Dedicated to my Ate's and Kuya's. They're not actually my kapatid. Hi Monica Atole and John Carlo Lacadman.
-
Mga kaibigan ko may kasayawan, kawawa naman ako dito mag-isa.
Ilang beses na pabalik balik dito yung bestfriend ko tapos pag uupo siya may mag yayaya nanaman ulit.
Samantalang ako dito NGANGA! grabe naman. maganda naman ako ha? haist naman. kamukha ko nga DAW si bianca umali tapos walang sumasayaw saken. oh edi wow. kwago edi owl HAHA
Madaming nagsasabing hawig ko daw si Bianca Umali dahil sa tangos ng ilong ko. Sana ilong nalang ako hahaha.
Pero alam mo? Napansin ko...
Yung crush ko parang kanina pa dun naka-upo , parang ako. Walang kasayawan. Omg dapat ako nalang isayaw niya HAHAHA assuming ko tsss.
Siya si John Carlo ang ultimate crush ko since grade 6, hindi ko alam pero kahit inii-snob nya ko mahal ko parin sya, este gusto ko talaga sya.
Mag aalas dose na wala paring nasayaw sakin wtf, hahaha kawawa talaga ako grabe lang.
Time check: 10:45 pm
Kinuha ko yung phone ko, magbabasa nalang ako ng wattpad.
Pero haist tinatamad talaga ako. Ang boring ng JS ko! Gusto ko na tuloy umuwi. Makaselfie na nga lang. Wala namang may pake sa akin dito kung magseselfie ako.
Naka-ilang shot na ako. Puno na agad memory ko. Pero nakatunganga padin ako.
"Pede ba kitang isayaw?"
Hind ko pinansin yung parang may nagsalita banda sa may likuran ko, malay mo ba naman kasi hindi ako yun, kaya mas maigi nang hindi lumingon baka mapahiya lang ako,
"Tsss pede ba kamo kita isayaw? Monica.?"
Pag tinggin ko OMG! Si JC myghad.
"Ahh. Si-sige" shems nauutal utal pa ko. Taena kinikilig ako.
Background music: Baby Blue eyes.
Biglang nagbago ang music.
Baby baby blue eyes~
"Monica, ang ganda mo ngayon."
Stay with me by my side~
"Ha- haa?"
Till the morning through the night~
"Sabi ko ang ganda mo ngayon . "
Well baby, Stand here. Holdin my sides
"Haha te-thanks!"
Close your baby blue eyes
"Alam mo kung bakit walang nasayaw sayo?"
Every moment feels right~
"Kasi pangit ako"
And i may feel like a fool~
"Hindi mali ka."
But im the only one dancin' with you. Ohh.. ~
"Kasi ako lang ang pwedeng sumayaw sayo Monica, gets mo?"
Hindi ko siya maintindihan promise.
Can't get you out of my mind~
"Binabantayan kita kanina pa, hindi mo ba alam"
Tanga pala to e. Malamang hindi ko pa alam, ngayon nya lang sinabi e pero...
Haaa? wait biglang pumukaw sa isip ko na. OMG sinabi niya ba talaga yon?
I swear i've been there~
"Sapakin mo nga ko, baka nananaginip lang ako haha"
I swear i've done that~
"Seryoso ako Monica"
Seryoso siya. Hindi ito panaginip.
I'll do whatever it takes, just to see those~
"Na?"
My eyes are no good, Blind without her
"Gusto kasi kita. Monica"
Biglang lumuhod si JC sa harap ni Monica at nagsigawan na ang mga tao.
The way she moves, i never doubt her~
"Can i court you?"
"Haaa?"
"Please? alam kong mahal mo din ako"
Grabe hindi ako makapaniwala, yung taong mahal ko lumuluhod sa harapan ko.
When she talks, she somehow creep into my dreams
Nagsigawan na yung mga tao.. si JC nakaluhod parin sa harap ko.
"JC ano ka ba! nakakahiya! Tumayo ka dyan... "
"Hindi ako tatayo hangga't hindi mo sinasagot ang tanong ko."
Hindi ko na talaga alam ang sasabihin ko. speechless na ako.
"O-oo na! oo na please tumayo ka na diyan"
Nung tumayo na siya tas hinawakan niya yung kamay ko at humarap sa akin nang nakatinggin sa aking mga mata.
"Walang sumayaw sayo kasi sasapakin ko sila."
Ang slow ko, ano daw, anong sasapakin?
"Ako lang pwedeng maging First and last dance mo"
E N D