Dear Mama,Napakaswerte ko na ikaw ang naging nanay ko. Sobrang laking pasasalamat ko sa Panginoon kasi binigyan niya ako ng isang Ina na napakabuti at walang ibang ginawa kundi magsakrapisyo para lang sakin. Ma, salamat kasi kahit tayong dalawa nalang kinakaya mo padin at naghihirap ka ngayon diyan sa ibang bansa. Pasensya na po kung ngayon ay wala akong maitulong.. tanging pag aaral ko nalang ang kaya ko muna sa ngayon. Pangako po ma, kapag nakapagtapos ako ng pag aaral. Hindi niyo na po kailangang magsakripisyo, hindi niyo na kailangang magpakahirap.
Sorry po sa lahat ng mga pagkakamali ko ma, sorry kung noong naririto ka pa sa pinas ay madalas tayong may tampuhan at away. Sorry po kung paminsan minsan ay nasasagot kita ng pabalang, sorry po kung hindi ko po minsan sinusunod agad ang mga utos ninyo sa akin, sorry po kung hindi ako perpektong anak mama, sorry po sa lahat. Babawi po ako sayo kapag nakapagtapos na ako ng pag aaral.
Ikaw yung isang Nanay na bestfriend at super hero ko. Hindi ka man kagaya ng ibang nanay na sumasabay sa trending, sumasabay sa mga kabataan katulad ko, ikaw parin po ang pinaka the best nanay na nakilala ko! Kahit na maingay ka po, kahit na minsan isip bata ka, kahit na pinapagalitan mo ako. Mahal na mahal na mahal parin po kita!
Alam mo po ba nung umalis ka dito, nawalan mg maingay sa bahay at madalas tahimik na ang kwarto ko kasi wala ng nakanta ng mali mali lyrics na kanta. Naalala ko pa non na tinatama ko pa yung lyrics ng "All of me" tapos kakantahin mo ulit. Puno ng ingay at saya noon ma, pero nabawasan ito ng umalis ka. Wala ng nagluluto sa akin ng pagkain ko bago pumasok ng school, dati rati pagkagising ko sa umaga may nakahaing itlog at hotdog sa mesa. Sobrang saya ko na nun ma kahit ganon lang ang ulam, kesa ngayon na wala na.. kasi umalis ka na. Naalala ko din non ma kahit may edad na kayo at sinasabayan niyo parin akong magswiming sa mini pool na ibinili niyo sa akin non. Sa maliit na bagay, sobrang naaprreciate ko po. Sobra pa sa sobra ang pasasalamat ko sa inyo! Miss na miss ko na po kayo mama..
Nagmamahal, Reina.
Kaya tayo mahalin natin ang mga nanay natin, kasi napaka dami nilang sinakripisyo para lang sa ikabubuti natin. Madalas man nila tayong pagalitan at sigawan, dinidisiplina lang nila tayo para maitama natin ang ating mga mali.
Iilan sa atin ang kinaiinisan ang ingay ng ating mga nanay..
Maimiss niyo rin ito pag matagal na hindi mo na maririnig ang ingay mula sa inyong mga nanay, kagaya ko.. miss na miss ko na ang kanta ni mama kahit na mapamali mali pa ang lyrics nito.
Isa rin ako sa mga ibang kabataan na nahihiya ng magsabi ng "I love you" sa ating mga magulang. Naroon na ang hiya sa atin. Samantalang naalala ko pa nung bata ako, madalas akong bumati ng "Goodmorning mama, I love you po!" Pero ngayon, puro sa status sa facebook at messages ko nalang nagagawa.
Isa rin ba kayo roon?
Habang kasama pa natin sila, habang hindi pa huli ang lahat, iparamdam natin kung gaano natin kamahal ang ating mga Nanay. Ipakita natin sa kanila na mahal na mahal natin silabat wala ng hihigit pa sa pagmamahal na ibinibigay nila sa atin.
_
So, someone requested na gumawa naman daw ako "For Nanay" since nakapag publish na ako ng "Dear Papa" na I'm glad na nagustuhan ng karamihan. So ito na po!Someone ask din kung true to life po ba ang letter na yun, Yes.. Dear Papa is based on a true story.
