Dear Papa.
Pa, miss na miss na po kita. Kung alam mo lang po na sobra akong nahihirapan kasi wala ka. Sa bawat patak ng luha ko kadalasan ikaw ang dahilan dahil sa ikaw ay lagi kong naaalala. Sa tuwing may nakikita akong bata na kasama nila ang kanilang papa at mama na masaya nalulungkot ako bigla, iniisip ko siguro mas masaya pag kasama ka namin ni mama. Lalo na't ngayon pa malaki na ko medyo nagkakaron narin po ako ng isip.
Naalala ko pa non Pa nung magkasama pa tayo sa bahay, Ayaw mo kong tumakbo takbo kasi alagang-alaga ka sakin non, Ayaw mong mabakasan ng sugat itong mga tuhod ko, Alam mo pa hindi ko parin makalimutan nung nadapa ako ang OA mo po HAHAHA Takot na takot ka kasi unang sugat ko palang non, sabi mo pa nga sayang naman yung makinis na tuhod ko HAHAHAA grabe pa miss na miss na talaga kita. Ngayon pag nagkakasugat ako iniiyak ko nalang yung sakit kasi wala naman ng gagamot kaya titiisin ko nalang yung hapdi na nararamdaman ko. Pa hirap na hirap kami ni mama, Hindi ko kaya na wala ka. Ang bilis ng pangyayari. Parang kailan lang kinakarga karga mo pa ko at binubuhat buhat, sobra ko pong namiss yon.
Kailangan din po ni mama ng tulong nyo pang sustento sa pagaaral ko kasi alam kong maliit lang yung kinikita ni mama sa trabaho niya. Alam kong kahit mag isa akong pinapa-aral ni mama hirap na hirap sya. Pa every Father's Day ayun na siguro ang pinaka malungkot na araw ko. Alam mo po kung baket? Para san pa ang pagdidiwang ng Father's Day kung hindi naman kita kasama. Para san po yung okasyon na yun kung wala akong tatay. Every Father's Day mas lalo pa kitang naaalala. Nawalan ako pa ng pag asa na makikita ko pa po kayo at makakasama. Papa sana balang araw magkasama na tayo nila mama, alam kong may plan si God saten. Lagi kong pinagdadasal na sana ayos ka lang pa, na sana katulad ko may tinutuluyan, may kinakain, may nahihigaang kama, nakaka-pasyal at nakakasalimuha sa mga kaibigan katulad ko. Pa halos hindi pa sapat sakin nung 5 yearsold ako, hindi man lang ako lumaki ng may tatay.
Hindi ko man lang naranasan yung pagprotekta mo sakin, katulad ng pag gagala ako ayaw mo kong umabot ng gabi kasi ayaw mong mapahamak ako, Katulad ng ayaw mong magkaron ako agad ng Boyfriend kasi ayaw mo kong masaktan, yung iba pa ayaw nilang napagsasabihan.
pero para saken pa ayos lang kahit ilang beses mo kong pagsabihan basta't nararamdaman kong may pumuprotekta saking tatay. Naiinggit nga ko e, Pag may nagkekwento saken yung kaibigan ko, naiinggit ako kase kahit yung tatay nila malayo sa kanila nandun parin yung komunikasyon. Eh ako? maski tawag wala pa, kaya iniiyak ko nalang.
One-time may nakwento sakin yung kaibigan ko. Nababadtrip daw siya sa papa niya kase napaka over protective, Ayaw siyang paabutin ng gabi paggagala siya, hindi maibigay yung gusto niyang cellphone at kung ano-ano pa. Napaisip ako bigla, kumg pwede lang sanang sabihin sa kanya na...
Nakakainggit ka ngae. Alam mo kung baket? nakaramdam ka ng over-protective ng isang tatay. E ako? wala! Buti ka pa, May tatay na nag aalala sayo. May tatay na na nagmamahal sayo. Lahat ng meron ka, wala ako. Lahat ng gusto kong maramdaman wala ko pero meron ka. Sana naman pahalagahan mo yang pag protekta sayo ng tatay mo. Kasi maraming batang gustong makaramdam nan kagaya ko. Hindi mo ba naisip na kaya ayaw nang tatay mong mag pa gabi ka kase iba na panahon ngayon, marami ng taong loko-loko. Saka yang cellphone na yan, gamit lang yan na hindi pwedeng palitan ng pagmamahal ng isang tatay. Napaka-swerte mo be, napaka swerte. Buti ka pa. Kalungkot lang, wala akong tatay. ikaw meron.
