Ilang araw na ang lumipas nang iwan mo ako sa gitna ng ulan, nang iwan mo ako ng tuluyan.
Bumitaw ka habang ako'y nakakapit pa. Ngayong masaya ka na sa iba, wala na siguro talaga akong magagawa.
Iniyak ko lang ito ng iniyak.
Naalala ko nanaman.
"Zein, magbreak na tayo." napatinggin ako sayo at agad na tumulo ang mga luha ko.
"Ba-bakit?" ang tangi kong naging sagot sa iyo.
"Pagod na ako Zein! Ayoko na!" daing mo sakin at biglang bumagsak ang malakas na ulan.
Sinabayan ako ng kalangitan sa aking pagdadalamhati. Nagslowmotion ang lahat ng ika'y naglakad palayo at tuluyan akong iniwan..
Pinunasan ko ang aking luha. Parang kelan lang, umiyak ako sa tears of joy ng naging tayo.
Nasayang ang pagsasamahan natin. Apat na taong relasyon, ng dahil lang sa pagod ka na ay iniwan mo na ako at sumuko.
Asan na ang pangako mong hanggang pagtanda ay tayo?
Asan na ang pangako mong hindi mo ko iiwan?
Pinako mo lahat, Ace!
Tumigil ako sa pag emote at bumaba galing kwarto.
Sa hindi kalayuan, natanaw ko si Mommy na may kausap na pamilyar sakin na lalaki.
Dahil sa kuriosidad ko ay lumapit ako at nagulat ako ng si Ace ito.
"Ginawa ko na po, nakipag break na ako sa anak niyo kapalit na huwag niyong sasabihin na-" hindi ko na tinapos ang kanilang usapan at sumingit na agad ako.
"Sabihin na?" Sambit ko at napatingin sila sa akin. "Mommy, ano to?" tanong ko at kitang ngumisi si mommy. Dahil sa sakit, agad akong tumakbo palabas, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Sa dinami daming pwedeng maging hadlang samin ni Ace bakit si Mommy pa?
Bakit?
"Zein!" sigaw ni Ace at dali dali akong tinulak. Bumalik ako sa realidad at nakitang bumagsak si Ace sa sahig at duguan.
"Ace!!!" Sigaw ko. "Tulong tulungan niyo kami!" Walang tigil kong pagsigaw. Agad akong tumawag ng ambulansya para maisugod ka sa hospital.
"Ace, wag mo kong iwan. Kumapit ka lang sakin" paghugulgol ko. Hinawakan ko ang kamay niyang duguan.
"Dalhin siya sa OR!" Sigaw nung nurse. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nabibingi na ako sa kaingayan ng dalhin ka nila sa OR.
"Gawin niyo po ang lahat please!" sigaw ko.
Ace please wag mo kong iwan. Hindi ko kayang mawala ka. Please..
"Kayo po ba si Zein Shion?" Agad akong tumayo ng hinanap ako ng doctor. "Okay na po ba si Ace??!" tanong ko ngunit yumuko siya.
"Im so sorry.." No! Hindi! Hindi Maaari! Please!
"Hindi niya kinaya pero nagka amnesia siya due to damage of his brain. Pero nagawa namin ito ng paraan" Aniya.
Napanaginipan ko nanaman. Hindi mawala sa isipan ko ang alaala noon. Tatlong taon na akong naghihintay na maalala mo ako. Pero siguro hindi mo na talaga ako maaalala.
Dinala si Ace sa states para makarecover at ngayon ang uwi niya. Inaya ako ng pamilya niya na sumama pero umayaw ako dahil hindi ko kakayanin na makitang nagkakaganon si Ace.
Dala ko ang sasakyan ko at dahan dahang bumaba ng kotse at saktong makita kitang dala dala ang maleta mo.
Slow motion ang paligid.
Naaalala mo pa ba ako? Sana oo. Sana ngayon kilala mo na ako.
Pero nilagpasan mo ako.
Sobrang sakit Ace.
Hinayaam kong tumulo ang mga luhang kanina ko pa piniligilan. Ilang taon ko itong hinintay. Pero hanggang ngayon..
Hindi mo pa din ako naaalala. Bakit?
"A-ace.." Mahina kong binanggit ang pangalan mo, nagbabasakaling ika'y lumingon sa akin.
Tatalikod na sana ako ng may biglang yumakap sa likod ko at biglang bumulong ng "I miss you, Zein Shion."
Dahan dahan kitang nilingon. Niyakap kita ng mahigpit. Ayoko ng bumitaw pa...
Maya maya ay nagkatitigan tayo. Tinignan ko ang nga mata mo, ang labi mo at ang mukha mo. Miss na miss na talaga kita.
"I love you, Ace." Mahina kong banggit at napangiti kita.
"I love you too, Zein." Banggit mo at dahan dahan mong inilapit ang mukha mo sa akin at tinugunan ang iyong halik.
🔱
Dedicated to KnightInBlack Hello Idol! Sana mabasa mo :)