Oh no, Andiyan na si Crush!

155 63 52
                                    

May mga magkakaibigan sa Oxford University na nagpapractice ng isang Commercial para sa kanilang Valentine's presentation.

Aisah's POV

"Dito ka Aisah sa harapan ha? " sabi ni Cha. Napangisi na lamang ako, bakit ba kasi tulog ako nung nagpaulan ng katangkaran. Hayy.

Hindi naman ako maliit, 5 flat nga ang height ko. Uulitin ko, hindi ako maliit. Mas matangkad lang talaga sila.

Pumunta na ako sa inassign sa aking pwesto ganon din naman ang iba. Ginawa talaga nilang by height, para daw makita naman ako hahaha.

Kasalukuyan kaming nagpapractice ngayon para sa gaganapin na event, and guess what?

Para sa Valentine's day. Isang normal na araw para sa aming mga single. Natatawa nga ako sa mga nakikita ko sa newsfeed ko na puro about memes sa february 14.

Meron pa nga. "Hindi ka bitter, bobo ka" wala atang kalendaryo yung iba at walang 14 sakanila. How sad.

"Okay, ganto. Alam naman natin yung steps, yung sa second chorus haharap ka sa kanan mo tapos kunyari andun yung crush mo and then pagkaharap mo dun andun si James, yun yung gaganap tapos magugulat ka kunyari. Tapos kami hindi titigil sa pag sayaw while acting na nagmomoment kayo, okay?"

Sumang-ayon na lamang ako sa kanyang sinasabi. Ayoko ng magreklamo, baka masabihan pa ako ng maarte. Kaya sinunod ko nalang.

Napatingin ako sa hindi kalayuan mula sa kinatatayuan ko ng makita ko ang crush ko, si John Rey.

Haaaay, hanggang tinggin nalang ako.

Ilang oras rin ang nakalipas ay natapos na ang practice kaya naman nag si uwian na kame.

Pag kauwi ko ay dumeretso ako sa kwarto at kinuha ang towel para maghilamos.

Ako nga pala si Aisah, senior highschool student na nag aaral sa Oxford University.

Medyo kinakabahan ako para bukas, hindi ko alam kung bakit. Sadyang ang korni lang talaga ng sasayawin namin, commercial. Pwede namab kasing kanta na lang talaga, ako pa magtuturo. Charot, choreographer dancer din naman ako and may kakayanan magturo sa pagsayaw.

February 14 na bukas, aasa nanaman ba ako na mapapansin ako ng crush ko?

Kinabukasan, ala sais ng umaga. Bumangon ako sa kinahihigaan ko. Pinatay ko ang nakakarindang na alarm clock at dumeretso ng banyo upang maligo.

Kung tatanungin niyong nasaan ang mga magulang ko, 13 years old palang ako parehas si papa at mama na nasa ibang bansa para magtrabaho. Buwan buwan naman sila nag papadala, kaya hindi ako nagkakaron ng problema.

Tapos na akong maligo at tapos na rin akong magbihis. Umalis na ko sa kwarto ko at pumunta na sa School.

"Goodmorning mam" Bati ko sa naka salubong kong teacher habang naglalakad sa hallway ng school.

Papalapit na ako sa room namin at pagkapasok ko ay tila ba'y napatigil ang pag uusap ng mga kaibigan ko. Bakit kaya?

"Ahh-- Hi Aisah!" pagbati sakin ni Judy.

"Ohh Aisah! Ikaw pala yan, ready ka na mamaya?" ngiting sambit ni Diana.

"Napatigil ata kayo sa pag uusap niyo? Ano pinag uusapan ninyo? Sali naman. " Aniya ko.

Umupo ako katabi nila at lahat kami ay kinakabahan para sa sasayawin namin mamaya.

"May practice ulit tayo mamaya Guys" tumunggo na lamang ako. At ilang sandali ay nandiyan na ang teacher namin.

One-shot Diaries Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon