May babaeng naglalakad sa kalye na walang wala sa sarili. Babaeng may dala dalang alak at kung ano ano ang mga sinasabi, ang pangalan nya ay MICAH.
"Wala silang kwenta! Iniwan nila akong lahat! Yung mga kapatid ko nilayasan ako! Si mama?! Siya na nga lang yung pinaghuhugutan ko ng lakas pero asan siya? WALA! yung pangako niyang hindi nya ko iiwan at kakayanin yung sakit nya, Hindi nya tinupad! Anong kamalasan to!" panayam ni Micah at tumungga muli ng alak.
"Kayo! iiwan ka rin nan ng syota mo! hahaha T*ng ina walang FOREVER! HAHAHA " Pange-ngealam niya sa mag syota.
"Ano bang problema mo!?" pag sagot ng babae.
Hindi na pinansin ni Melyssa ito kaya tumawid na siya sa gitna ng daan ng hindi inaasahang may parating na Truck.
"Yung babae! yung babae! " mga sigaw ng tao.
"AAaahhhhhhhhhh!!!!"
Masasagasaan na sana siya ng malaking truck ng may biglang tumulak sa kanya palayo sa disgrasya.
Dahil sa natamo niyang mga sugat ay nawalan ito ng malay.
Drake's POV
Ako si Drake. 3 years ago. Bumili lang ako ng i-uulam ko that time. Sa hindi inaasahang pangyayari ng may patawid na magandang babaeng masasagasaan na sana kaya tinulak ko ito palayo sa truck.
Flashback, 3years ago.
Nawalan siya ng malay at sugatan ang kanyang mga braso kaya hindi na ako nagdalawang isip at idinala ko nalang siya sa bahay total wala namang ibang tao dun kung hindi ako lang.
Dahan dahan ko siyang inihiga sa higaan at inalalayang mabuti ang kanyang sugatan na katawan. Agad kong kinuha ang first aid kit, at ginamot ang mga natamo niyang sugat.Napatitig ako sa ganda niya. Napaka-amo at mahahabang pilik mata. Ang kanyang labing mamula mula.
Pero anong ginagawa nya sa kalsada ng dis-oras ng Gabi?
Ilang oras ang nagdaan ay nagising na rin siya.
"Aaaa- ahhh Asan ako?" sabi nung babae, gising na siya!
"Nawalan ka ng malay kaya dinala nalang kita dito sa bahay"
"Aalis na ko! "
"Pero hindi ka pa lubusang magaling?" hindi na siya nagsalita at umalis na ng bahay.
Grabe yun ah! hindi man lang tinanong kung anong nangyare, ibang klase din yun ah!
Napansin ko may metal na kumikinang sa sahig kaya kinuha ko at nakita kong may nakaukit na MICAH.
Micah ang pangalan niya? Hahanapin ko siya.
End of Flashback
"Ibang iba ka na pare! Ayos yang kotse ah, halatang mamahalin! at ang angas na ng suot mo ngayon ha" sumbat sakin ni Carlo.
"Swerte lang dre, sige alis na ko"Ang tagal na rin ng panahon, pero hanggang ngayon hindi ko parin nakikita yung babaeng iniligtas ko noon.
Asan na kaya siya ngayon, naalala niya man lang ba ako?
Nasakin parin itong kwintas niya kaya sana magkita pa kami ulit at maibalik ko sa kanya ito.
*Booooggshh*