Best Birthday Ever

70 63 27
                                    

Nakaupo kami ngayon ng bestfriend ko at heto nag aabang nanaman ng recess time, daily routine ko kaya to.

Bakit? nakakaantok ba naman magturo ang teacher, History na nga. Napakahina pa ng boses! Nagpaalam kami na magc-cr lang, pero ang totoo deretso kami sa canteen!

Pero, ang totoo nan kaya nag-aabang ako ng recess time kase gusto ko makita ang inspirasyon ko. Ano daw?

Gusto kung makita si Zandro. Sa totoo lang, nakilala ko lang siya o nakita ko lang to nung nagpapractice kami ng sayaw para sa Foudation Day. Naagaw niya ang atensyon ko sa galing niyang sumayaw, at oo, dahil narin sa pogi siya!

Sadla, hindi nya ko kilala. Shytype siya, shytype din ako. Oha?

Meant to be, bes!

And lastly, isa siyang member ng band&lyre. kaya eto lalo akong na-inlove kanya. Isa sa ideal guy ko ang isang drummer na lalaki, and I think siya na yon.

By the way, Im Hannah, 4th year student. Ang patay na patay kay Zandro!

Oh bes, OA na.

Napatingin muli ako sa orasan ko, 9AM na! Agad kong inaya ang aking bestfriend na si Rina.

"Bes samahan mo ko sa canteen" anya sakin ng baliw kong bestfriend.

"Kahit hindi ka magpasama pupunta kong canteen hahaha" sabi ko tas tumawa nalang ang loka.

Okay, sabi na e. Nandun siya. nasa pila na kami ngayon ni Rina habang si Zandro ay naka-upo dun sa table kasama ang kaibigan niyang si Jeremy.

"Rice with imbutido and hotdog po." Aniya ko kay Manang. "Ganun din po sakin ate!" sabi ni Rina dun kay ate.

Matapos naming bumili ng pagkain ay agad kong hinanap si Zandro at naghanap ng mauupuan. Sa kasamaang palad ay wala na akong makitang pwesto bukod sa katabing table ni...

Zandro!

Nung umupo na kami sa katabing table nila, hindi ko inasahan nang sundan niya ako ng tingin at si Rina.

Napangiti naman ako ng patago, at hindi pinahalatang sobrang kilig na kilig na ako rito!

"Bes may kukunin lang akes sa room."

"Sige balik ka ha? saka kunin mo yung cream-o at piattos pate naren yung nova ko sa bag ko salamat" sabi niya tapos kumain ulet.

"Wow ha? Dalhin ko nalang kaya yung bag mo ano!" Aniya ko at akmang tatayo na akong ng biglang tumayo din si Zandro.

Hindi ako makatingin sa kanya, sobrang akward! Masyado na ata akong halata. Dumako ang tingin niya sak- kay Rina?

Tumingin ito sakin. "Ladies first" Ngiti nito sakin. Dahil sa hiya, nauna na nga ako.

Matapos ang break time, lutang ako at hindi ko naman alam kung bakit.

Siguro sadyang- ay wala! wala ito! Nababaliw na ata ako, masyado akong nagpa apekto.

"Huy inday! Uwian na, tulala ka parin dyan!" Sigaw ni Rina sakin, bumalik ako sa realidad nang mapansin kong uwian na pala. Napatayo ako at derederetsong lumabas ng room.

One-shot Diaries Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon