"Magsuot ka na lang kaya ng sako 'te?" Asar na asar na si Soliel dahil kahit anong presenta niya ng kanyang mga damit ay wala akong nagustuhan. Paano ba naman napaka-provocative ng mga damit niya.
Kinukulot ngayon ni Elara ang dulo ng buhok ko.
Si Cassidy naman may tinawagan tungkol sa restaurant reservation habang si Carina nakadapa sa kama naghahanap ng tips kuno kung paano maging romantic ang isang date.
Nang matapos lahat ay agad kung tinext si Tanner sa location pero dapat kailangan mauna ako. Mahirap na baka ma-turn off siya sa akin.
Nakasuot ako ngayon ng simpleng black cocktail dress ayon kay Soliel. Nakakapagtaka bakit cock sa pangalan ng damit na 'to. Isa lang ang sigurado, hindi na naman ako komportable lalo pa't heto ngayon sina Soliel, Elara at Carina na kinukulit ako magpakuha ng litrato.Selfie kuno kung tawagin.
Langya kung hindi lang dahil kay Tanner hinding hindi ko 'to gagawin. Isa itong karumal dumal na pangyayari kung tutuusin.
"Sige na ate nang ma-upload ko sa ig. Ikaw na kaya ang pinakamaganda sa atin." Tulad ng inasahan umalma sina Elara at Soliel sa sinabi ni Carina.
Napailing na lang ako. Tumayo na ako at nagpaalam.
"Musicians, flowers, and venue are ready," anunsiyo ni Cassidy. Maaasahan ko talaga siya sa ganito. Akmang magpapasalamat na ako nang... "My books are not yet complete you have 'til next week para makompleto yun," bulong niya sapat na upang marinig namin ni Carina.
Oo nga pala. Akala ko ba nakakalimutan niya na yun?
"May nakita akong nagbebenta, just send me money through bank transfer." Nanlumo kami ni Carina pagkarinig sa halagang kakailanganin.
Mukhang mababawasan ang savings ko.
Akmang kukunin ko na ang motor ko sa garahe nang harangin ako nila.
"Ano na naman?"
"Mag motor ka sa ganyang suot?" Tiningnan ako nila mula ulo hanggang paa.
Hinila ako papasok ng bahay.
"Sinasabi ko na nga ba kahit nakadamit ka ng babae ang gaslaw mo pa rin kumilos. Ibaba mo ang isa mong paa ate 'wag mong ipatong dapat ganito." Umayos ng upo sa Soliel sa couch kung ano ang dapat na pagkakaupo. Nakatingin lang silang tatlo.
Paki ba nila kung ganito ako kumilos? Hindi na mababago yun dalawang dekada ko na itong ginawa ngayon pa ba ako magbabago? Pero ano na lang ang iispin ni Tanner.
Tumikhim ako.
"Susubukan ko."Natuwa naman sila. "You can use my car," presenta ni Cassidy.
Aalis na sana ako nang pigilan ako ni Soliel. Anak ng, panira ng moment itong si Soliel.
Ipinaabot niya ang pouch kay Elara at may kinuha na isang maliit na pakete–pamilyar parang nakita ko na ito at siya ang nagbigay sa amin.
"Alam kong kakailanganin niyo 'to." Ang boses niya ay parang naghihikahos ako sa pera na kailangan ko talagang tanggapin ang inabot niya.
"Gosh hindi pa ako handang maging tita." Unti-unting nanlaki ang mata ko nang ma-realize ang ibig niyang sabihin kaya binatukan ko siya.
"Pumunta ka sa simbahan at mangumpisal malala ka na." Agad akong bumatsi.
Hindi ko mapigilang kabahan habang nagmamaneho ako. Ito ang una kong pagkakataon na makapag-date... at ako pa talaga ang nag-aya.
Pagkarating ko ay agad iginiya ng waiter papasok. Alas sais pa lang ng gabi at talagang kami lang nandito ngayon. Masyadong espesyal ang gabing ito para may makigulo.
BINABASA MO ANG
Beyond Imagination (Contrera Sisters Series #1)-COMPLETED
RomanceCOMPLETED... Celeste Contrera ang pinaka-pasaway sa magkapatid. Mahilig sa gulo at kabulastugan. Suki pa ng kulungan. Paano kung makita niya ulit ang kanyang ultimate crush mula pa noong college, Tanner Serrano? Anong galawang Contrera ang kaya niya...