Chapter 19

30 3 0
                                    

SPECIAL THANKS TO "the_chinita_princess" for the overload votes!



BETRAYAL

Jhey's POV

Bagong gising si jhey, medyo masama ang gising dahil na panaginipan niyang may kasamang iba si jhin, naka talikod yung kasama ni jhin kaya di niya alam kung kilala ba niya o kung sino ba yung hayop na umaakbay sa mahal niya. Pero ayaw na niyang pansinin. Tutal, panaginip lang naman. Bumangon siya para buksan yung bag na sinasabi ni denden sa kanya na tingnan raw niya yung laman kapag ok na siya. Nakita niya duon ung mga larawang binigay sa kanya ni jhin. Yung mga sulat, regalo at kung ano ano pa. Sumikip bigla yung dibdib niya. Lumabas na lang siya ng kwarto para mag pahangin ng makita sa sala ang mama niya.

Jhey: ma? Si denden ba pumupunta pa dito?

Dinang: hindi na nak eh. Huling balita ko, busy raw. Mukang seryoso sa nililigawan yung kaibigan mo.

Jhey: nililigawan?

Dinang: yun yung sabi ni rosita eh, kasi madalas daw may katext, at madalas na ring umaalis ng bahay.

Jhey: eh kelan ba nag stay ng bahay yun? Lagi naman talaga umaalis yun eh.

Dinang: ewan ko nak. Sabi ni rosita ngiting ngiti araw araw yun eh, bumabait sa mama niya at halatang masaya sabi ni rosita.

Jhey: ahh. Mukhang seryoso nga, kasi mas pinipiling kasama yung iba kesa bumisita rito eh.

Dinang: naku anak. Wag ka mag alala sa susunod na dadalaw si rosita sasabihin kong nagtatampo ka na kay denden dahil hindi na pumupunta dito.

Jhey: dumadalaw pa si tita dito?

Dinang: oo naman nak. Last week nga lang galing siya dito eh, di lang kayo nag aabot.

Jhey: na hindi kasama si denden?

Dinang: may pupuntahan raw kasi eh.

Jhey: ahh. ganun ba.

Dinang: aalis ka ba?

Jhey: lalabas lang ako ulit ma.

Dinang: mag ingat ka nak ha. Umuwi ka agad.

Jhey: sige ma.

Gaya ng dati, diretso si jhey sa ilog kung saan mas nakakapag pahinga siya ng maayos. At sa dalas ng pag punta niya dito, lagi naman siyang na uunahan ni sam.

Jhey: psssst!

Sam: wag muko ma psst psst. May pangalan ako.

Sagot ni sam na hindi man lang binubuklat ang mga mata. Hindi rin siya umaalis sa duyan at nanatiling naka higa. Sandali pang nanahimik sila at binuklat na niya yung mga mata niya, saktong mga titig ni jhey yung nasalo niya. Agad siyang tumayo mula sa duyan. Kapag ganitong seryoso si jhey, natatakot na siya at tumitino na.

Sam: s-sorry.

Hindi umimik si jhey, lumapit lang siya sa duyan at humiga, pumikit at bumuntong hininga.

Sam: gusto mo bang p-pag usapan natin yan?

Jhey: hmmm.

Sam: makikinig naman ako eh. Tulad pa rin ng dati.

Jhey: may iba na ata siya.

Nakaramdam ng kirot sa dibdib si sam. Bat ba yung boses ni jhey ay sobrang lungkot? Bat ba parang punong puno ng sakit, hirap at galit yung pananalita niya?

Sam: j-jhey. :(

Jhey: iba yung pakiramdam ko.

Umupo si sam sa upuang ginawa sa kanya ni jhey, medyo malapit to sa duyan ni jhey, at medyo mataas para saktong magkikita ang mga mukha nila kapag mag uusap sila.

FORBIDDEN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon