Kabanata 10

228 7 0
                                    

Para akong tangang nakaturo kay Tanner habang nanlaki ang mata at nakanganga.

"I-ikaw a–"

"Yes it's me Ms. Contrera." Ngumisi na naman po siya.


"Do you know him Celeste?" takang tanong ni uncle Dy. Wow ha ang hinhin at ang lambot na ng boses niya.


"Maupo ka nga Celeste, you look retard," saway ni ate Chisel kaya napaupo ako ng wala sa oras.



Nakakahiya sa harap pa ni Tanner. Sa totoo lang hindi ko alam kung matutuwa o ano ang mararamdaman ko ngayon. Isa lang ang sigurado namayani ang pagkabigla sa akin.


Tumikhim si uncle Dy.
"Celeste, I would like to introduce him formally. This is–"



"Tanner Serrano Ms. Contrera, your mission's partner," patuloy ni Tanner at para akong nakuryente nang lumapat ang kamay niya sa akin upang makipagkamay. Langya wala ako sa sarili, parang isang tangang hindi malaman ang gagawin.



Paano nangyari ito?


"You seemed confuse Ms. Contrera." Mapaglaro ang kanyang ngiti habang bumabalik sa kanyang pwesto. "I'll explain it to you later."



Biglang tumunog ang cellphone ni ate Chisel. "I'm sorry I have to go. May board meeting pala ako ngayon," paalam niya. Tiningnan niya sa uncle Dy. "Uncle you want to come with me?" Napapitlag naman ito dahil ang kanyang paningin kanina ay nasa kay Tanner.





Konting-konti na lang talaga mayroon na akong bar at town house.



"Ah yes, yes, I forgot kailangan kong makausap ngayon ang director," tumango tango ito pilit may ikinukubli.



Tumingin na naman ito kay Tanner. "Nice to meet you again Mr. Serrano." Ayan na naman sa pahaplos haplos. Tumikhim ako kaya napabitaw si uncle Dy at umayos ng tayo.




"Celeste don't do something stupid–"




"I'm warning you, sige na po memorize ko na ang mga linyahan niyo. Shupi." Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko pero hindi siya makapalag dahil nandito si Tanner.




Pinukulan niya muna ako ng nakakamatay na tingin bago sumunod kay ate Chisel palabas.





Akala niya ha.



"Ms. Contrera will you please lock the door." Literal na napatalon ako sa gulat nang magsalita si Tanner.



"B-bakit?" Gusto kong batukan ang sarili ko sa aking naging sagot. "O-oo," agad akong tumalima para i-lock ito.




Rinig na rinig ko naman ang mahina niyang tawa. Pinagtatawanan ang katangahan ko.



Samantala, hindi naman ako halos makahinga. Imagine nasa iisang silid kami ni Tanner at naka-lock pa. Gusto ko tuloy kurutin ang utak ko sa dahil sa kung ano-anu ang iniisip nito.




"If you're done drooling Ms. Contrera feel free to ask." Doon ako bumalik sa aking wisyo. Isa naman pong katangahan ang nangyari sa akin.




Tumikhim ako at umayos ng upo.
"B-bakit at paano nangyari ito?"



"Don't ask the obvious Ms. Contrera but still I will answer that." Sumandal ito sa swiveling chair at tiningnan ako ng diretso sa mata dahilan upang hindi na naman magkamayaw sa pagtibok ang puso ko.




Lakas ng tama ko parang nakahithit ng shabu langya.




"As you can see my–I mean our mission is to put Saldivar's organization down. I'm chief of police but working at the same time in your agency. Madalang lang akong nagpapakita sa presinto at lahat ng mahahalaga kong impormasyon ay pribado. Tanging tatlong kasamahan ko lang ang nakakaalam sa tunay kong pagkakakilanlan. Saldivar has tons of eyes and ears in this department so we better careful than sorry." Agad niyang plinatsa ang suot niya gamit ang kamay, arte nito.




Beyond Imagination (Contrera Sisters Series #1)-COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon