Special thanks kay adan7791 sa pag add ng story na to sa reading list niya. ^_^
Happy reading! :)------------------------
THE ESCAPE
Dumating na rin yung araw na pwede ng ilabas si jhey sa hospital. Mahigit one week din siyang under observation hanggang sa makapag decide ang doctor na ilayo muna si jhey sa makakapag pa alala sa kanya sa lahat ng nangyari sa kanya.
Doctor: goodmorning maam dinang. :)
Dinang: ah hello doc. Goodmorning rin po.
Doctor: dito po muna tayo sa labas at may pag uusapan po tayo.
Dinang: ah sge po. Sandali.
Ginising muna ni dinang si denden dahil kaylangan niyang kausapin ang doctor sa labas. Kahit na tulog pa si jhey, iniiwasan nilang may pag uusapan tungkol sa kondisyon niya kapag nasa loob sila ng silid. Sa labas naman ng silid ay nanduon lang si mang agustin at babby, naghihintay at nag babantay kahit na ayaw na silang papasukin sa loob ni dinang.
Dinang: den. Deeeen. Denden!
Denden. Hmmmmm. Tita? Ka aga aga eh. -__-
Halatang pagod at ayaw pang gumising ni denden.
Dinang: gumising ka muna den. Bantayan mo si jhey saglit dahil may pag uusapan kami ng doctor sa labas.
Agad agad namang tumayo si denden at nag ayos ng sarili.
Denden: goodmorning po doc. Ah sige tita dinang, ako na pong bahala dito.
Dinang: oh siya sige, lalabas muna kami.
Tumango lang si denden at nag ayos na ng napag higaan. Lumabas naman si dinang at ang doctor, napatayo si mang agustin at babby, at lumapit sa kanila.
Dinang: hindi na kayo kaylangan dito. Hindi nyo na kaylangan makinig.
Babby: mama :'(
Mang agustin: anak ko rin siya dinang.
Bakas ang pangangamba sa boses ni agustin.
Dinang: baka nakakalimutan mo kung anong kalupitan ang ginawa mo sa anak ko agustin. Simula ng saktan mo si jhey, kinalimutan mo ng anak mo siya.
Matigas na sagot ni dinang.
Doctor: eheem. Ehemm. Hayaan mo ng marinig nila ang pag uusapan natin maam. Para mas maunawaan rin nila kung ano ang dapat nating ibigay sa pasyente ngayon.
Dinang: pasensya na doc. Sige po, kung sa tingin nyo ay yan ang mas makakabuti.
Doctor: sisimulan ko na. oneweek na po natin nakikitang ganyan ang anak ninyo. And I suggest, kaylangan na muna natin siyang ilayo sa lugar at mga taong naging dahilan para magka ganyan siya.
Panimula ng doctor, at parehong tinitingnan ng maka hulugan si babby at mang agustin.
Dinang: kaylangan ko po bang ilipat ng lugar at tirahan yung anak ko?
Doctor: most probably maam. Baka may probinsya kayo? Pwedeng duon muna kayo. Yung magiging maayos yung pag iisip ng anak ninyu.
Mang agustin: gusto mo bang sirain ang pamilya namin?!!
Dinang: tumigil ka agustin! Wag mong taasan ng boses yung doctor. Mahiya ka sa sarili mo. At baka magising pa yung anak ko sa loob. Umalis ka na lang nga! Gumagawa ka na naman ng gulo. Nakakahiya!
Doctor: ok lang yun dinang. Naiintindihan ko, at sanay na ako sa mga ganyang klase ng emosyon ng pamilya ng nagiging pasyente ko. Uulitin ko, si jhey ay may pinag dadaanang traumatic depression. Walang gamot para diyan. Hindi yan yung klase ng sakit na gagamutin natin ng scientific medicine at mawawala na lang bigla. She needs, TIME. Panahon lang ang magsasabi kung kailan siya magiging handa para mag simula ulit.
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN LOVE
Любовные романыMy first story in wattpad. Kung may typo errors man ako, pasensiya na. Hahahaha. :) Sana magustuhan ninyo. Inspired story po ito. Sa makaka relate, THANKYOU! Sa maiinis, SORRY IN ADVANCE. ^_^ This is a story of a girl to girl relationship. Isang pag...