Chapter 12

20 3 0
                                    

Sadness and pain

Halos hindi na maka kain si jhin. Dalawang araw ng hindi nag tetext si jhey. Hindi na niya alam kung anong dapat isipin o gawin. Gustong gusto na niyang puntahan si jhey sa bahay nila. Sobra sobra na siyang nag aalala.

Jhin: ano bang gagawin ko? Huhuhuhuhu. Nag aalala na ako jhey :'(

Pinipilit huminahon ni jhin pero bakit ba tila may dugtong na kung ano man ang kanilang damdamin at alam niyang wala sa mabuting kalagayan si jhey. Panay ang iyak niya kahit hindi naman talaga niya alam kung anong totoong nangyayari sa girlfriend niya.

Jhin: jhey :'( huhuhuhuhu

Panay ang check niya sa facebook niya, baka kasi biglang mag iwan ito ng message sa kanya.

Jhin: hindi pa siya nakakapag online simula nung galing ako sa kanila. :( jhey :'(

Kung ano ano ng ginagawa ni jhin para makalimot siya. Pero kahit na anong gawin niya, si jhey at jhey lang ang laman ng puso't isip niya.

Jhin: jhey :'( hindi ko na talaga kaya to :'( huhuhuhuhu. Magparamdam ka naman na oh :'(

Iyak lang ng iyak si jhin at pumasok ng kwarto niya ang kanya ina.

Mama mirasol: anak? Ano bang masakit sayo? Nung isang araw ka pa halos na di kumakain ah. May problema ba anak?

Nag aalalang tanong ng kanyang ina.

Jhin: wala po ma. Gusto ko lang pong mapag isa, iwan nyo na lang po muna ako.

Mama mirasol: nako anak. Kung ano man yan, wag mo masyadong dibdibin ha? Magpapahatid ako ng pagkain dito. Sana, galawin mo naman.

Jhin: sige ma.

Tipid na sagot niya sa ina. Pagka labas ng kwarto ng kanyang mama, umiyak na naman siya ng umiyak. Hindi na ata matatapos to.

Jhin: dati rati ang saya saya lang natin. Puro tawanan lang. Jhey, bakit ba kaylangan mangyari to? :'(

Napapikit si jhin, ina alala ang bawat sandali na magkasama sila ni jhey, yung masasayang panahon na puro kakulitan ni jhey ang nagpapa ngiti sa kanya. Walang araw na hindi siya humahagalpak sa kakatawa kapag magkasama sila. Mga panahong, laging mga kamay ni jhey ang hawak hawak niya. Walang lungkot na makaka singit dahil hindi hinahayaan ni jhey na may pagkaka taong maramdaman niya yun. Punong puno ng pagmamahalan at kasiyahan lang sa mga panahong nakilala at nakasama niya si jhey. Kinuha niya ang larawan ni jhey sa kanyang pitaka.

Jhin: sabi mo hindi magiging fairytale ang lovestory natin. :( at tama ka nga. Hindi nga ito isang fairytale lang. :( dahil isang napakasayang reality ang binigay mo sa akin. Isang reyalidad na hindi puro saya lang. Pero hindi muko hinanda sa pagkakataong ito jhey. :'( ang daya daya mo. :'( hindi ko napag handaan to. :( binigay mo sa akin lahat ng kaligayahan na parang nakalimutan ko na kung ano ang pakiramdam ng masaktan. :'(

Sobrang sakit sa pakiramdam. Gusto niya lang makarinig ng kahit na isang salita galing kay jhey na lalaban pa silang dalawa.

Jhin: ayokong bitiwan ang lovestory ko dahil lang sa nahihirapan na ako. Jhey, kahit na sa hirap o sakit, hinding hindi kita iiwan. :'(


KINABUKASAN. Pasukan na ng summer class. Maagang gumising si jhin at nagmamadaling pumunta ng school. Diretso siya sa tagpuan nila tutal after lunch pa naman ang unang klase niya.

Jhin: jhey, kahit na anong oras ka dumating hihintayin pa rin kita. :'(

Nagsimula ng dumami ang tao sa kanilang school. May mangilan ngilan na rin siyang nakikitang mga kaklase niya. Naka upo lang siya sa tagpuan nila. Umaasang dadating rin si jhey maya maya.

FORBIDDEN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon