Poor eye sight

32 35 7
                                    

Naalala ko pa nung....







Saktong pagkababa ko ng jeep, nagulat nalang ako ng may nakita akong isang babaeng bumaba sa unahan ng jeep na sinasakyan ko.





Si Sofia.





Crush ko simula nung grade 8 ako. Naalala ko nung transferee siya non, akala ko ako nginitian niya kaya nginitian ko ito pabalik.





yun pala. hindi ako. sadyang malabo ang mata ko.





Parehas lang pala kami ng subdivision nitong si Sofia kaya dito rin siya bumaba sa barangay umaasa.






Nakatinggin lang ako sa kanya habang nasa likod niya ako.






Bigla siyang lumingon...







Nginitian niya ako...





And... kinawayan niya ako.





Nagslowmotion ang lahat.






Kinawayan ko siya pabalik...





Nakita ko ang pagtataka sa mukha niya ng kawayan ko siya pabalik..





Shet.. nangyari nanaman ang katangahan ko dati. Napahiya nanaman ako sa crush ko. Palagi nalang ba akong aasa na mapapansin niya din ako?




Maya maya ay nawala na sa paningin ko si Sofia kasama ang babaeng kinawayan niya.





Kinabukasan, nandito ako sa tapat ng gate.  Inaantay ko ang bestfriend kong si Erica, sabay kasi kaming napasok sa school.



Sampung minuto na ang nakalipas ngunit wala pa siya. Maya maya...




Tumayo agad ako at sumigaw ng "Bes, kanina pa kita inaantay ang tagal---" napatigil ako sa pagsasalita ng hindi pala si Erica..





Si Sofia.





Pinagtawanan ako ng mga tao, at ang ilan ay inasar pa ako.





Umupo nalang ako sa sulok at naghintay kay Erica.






Disadvantage ng malabo ang mata, masasabihan ka ng assumero at snobbero.





Kailangan ko na siguro magpacheck up ng mata sa sobrang labo ng mata ko.






"Hoy bes! Haleeeeer!" andito na pala si Erica, hindi ko namalayan.





"Bes, nangyare nanaman ang kahihiyan kong ginawa kay Sofia." Aniya ko.





"Whaaaat?! Again? Okay bes, pakain ka na sa lupa!"  Hindi ko pa kinekwento alam niya ang tinutukoy ko. Ilang beses na kasing nangayari ang ganung eksena.






Sakto namang dumating na ang teacher namin pagkapasok namin sa room. As usual, boring. Ano pa ba inaasahan mo sa History?





Ilang minuto ang nakalipas ay awasan na rin.





Lumabas ako ng room at tanaw ko sa hindi kalayuan si Sofia na feeling ko nanaman ay ako ang kinakawayan.





Hindi ko ito pinansin, baka kasi hindi naman ako diba.






Deretso lang ako sa paglakad at dinaanan ko lang si Sofia. See? hindi ako ang kinawayan niya





Hindi niya na ata talaga ako mapapansin...





"Drake.." isang pamilyar na boses ang narinig ko mula sa aking likod.





Nilingon ko ito at nagulat ako ng papalapit sakin si Sofia.




"Hello Drake!" masayang bati sakin ni Sofia, hindi ko ito nasagot.





Totoo ba ito?





Ako ba talaga ang kausap niya?






Ako ba si Drake?





Oo ako nga!





Kinikilig ako! Nakakabakla!






"Naiintindihan ko na kung bakit. malabo pala ang mata mo." Aniya at yumuko.





Hindi ako nagsalita, tinitigan ko lang siya






"Crush din kita tanga, manhid ka lang talaga."







Tuluyan akong naestatwa sa kinatatayuan ko ng bigla mong sabihin yon at niyakap ako.






Tatlong taon na ang nakalipas, malabo pa din ang mata ko ngayon. Pero hanggang ngayon


May "Tayo" padin.

One-shot Diaries Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon