Antique Diary

257 67 76
                                    

🔱
SHAINA'S POV

Malamig ang panahon dahil magpapasko na. Napayakap ako sa aking sarili sa ginaw dahil na rin sa aircon.

Andito ako sa loob ng room, habang wala pang klase nagbabasa ako ng libro. Ang tagal kase ng profesor namin.

"Psst. Shaina!" Tawag sakin ni Prince. Aba himala tinawag nya ako, pero malamang may kailangan tong lalaking to.

"Oh baket?" Pataray kong sabi.

"Magpapaturo sana ako sa report ko sa civics, kung pede? Kung ayaw mo wag nalang" pa-pout pout pang nalalaman to.

"Naku naku, sabi na't may kailangan ka"

Pakunwari pa kong ayaw ko, kahit gustong gusto ko naman talaga. Hahaha, psssh shaina pakipot

Tumawa siya kaya na-inlove nanaman ako. Ang pogi talaga niya. Ang ganda ng mga ngiti niya at ang pupungay ng mga mata niya. Hindi na ako magtataka kung bakit madaming babae ang nandarapa sa kanya, at isa na ako dun.

"Hmm, may dumi ba ako sa mukha?" tanong niya kaya bumalik ako sa realidad, hala nakakahiya. Sana hindi niya na halata pag titig ko sa kanya.

"Mamayang 3:00PM ah? aasahan kita" sabay kindat niya sakin. Kyaaaaah, ano ba prince. Why you do dis to me.

Mamaya ay dumating na ang aming proffesor. Pwe, sure naman na magkekwento lang yan ng buhay niya. Halos alam ko nga kung kelan siya pinanganak at ganun na dun tungkol sa mga anak niya.

"Goodmorning Class" pagbati niya amin, nag greet din naman kami. Nabalutan ng katahimikan ang kwarto at tanging galaw lang ni Ma'am ang maririnig mo.

"Who's the reporter for tomorrow?" Tanong ni ma'am. Nagtaas ng kamay si Prince.

"Get ready Mr. Estolas, Make sure that you will explain it briefly" sabi ni ma'am at umayon naman siya.

Maya-maya ay tapos na agad ang klase kaya dumeretso ako sa canteen, pang palipas oras.

"Beshykuk! OMG. May nabalitaan akis huhh? Ang tarush ng feslak mo!" Sabi ni Andrew este ni Andrea na may pag wave pa ng buhok na akala mo ay mahaba amg buhok niya.

"Wag ka ngang maingay dyan, Baka mapatay kita" sinabi ko sa kanya pero alam nya namang biro lang yun at saka sanay na sya saken.

"Patay agad? Jawawa naman ang beauty ko!"

"So, my date kayo ni papa Prince? Ikaw na talaga. Wag mong hahalayin si papa ha!"

"Pashnea! Ika'y magtigil ha" Aniya ko at tumigil naman siya.

"Osige ang dyosa ay aalis na muna dahil may date din ako, hindi lang ikaw! mwamwa" paalam ni bakla at nag paalam naman ako sa kanya.

Pagkauwi ko ng bahay, humiga agad ako sa aking higaan.

Okay May ka-date ako mamaya este tuturuan! Si Prince Estolas lang naman ang pinaka gwapo kong nakilala sa balat ng lupa at hangin. Kailangan maganda ako mamaya, kailangan hindi haggard, baka maturn-off sakin kawawa naman ako. Hahaha landi mo shaina!

Nagbasa muna ako ng libro pampalipas oras habang wala pang alas tres, malapit lapit lang din naman halos ang bahay niya sa amin.

Napasulyap ako orasan at 2:35PM na. 25 minnutes nalang at kailangan ko ng pumunta sa bahay nila.

Nagulat ako ng biglang tumunog ang cellphone ko, agad ko itong kinuha at nakitang may isang message na number lang, sino kaya ito?

Unknown number:

Hi Shaina, si prince ito. See you later :)

Ilang sigundo ko muna ito tinitigan at napatili nalang sa kilig. KYAAAAH, paano niya nalaman number ko?

One-shot Diaries Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon