"Anak ng! Ayoko n'yan," reklamo ko habang iwinasiwas ni Soliel ang damit na kita kaluluwa. Lukot ang mukhang initsa ito sa kama.
"How 'bout this shade ate?" sabay kuha ng isang lipstick na nakalatag sa mesa.
"Ayoko n'yan, masyadong mapula."
"Natural, kaysa naman sa labi mong parang bangkay sa sobrang putla."
Kung iniisip niyong nagpapatulong ako sa kanila dahil may date ako. Nagkakamali kayo. Isa itong misyon. Kasumpa-sumpang misyon.
Ngayon pa lang nasusuka na ako sa isiping iyon pero kailangan kong panindigan dahil makakasama ko si Tanner. Sa kabilang banda ay kinikilig na ako.
"Aray! Bwesit ka Soliel!" akmang uupakan ko na siya dahil sa pagbato niya sa akin ng damit ay mabilis itong tumakbo palabas. Malapit ko na sana siyang naabutan nang bigla akong patirin ni Elara.
"Para magising ka sa katotohanang hindi magiging sayo si Tanner. Pangiti-ngiti ka pa bruha." Sumilip ito sa pintuan at binelatan ako habang nakasubsob sa sahig pagkatapos ay humalakhak habang tumatakbo.
Dahan-dahan kong inangat ang aking tingin kay Elara.
Unti-unti siyang umatras at panay hingi ng sorry. Pinagkaisahan talaga ako ng mga ito.
Nang makalapat ito sa pinto ay mabilis siyang tumakbo palabas.
Nang muntik ko ng maabutan si Elara ay mabilis itong tumalon sa baba. Walang hiya mukhang nakakalimutan kong hindi ordinaryong babae ang mga kapatid ko. Kayang kaya nilang talunin ang napakataas na agwat ng hagdan kahit nakapalda.
Walang kahirap-hirap din akong tumalon.
Lahat ng pasilyo ay napuntahan ko na pero wala sila. Nang mapadako ako sa huling pasilyo kung saan patungong library ay namataan ko ang dalawa na naki-tsismis sa kung sinuman ang kanilang sinisilip doon.
Naka-awang ang pinto kaya todo dikit ang dalawa upang marinig ang pag-uusap na nasa loob.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanila. Akmang gugulatin ko bilang ganti nang biglang may narinig akong matinis na tili mula sa loob, pamilyar.
Sinenyasan nila akong 'wag maingay.
"Oh yes! Of course of course you're the only one in my heart sweetie pie." Pagkatapos ay tumili ito na parang kabuting nabudburan ng asin. "Oww you're so sweet that's why I love you sweetie pie."
Nanayo ang balahibo kong nagpalitan kami ng tingin. Kaya mas lalo pang idinikit namin ang aming mga sarili.
"Ano'ng ginagawa niyo rito?" ani boses ng nasa likuran. Dulot ng pagkataranta ay natulak namin ang pintuan at napasubsob kaming tatlo sa lapag. Anak ng! Pangalawang beses na ito.
Matinis naman na tumili ang nasa loob dahil sa gulat. Huli na ng ma-realize ang kanyang ginawang reaksyon. Huli pero hindi kulong.
Tumikhim ito pilit ibinabalik ang nakakatakot niyang aura.
"Again, ano ang ginawa niyo kaninang tatlo sa pintuan ng library?" Kitang-kita namin kung paano namutla at nahintakutan si uncle Dy pagkarinig sa tanong ni ate Chisel.
Nagpalipat-lipat kaming tatlo ng tingin at dahan-dahang tumayo.
"A e" si Soliel
"E, o, u," si Elara. Anak ng tinapa mukhang i-recite pa yata ang vowel letters.
BINABASA MO ANG
Beyond Imagination (Contrera Sisters Series #1)-COMPLETED
RomanceCOMPLETED... Celeste Contrera ang pinaka-pasaway sa magkapatid. Mahilig sa gulo at kabulastugan. Suki pa ng kulungan. Paano kung makita niya ulit ang kanyang ultimate crush mula pa noong college, Tanner Serrano? Anong galawang Contrera ang kaya niya...