Kabanata 27

194 7 0
                                    

"Baka gusto mong magpaliwanag," si Dylan  matapos kong i-park ang motor ko dito sa RacLive.

Pumasok kami sa loob. Huminga ako ng malalim at tiningnan ang buong arena. Napakatahimik malayo sa maalikabok at nakakarinding sigawan ng mga tao tuwing may karera.

Binalingan ko siya ng tingin na nakatayo sa likuran.

"Akala ko ba nasa US ka?" Pinaninkitan ko siya ng mata. Matagal na kaming magkakakilala pero ni minsan hindi ako gumawi sa bahay niya. Baka kung ano pa isipin ng tukmol na 'to. Huli na nang ma-realize kong pareho pala sila ng tinitirhan ni Tanner nang banggitin niya ito noon.

"I'm just kidding but I really plan to be back there..." Tiningnan niya ako sa mata, "for good."

Sinenyasan niya akong maupo sa bench.

"Now, I guess you owe me an explanation. Siya ba yun?"

Tumingin ako sa malayo at bahagyang tumango.

"Siya yun...ang palagi kong kinukwento sayo noon." Lumingon ako sa kanya, hindi ko mabasa ang emosyon na nasa kanyang mata.

"At oo kahit hindi mo tatanungin, kami na."

"I see," puno ng kalungkutan ang boses niya.

Sinabi ko sa kanya lahat. Hindi lingid sa kanyang kaalaman na isa akong agent kaya wala akong dapat itago sa kanya.

"Ang desperada mo tongak!" Humalakhak siya nang sinabi ko lahat ng katangahan nagawa ko mapansin lang ni Tanner. Hindi ko alam kung paano niya nagawang tumawa kahit alam kong nasasaktan siya.

Tumigil siya nang makitang nakatitig ako sa kanya. "Dylan..."

Ngumiti siya ng pilit. "Ayos lang ako Celeste 'wag kang mag-alala mawawala rin 'to."

Kinurot niya ako sa pisngi kaya nahampas ko siya.

Napagpasyahan namin magkarera.

Bukas ay babalik na raw siya at uuwi na lang dito pag nag-propose na ako kay Tanner. Talagang ako ang inasahan niyang mag-propose, pambihira.

Papasok na sana ako sa gate ng bahay nang may bumusina.

Huminto ako. Lumabas si Tanner sa kanyang kotse. Hinila niya ako papasok sa kanyang kotse.

"Now explain." