Emoji

79 59 20
                                    

Nakakainis naman ito. Magtetext tapos box lang naman nalabas.

Pero ayos lang, kahit sandamakmak na box ang matatanggap kong message basta galing kay Felix Saavedra :')

Araw araw tine-text niya ako, kaso puro box nga lang. Nirereplayan ko naman siya lagi ng "???"

Tinanong ko si Aileen, bestfriend ko. Kung anong hibig sabihin nun. Ang sagot niya naman lagi sa akin "ang manhid mo kase"

Oo na manhid na ako. Pero realtalk wala talaga akong idea sa messsages na yon.

Bakit kaya box? ano kayang meron dun? naku!

One messaged received.

Felix Saavedra:
[] [] []

Tsk. As usual. box nanaman? Ano ba yan. Ka-badtrip naman to!

Bakasyon ngayon kaya wala nang aabalahin at wala ng baon.

Andito ako sa bahay ni Aileen. Mag o-overnight kasi kami dito, kasama ko din sila Gea at Ivy, tropa ko.

"Pao! pakuha naman nung phone ko diyan" tawag sakin ni Ivy.

"May paa ka, may kamay ka din naman. Oh bat hindi mo ba kaya?" sabi ko then nag pout siya.

"Ano ba naman to. Dali na please!" pagmaka-awa niya then kinuha ko na ang iphone niya haha kaawa eh!

"Si Ivy iphone6, ikaw naman Gea naka-apple, tas ikaw Aileen naka- Samsung galaxy note. Ako Cherry mobile hindi pa android Hay buhay!"

"Ang drama mo naman! cellphone lang yan!" sabi ni gea habang nagcecellphone.

"Eh! OP ako eh! " sabi ko naman.

"Oo nga pala no! Hindi android phone mo?" biglang sabi ni Aileen habang naka-tinggin sa laptop niya

"Yaaas :( "

"Kaya pala. So walang emoji diyan sa phone mo?" sabi niya then tuminggin ba siya sakin.

"Emoji? ano yun?"

"Ano ba te! wala sa bundok? emoji. Yung mga smileys, emoticons like that." sabat ni Ivy.

Napaisip ako bigla. Haist parang may gusto akong isipin pero hindi ko maisip.

"Oy besty! wala kang emoji diyan sa phone mo diba? nandyan pa ba sayo mga text ni felix na sabi mo eh puro box lang?"

"What do you mean?" sabi ko then napa-isip bigla si Ivy.

"Exactly! Pao. Pasa mo saken lahat ng text ni felix?"

"Na-delete ko na eh."

"Ano ba yan! wag mong idedelete pag may text sayo si felix ha?!!

"Fine"

"Tss! oy Aileen bakit nawala connection?!" pataray na sabi ni Gea.

"Haha in-off ko lang mam. 2G kase eh! sorry ha? hahaha" sabi naman nitong si Aileen at tumawa kaming lahat.

"Ano guys? hindi pa ba tayo matutulog? alas-tres na oh" sabi ni Aileen.

"Saglet! upload ko lang tong selfie ko, like ko niya ha? :D " sabi ni Gea.

"Tsk bukas na yan! tulog na tayo."

"Upload done! eto na po eto naaa!"

Kinabukasan. Mga 9 na kase kami gumising. Pagkagising namin nagbreakfast kami agad then later magma-mall kami.

"Oh guys! ayos na ba! let's go!"

Sumakay na kami sa kotse ni Aileen then pumunta na kami sa Mall.

One messaged received

Felix Saavedra:
[] [] [] Ü

Ano nanaman kaya ito? Hinayaan ko ito atlis nag lalaan si crush ng oras para itext ako; hahaha!

Pero may napansin ako. Ano itong Ü?

"Guys eto nagtext sakin si Felix ulit, as usual box nanaman"

"Nako Pao. Hindi lang basta box yan. Pasa mo saken dili!"

Ayun pinasa ko na kay Aileen then maya maya nareceive niya na.

"OMGGGGG!" sigaw nilang lahat.

"Take a look"

Nagulat naman ako sa nakita ko may emoticon pero hindi ko gets kung anong ibig sabihin nun.

🔔👀🏀Ü

-yan yung nakalagay.

"Oh ano meron diyan?" inosente kong sabi.

"Ang slow mo naman!" sabi sakin ni gea with matching batok.

"Tignan mo ha?" sabi niya din tinignan ko.

"Yang emoticon na una, CAN yun. yung pangalawa I. yung pangatlo masasabi nating court? ay basta may meaning to!"

"Wala akong naintindihan sa sinasabi mo" sabi ko then tuminggin ako sa bintana ng kotse.

"Tss pao! gusto mo bang buuhin ko?" sabi ni Aileen habang busy sa pagmamaneho kaya napatinggin ako sa kanila

"Can i court you. Yan pao! gets mo na?!!"

Realtalk wala akong magets sa sinasabi niya.

"Langya yan pao! tatagalugin ko na ba gusto mo?" sabi ni Ivy.

"Pwede ba kitang ligawan! Langya tinagalog ko na pao baka hindi mo pa magets???!"

Ha ano daw? oo na sige na nagets ko na -.-

Biglang pumukaw sa isip ko naa....

WHAAAAAAAT?!!

Can i court you? Pede ba kitang ligawan?

Nagulat naman ako sa text ni Felix.

One-shot Diaries Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon