Letter to my Ex/gf?

123 61 12
                                    

Permission to post:

Dear Bby.

Actually hindi naman talaga ako umiinom. kahit isang beses hindi pa ako nakakatikim ng alak. Kaya ko lang sinasabi yun kasi tinitingnan ko kung mamahalin mo parin ako sa kabila ng lahat. Pero napatunayan ko na, hindi mo kasi alam na pinapaikot lang kita. Hindi mo kasi alam na ang lahat ng kagaguhan ko, yung sobrang oa ko, yung sobrang moody ko, Saka sa lahat ng mga sagutan natin. Hindi mo alam lahat ng iyon pagsubok ko lang sayo. tinetesting ko kung kaya gaano ka katibay. Tinetesting ko kung hanggang kailan mo ko kayang tiisin, tinitiis ko kung hanggang saan pasensya mo, akala mo babae lng gumagawa ng mga pagsubok na yun? lalaki rin. tandaan mo yan. sige ikaw bahala kung yan ang last decision mo. Hindi kita pinipilit, sige wala na tayong dapat pang pag usapan pa, Pinatunayan mo na lahat ng pagsubok ko sayo. Hindi ko lang sayo ginawa yan. kahit sa ex ko ginawa ko rin yan, pero siya tumagal naman. kahit mga 8months lang.

Kung naniniwala ka man sa pangalawa kong sinabi. yung "kahit isang beses hindi pa ako nakakatikim ng alak". syempre nakatikim na ako. tikim lang hanggang dun lang iyon. Hindi pa ako nakakaabot sa point na inom o tagay talaga. Talo mo pa nga ako eh, ikaw nga naka apat na inom na agad. Ako hindi pa hanggang tikim lang. Oo inaamin ko marami na akong natikmang alak dahil kay papa pero hanggang tikim pa lang talaga ako. hndi pa ako nakakaranas ng katulad ng ginawa mo noon, bakit ko sinabi yun sayo kagabi? kasi alam naman natin na hindi ka talaga maniniwala dun sa pangalawang sinabi ko. sinabi ko yun ng pasadya. Kasi tinitingnan ko kung nandun parin yung salitang acceptance mo. eventhough nagsinungaling ako. pero hindi parin. seenzoned parin haha! hindi kita pipilitin. mahal na mahal kita at hindi na mawawala yun kapag pinagpatuloy mo pa. pero kung hindi, edi mawawala na.  nasa sayo na talaga yan kung gusto mo pang baguhin yang hindi pagiging deserving mo sa akin. Hindi sapat na dahilan ang lahat ng dahilan mo. Ito lang ang masasabi ko. kung mahal mo talaga ako, hindi mo ako iiwan kahit ano pang mangyari. kahit na nagkakalabuan na tayo, kahit na hindi mo na feel itong relasyon na ito. Siguro naman kung mahal mo talaga ako hindi mo hahayaan na  mawala yung spark ng relasyon natin diba? siguro naman kung mahal mo talaga ako, hinding hindi mo isusuko ang relasyon natin sa kahit na anong bagay. Kahit na marami kang pinagdadaanan, kahit na wala ako sa piling mo ngayon o kahit na nagkakalabuan na tayo. hinding hndi mo talaga gagawin yun kung mahal mo talaga ako sa umpisa pa lang. Marami ng nagsasabi sakin na kalimutan na daw kita, dahil naaawa na sila sken. Kahit mismo bestfriend mo sinabi yon. Nabasa mo naman convo namin diba? nasabi ko na susundin ko na siya pero anong ginawa ko? sinunod ko ba? hindi rin naman diba? dahil nagpapakatanga ako sayo. hindi naman ako mag tatype ng ganto kahabang messages kung hindi eh.

Tsaka oo nga pala. nagkakamali ka ng ibig sabihin. Dun sa part na "pinapaikot lang kita" hindi naman meaning niyan niloloko lang kita. i mean pinapaikot ikot ko lang lahat ng challenges na binibigay ko sa iyo, yan lang ibig sabihin niyan. Sorry sa word kung na offend ka. kung sa inaakala mo na ikaw mismo pinapaikot ko. Yung challenges ko lang  sayo yung pinapaikot ikot ko. See hindi mo ba pansin na ang ganda na ng usapan natin tapos bigla kang nagtanong kung kumain na ako? tapos sasabihin ko "hindi pa wala akong gana" tapos bigla ka na lng magtatanong kung bakit. Tapos sasabihin ko wala, hanggang sa magkatampuhan tayo tapos sa huli kakain din naman ako, susundin rin naman kita. tapos magiging okay na naman tayo, Pagtapos nun. Tapos na tayong kumain diba? usap na naman. chika chika~ tapos bigla ko na lang masasabi na "sige" tapos "sige" ka rin . Tapos tatanungin mo ko kung bakit ang tipid ko, tapos sasabihin ko naman "hindi" kahit tipid naman talaga. Tapos hanggang sa magkatampuhan na naman, pero pagdating ng kinagabihan. Sasabihin mo na lang "paano ako makakatulog ng maayos kung hindi pa tayo okay"? diba sinasabi mo yan? tapos ayun eto naman si ako, makikipag ayos rin naman. Tapos ayun okay na naman. Ganun lang ang ibig sabihin ko, pinapaikot ikot ko lang lahat ng sitwasyon natin. Hindi kasi tayo pwedeng mag stay sa MASAYA LANG edi wala ng kwenta relasyon na yun. Kasi hundi mo alam kung mahal ka pa ng taong mahal mo at hindi rin tayo pwedeng mag stay sa MALUNGKOT LANG. edi mas lalo tayong nagmukang tanga non. Kaya mas okay kung balance lang. hindi naman mahirap unawain ugali mo lalo na yung pagiging ma pride mo. alam mo kasi yang pride na yan, nilulugar yan. Tsaka hindi mo naman kailangan palaging gamitin yang pride na yan. Kaya dapat nilulunok din yan. kasi kung puro pride ang iniintindi mo mawawalan talaga ng spark tong relasyon na ito.

