Kasalukuyan kong binabasa ang mga files ng bago kong misyon.
Nakakapagtaka, dahil isa lang itong usual underground business. Kaya bakit kailangan ko pa ng partner? Mukha ba akong papalpak?
Humikab ako at sinulyapan ang wall clock na nakasabit. Alas dose na pala. Tumayo ako at nag-inat inat nang biglang may nag-notif sa laptop ko.
Umayos ako ng upo, nagbabasakaling napakaimportante nito. Pero bagsak ang balikat ko nang makitang notification lang pala sa facebook at ang masaklap kay Soliel pa. Kailan pa 'to nag-log in sa laptop ko?
Akmang papatayin ko na sana nang biglang may message ang nag-pop up.
"Bulldog?" basa ko sa pangalan ng sender. Ang bantot parang aso lang. Hindi ko alam na mahilig pala sa aso itong si Celeste.
Bulldog:
Hey, sexy kailan tayo magkikita? I miss your luscious lips.
Napangiwi ako sa nabasa ko. Binuksan ko ang profile ng Bulldog, ang hilig talaga ng kapatid ko ng mga lalaking mapandesal. Profile palang ulam na. Pero mas lamang parin si Tanner babi.
Reply:
Ayoko! Amoy putok ka kaya!Napangisi ako sa reply kong ginawa. Tiyak uusok ang ilong ni Soliel pag nalaman ang ginawa ko.
Hindi ko alam pero biglang sumagi sa isip ko si Tanner. Dahil wala akong facebook sasamantalahin ko ang pagkakataon na makakuha ng impormasyon tungkol sa kanya.
Agad kong tinype sa search bar ang kanyang pangalan pero walang results.
Napahawak ako sa baba ko, alam kong kakaiba si Tanner pero kung anuman yun susubukan kong alamin.
Agad kung binuksan ang dark website ng organization kung saan nakapaloob lahat ng mga impormasyon ng mga taong high profile. Kriminal o alagad man ng batas, lahat detalyado pero kailangan may access ka upang masuri ito. Confidential bawat impormasyon na makukuha at anuman ang posible kong gawin ay alam ng nakakataas.
Halos lumundag ako sa tuwa at kaba nang biglang lumabas ang kanyang litrato. Ibig sabihin, malaki ang posibilidad na isa siya sa tauhan ni Saldivar lalo pa't kasama siya sa mga litratong pinapakita sa 'min ni Uncle Dy, gumagawa ng illegal ng transaction. Wag naman sana.
Agad akong nagpunta sa profile niya, isa-isang lumabas ang impormasyon sa kanya pero biglang nag-black ang screen.
Sorry search unavailable!
Anak ng! Mabilis akong nagtungo sa kwarto ni Elara.
"Ate ano ba! Kung wala kang planong matulog magpatulog ka naman sana," sabay taklubong ng kumot. Mabilis ko siyang hinila at dinala sa kwarto.
"Seriously ate? Ito lang ang sadya mo kaya mo ako ginising ng madaling araw!" Hindi makapaniwalang aniya sabay turo sa desktop ko na puro error ang lumabas.
Hindi ko alam kung naiinis siya o inaantok. Gulo-gulo ang buhok niya at tila wala sa wisyo.
"Pwede pa naman bukas," agad pumunta sa kama ko at humilata.
"Hindi pwede, ano ka ba? Sige na! Kailangan mo lang naman sabihin kung bakit hindi ko na ma-search si Tanner gamit ang access ko sa dark web." Pilit ko siyang pinapatayo sa kama.
Tiningnan niya naman ako ng masama. "Pambihirang buhay naman ate Celeste oo. Ikaw kaya gisingin ko ng ganitong oras dahil lang nangalap ng impormasyon ng lalaki?" asik niya at pumikit ulit.
BINABASA MO ANG
Beyond Imagination (Contrera Sisters Series #1)-COMPLETED
RomantikCOMPLETED... Celeste Contrera ang pinaka-pasaway sa magkapatid. Mahilig sa gulo at kabulastugan. Suki pa ng kulungan. Paano kung makita niya ulit ang kanyang ultimate crush mula pa noong college, Tanner Serrano? Anong galawang Contrera ang kaya niya...