Heto nanaman, palaging nagbabangayan. Walang katapusang away. Walang araw na walang sakitan. Nakakapagod na minsan. Magaapat na buwan pa lamang kami ngunit halos naka-ilang away na. Hindi ko nalang talaga alam kung mag tatagal ba ang relasyon na ito.
Katext ko ngayon si Miggy. Nag-sasagutan nanaman kami sa text. Wala namang bago, palagi naman kaming ganto. Akala mo'y aso't puso kung mag away. Away bati.
Miggy:
Ano ba drea! Hindi nga e. Hindi! ilang beses ko bang sasabihin sayo na kaibigan ko lang si Dara!Andrea:
Aminin mo na kasi huling huli ko na kayong mag kayakap kanina eh. Kita ng dalawang mata ko. Hindi ako bulag miggy hindi.Miggy:
Aksidente nga lang yun. Okay ibababa ko na pride ko. Sorry na baby? ikaw lang mahal ko wala ng iba. Kaibigan ko lang si Dara.Ito ang mahirap sakin, hindi ko siya palagi matiis.
Andrea:
Oo na sige na.Miggy:
Baby naman. Galit pa yan :( Sorry na nga baby e, iloveyou :*Andrea:
Ano ba to' si baby, hind kita matiis :( iloveyou too baby :*Miggy:
Kumain ka na ba baby ko?Andrea:
Hindi pa by e, ikaw? :*Miggy:
Bakit hindi ka pa nakain? :( wag ka magpalipas ng kain baby :( kain ka na :) Oo e.Andrea:
Mamaya na baby :) hahaha good :*Miggy:
Hays sige na, kain ka na please? :(Andrea:
Oo na na baby e, eto na :) bye muna :* Text nalang kita pagtapos :)Miggy:
Sige baby. eatwell :*Baby tawagan namin. Hindi kami naniniwala sa mga sabi sabi n mga tao na, Bastat baby ang tawagan hindi nagtatagal. May forever kami ni miggy. At ayon ang pinaniniwalaan ko. Ayon ang pinanghahawakan naming dalawa, ang pagmamahalan namin sa isa't isa
After 1 hr & 13 minutes. Natapos ko din yung pagkain ko. Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinext si Miggy.
Andrea:
Baby :*Miggy:
Po?Ay, parang ayaw niya naman akong kausap. Psh.
Andrea:
Wala po baby :* asan ka? :)Miggy:
Maya na text may practice kame e.Ayan palagi niyang dahilan, ang pagiging busy niya sa pagpapractice ng Basketball. Hindi ko naman siya masisisi dahil isa siyang varsity player sa school namin.
Andrea:
Ahh sino mga kasama mo?Miggy:
Ako, si Dara, si Carl at Jm lang :)Si Dara. Ang babaeng lagi kong pinagseselosan. Dahilan na lagi naming pag aaway.
Andrea:
AhhIlang minuto nang nakalipas at hindi na siya nagreply. Palagi niya namang inuuna ang kaibigan niya bago ako. Ako naman lagi nag aadjust.
Wala eh, mahal ko kasi.
Linggo ngayon kaya walang pasok. Ako nga pala si Andrea. Naging kami lang nung July 20. Kaka 4-months lang namen nung Biyernes. Legal naren kami sa parents namin. Kay Miggy lang hindi. Ewan ko ba dun sa lalaking yun, wag daw muna. Natatakot daw kasi siya.
Baliktad kami. Kung sa iba, ang babae ang natatakot ipakilala ang kanilang boyfriend. Sa aming dalawa, si Miggy ang natatakot na ipakilala ako bilang girlfriend niya.