Wala tayong bagay napagkakasunduan? kaya mo nasabi yun kasi ang lagi mo lang napapansin yung mga masasamang nangyayare satin, yun lang lagi ang pinagtutuunan mo ng pansin. Kaya hindi mo napapansin na marami na pala tayong bagay na napagkakasunduan. Ang lagi mo na lang kasi iniisip puro negative thoughts. Pero ako oo aminado ako nega rin itong utak ko, pero nilulugar ko. Iniisip ko muna kung kailangan kong mging negative sa sitwasyon na yun o hindi. Pero hindi naman kailangan na palagi ka na lang nagiging negative sa lahat ng bagay na dumadaan sayo. Wala ka talagang mapapala kung ang pagiging ma pride at pagiging negative na lang palagi ang pinapairal mo, baguhin mo namn sarili mo. Wag mong sabihin na "itatry mo"  dapat ang sabihin mo "babaguhin ko" hindi kita dinadown. Gusto ko lang malaman mo yung totoo. Kasi magmumukha ka lang tanga sa harap ng iba. Sa panahon kasi ngayon mas lalo kang mahihirapan kapag napag iwanan ka na. Hindi ko naman sinabi na makisabay ka sa kung anong meron ngayon. Ang sakin lang hindi mo dapat kailangan mapag iwanan. Kasi mas lalo kang mahihirapan kapag hindi mo pa nalaman. eh pano pa kaya pag tuluyan na tayong nagkahiwalay? edi wala ng magsasabi sa iyo ng mga ganto. Edi wala ng lalake na magsasabi sayo na "gusto kong itama ang mali mo" sana maintindihan mo lahat ng sinabi ko sayo. Sige pag isipan mo munang mabuti yan, hindi pa nmn huli ang lahat. Marami ka pang paraan para ma resolba mo itong problema na ito ng hindi tayo naghihiwalay. At saka sa sitwasyon na ito, hindi dapat pinapairal ang pride. Tandaan mo yan at sa sitwasyon na ito lalong hindi pinapairal ang pagiging negative mo. Dahil hindi mo mareresolba ang problema mo kung palagi mo na lang isinasabay ang pagiging nega mo. "oo na sige na itatry ko" kapag nasabi mo na yan tapos bigla mo narin sasabihin na "eh pano kung hindi ko magawa"? Ayan. Iwasan mo pagiging ganyan.  hindi mo dapat iniisip kung hindi ka magiging matagumpay sa gagawin mo. Kung magiging matagumpay man yan o hindi dapat tanggapin mo. Kasi sarili mong problema ang inaayos mo hindi problema ko. Atleast ginawa mo parin. Kahit na hindi ka maging matagumpay pero hindi porket nabigo ka sa bagay na iyon. Ay susuko ka na sa mga susunod pa. Tandaan mo,  habang nabubuhay ka pa hindi ka nauubusan ng problema. Sa tingin mo ba hindi ka na masasaktan ulit kapag iniwan mo ako ? ha? masasaktan ka parin, pero hndi na sakin. Sa iba na kapag nagkaron ka na ng bago. Saka hindi porket ba kapag nawalan ka na ng lovelife hindi ka na masasaktan? at kung hindi ka ba magkakaron ng lovelife sa tingin mo hindi ka na makakasakit ng damdamin? ha? makakasakit ka parin. Unang una diyan yung mga manliligaw sayo. Kapag binusted mo sila. sa tingin mo hindi ka nakakasakit ng damdamin? nakakasakit ka pa rin.

Sige masyado na akong maraming sinabi. Sapat na siguro yang mga sinabi ko sayo. Nasayo ang last decision. Kung aayusin mo pa ito o hindi na. ingat nalang bye.

Frm: Bby.

One-shot Diaries Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon