"Carina?!" sabay kami ni Sarah.
Lumingon siya sa gawi namin. Nanlaki ang matang lumapit ito.
Ang dating gulat kong reaksyon ay mas lalo pang nadagdagan nang yakapin niya si Sarah.
Hamagulhol ang kapatid ko.
Parang tangang nagpalipat-lipat ng tingin sa dalawa.
Hindi na ako nakatiis kaya mabilis kong hinila si Carina si mini dressing room.
Wala akong pakialam kung nagkanda-tapilok dahil sa pest*ng heels na 'to.
Nagpupumiglas siya at nagtataka.
"Ano ba bakit ka nangangaladkad? Mind you hindi kita kilala." Maang akong napatingin na naman sa kanya. Alam kong may pagkamataray ito lalo na sa hindi niya kakilala.
W-wait.
Ako?
Hindi niya kilala?
Anak ng!
Kinurot ko siya sa singit.
"Anong drama 'yan. Si ate Celeste mo ito."
Natigilan siya.
Sinipat ako mula ulo hanggang paa.
This time, mula paa hanggang ulo naman.
Tatlong beses niya itong ginawa nang nakaawang ang labi.
"Weh? Di nga?" Kaya nasapok ko siya ng wala sa oras.
"Mukhang nagbibiro ba ako?"
Tumingkayad siya at inilapit ang mukha sa akin. Napaatras ako.
Mula sa pagkakunot ng noo ay unti-unti na niya akong namukhaan hanggang sa nanlaki nang tuluyan ang kanyang mata. Sinipat na naman ang kabuuan ko. Mas doble ang gulat niya. Nanlalaki ang mata habang nakaawang ang labi.
"A-ate C-Celeste i-ikaw nga. P-paano?" Hindi talaga makapaniwala eh no.
"Ako dapat ang magtanong sayo niyan. Bakit ka narito?"
"Sagutin mo muna ako ate, alam kong may misyon ka. Pero bakit ka nagsuot ng ganyan? Pero infairness ang ganda ganda mo. Kapatid nga talaga kita. Picturan kita–" napamura ito nang may napagtanto. "Kinuha pala ng mga butandeng ang phone ko!"
Napailing ako sa inasta ng kapatid ko. Magkapatid talaga kami, dugong Contrera nga naman.
Akala ng mga kapatid ko walang alam si Carina sa mundong ginagalawan namin. Pero ang totoo, alam niya. Ako ang nagpamulat at nagturo sa pakikipaglaban. Sikreto nga lang. Dahil hindi lahat ng oras kasama namin siya at kayang iligtas sa kapahamakan.
"Carina, ano ang ginagawa mo rito?" This time seryoso na talaga ako. Delikado ang lugar na 'to. Hindi dapat siya nandito.
"Okay chill. Ito na." Sumandal siya sa pader. "Nang minsang pumunta ako sa room mo. I saw your mission and that time my bestfriend was missing, Sarah. Sarah called me that she was kidnapped at nagulat ako na ang tinutukoy niya ay ang misyon mo. Gusto niyang humingi ako ng tulong sa mga awtoridad nang pa sikreto. Alam mo na maraming koneksyon ang grupo na 'to. I asked her if may nakita siyang weirdong babae rito. Inilarawan niya ang mga kilos mo and confirmed,ikaw nga. Kaya ginaya ko ang strategy mo para makapasok... to save my bestfriend and help you at the same time."
Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang salitang weirdo. Kaya binatukan ko siya.
Napahilot ako sa sentido. Problema ito. Hindi pa opisyal na miyembro ng organisasyon si Carina kaya wala pa siyang misyon na nahahawakan.
![](https://img.wattpad.com/cover/270200362-288-k930301.jpg)
BINABASA MO ANG
Beyond Imagination (Contrera Sisters Series #1)-COMPLETED
DragosteCOMPLETED... Celeste Contrera ang pinaka-pasaway sa magkapatid. Mahilig sa gulo at kabulastugan. Suki pa ng kulungan. Paano kung makita niya ulit ang kanyang ultimate crush mula pa noong college, Tanner Serrano? Anong galawang Contrera ang kaya niya...