May bestfriend naman akong napaka-swerte niya sa Daddy niya. Para kase silang mag bestfriend lang. Minsan nai-gm pa ng nesfriend ko yung moment nila ng tatay nila, Hidi ko maiwasang mag selos, hindi ko maiwasang mainggit. Pero pag dating sa usapang LOVE andyan yung protekta nila sa anak nila.
10 years mo kung iniwan. 10 years akong hindi nakaramdam ng pagmamahal ng isang tatay. 10 years akong Umiyak at nagdusa. 10 years akong nagdasal na sana maka-piling kita. 10 years nahirapan si Mama. 10 years akong nakaranas ng isang malunkot na pamilya at ngayong January 05, 2015 pa nagpakita ka. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko. Nung nakita kita agad kitang niyakap Papa. Ang saya saya ko non pa. Kahit na ang *awkward* Hindi mo ko masisisi kung magtatampo ako o Magagalit pero pa tanggap parin po kita kahit anong mangyari kasi ang tanggal kong hinintay to at ngayon natupad na.
Nagmamahal, Reina.
Kaya ngayon palang sinasabi ko sayo, Mahalin mo ang tatay mo. Dahil ma-swerte ka't may tatay kang nagmamahal at nagpoprotekta sayo. I-plus mo pang may Nanay ka, odiba? That was the Best Blessing na binigay sayo ni Lord :)
Naiinis ka kase over-protective ang Daddy mo? bakit?
* Dahil ba hindi mo magawa ang mga bagay na maaari mong ipahamak na ayaw ng tatay mo?
* Dahil hindi ka pinayagang makapag gala dis-oras ng gabi?
* Dahil hindi naibigay ang gamit na gusto mo?
* Dahil hindi ka pinayagang magpaligaw o magkaron ng karelasyon?
Nako yan ang mga bagay na gustong maramdaman ng walang mga tatay. Wag kang mag reklamo kase over-protective ang Daddy mo sayo.
Kase para sayo din yan. Iniisip lang nila lahat ng yan kase mahal ka ng tatay mo.
Isipin mo, What if kung wala nang pake sayo ang tatay mo? mas masaklap naman yun diba?
Pasalamat ka kase iniisip ng daddy mo amg kalagayan mo.
Ayaw kang lumabas dis-oras ng gabi? Obvious naman diba? gabi na pero lalabas ka pa? alam mo namang iba ang panahon ngayon kaya wag kang magalit kasi pinagsabihan ka ng tatay mo.
Hindi ka naibili ng Daddy mo ng Laptop o kung ano man bagay?
Tandaan:
Hindi man nila maibigay ang gusto mo, naiparamdam naman nila ang pagmamahal na hindi matutubusan ng bagay na gusto mo.
And at last, hindi ka pinayagan ng daddy mo na magkaron ka ng ka-relasyon?
Sabe nga nila eh:
Papunta ka palang pabalik na ako.
Syempre alam na nila ang mga usapang Love love love na yan! Napag daanan narin nila yung mga 'ligawan option na yan. Pero syempre isa yon sa dahilang ayaw ka muna nilang maranasan ang salitang Masaktan.
Hindi mo ba alam?
* May mga studyanteng may tatay pero walang time sa kanila?
* May mga studyanteng minamaltrato ng hindi maganda ang kanilang anak?
* May mga batang may tatay pero hindi naman pala?
* And at last, maraming walang tatay.
Kaya wag mong sayangin ang mga sigundo,minuto,oras at araw na kasama mo siya. Ngayon palang sabihin mo sa harap niya at sabihing "Papa ikaw ang the best sa lahat ng tatay! Mahal na mahal po kita ;) !"
Wag kang mahihiyang sabihin yun sa kanya, Tatay mo siya wala ka dapat ikahiya.