng kanyang ina, agad itong napatakbo sa pinto at binuksan ito. Wala pa mang nasasabi ang kanyang mama pero agad nag unahan ang mga luha sa kanyang mga mata. Punong puno ng awa ang mukha ni dinang nung makitang magang maga ang mga mata ni jhey, at may sugat ang kanyang labi na natuyuan na rin ng dugo.

Mama dinang: hindi dapat to ginawa ni babby.

Jhey: mama :'(

Mama dinang: halika sa loob tayo ng kwarto mo mag usap.

Inilock ni dinang ang pinto at umupo sila sa kama ni jhey.

Jhey: si papa?

Mama dinang: may kina kausap pa siya, alam mo nanan yun, kaya nauna na akong umuwi.

Jhey: alam mo na?

Mama dinang: oo. Kina usap ako ni babby nung dumating ako. Ngayon ngayon lang din kami natapos, nag talo kasi kami.

Jhey: bakit mama?

Mama dinang: anak, kahit na ano ka pa, o kahit na sino ka pa, kaylangan ka naming tanggapin dahil anak kita, dahil kapatid ka ni babby. Pamilya tayo jhey.

Jhey: hindi naman pamilya tingin sa akin ni babby eh.

Mama dinang: matatanggap ka din nun. Nagulat lang siguro siya.

Jhey: hindi mo alam kung anong nangyari kanina mama.

Mama dinang: alam ko anak. :(

Napa angat ang mukha niya sa ina, may tanong kung anong ibig niyang sabihin.

Mama dinang: narinig at nakita ni denden kung anong nangyari sa inyo dito kanina ni babby. Gusto ka raw sana niyang tulungan kaso natakot siya kay babby. Kinausap rin ako ni rosita kanina. At bago pa man kami mag usap ni babby, alam ko na. Kaya nga ako umuwi eh. Dapat sabay kami ng papa mo.

Napaiyak na lang si jhey sa sinabi ng ina. Si denden ay ang matalik na kaibigan ni jhey. Rosita naman ang pangalan ng kanyang ina. Sabay silang lumaki kaya kilalang kilala na nila ang isat isa, magkapitbahay din kasi sila kaya mas naging malapit sila sa isat isa. Wala ng ama si denden, hiniwalayan ito ng kanyang ina nung binugbog siya ng kanyang tatay ng malamanng nakikipag relasyon siya sa kapwa niya babae.

FLASHBACK!!!!!!!!!

Nung makita ni denden na naka higa na sa sahig si jhey, agad siyang tumakbo at hinanap ang mama ni jhey. May lagi kasing sinisingil yung mama at papa ni jhey na alam ni denden kung saan kaya agad niyang sinubukan kung andun nga ba si dinang.

Denden: tita! Tita! Tita dinang!

Mama dinang: oh den? Hingal na hingal ka? Anong ginagawa mo dito?

Denden: tita, pwede po ba tayo pumunta sa bahay, may importante po akong sasabihin sa inyo. Tungkol po ito kay jhey.

Kinabahan si dinang at agad itong nagpa alam sa asawa at sumama na nga sa bahay nila denden. Pagka dating sa bahay nila ay agad sinabi ni denden ang kanyang mga nakita at narinig. Ipinaliwanag rin niyang pareho sila ng sitwasyon ni jhey.

Denden: tita, hindi po madali yung pinag dadaanan ni jhey. Alam ko po dahil dumaan rin ako sa stage na yan nung tinatago ko pa kay papa at mama ang totoo kung sino at ano talaga ako. Araw araw nahihirapan ako kasi pakiramdam ko nasasakal ako. Gustong gusto kong magpakatotoo kaso takot na takot ako kay papa at ganun din po si jhey ngayon kaya sobrang naiintindihan ko yung nararamdaman niya. Tita, ganito na po talaga kami, gustuhin man namin pero hindi naman po pwedeng ipilit namin sa sarili namin yung pagkataong hindi naman talaga kami, para lang matanggap at mahalin kami ng iba. Masakit po sa amin ang ganun. Hindi naman po basehan ang kasarian para sabihin kung sino ang dapat o hindi dapat nirerespeto. Kasi unang una po, pamilya po yung kaylangan namin na aalalay sa amin, para maramdaman naming hindi namin kaylangan magtago. Hindi po masaya si jhey sa loob ng bahay ninyo, matagal na po niyang nararamdaman na parang lagi siyang iba sa inyo, para bang ang layo ninyong lahat sa kanya. Hindi po kami abnormal, o kung ano ano pa man gaya ng binitawang salita ni babby kanina.

FORBIDDEN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon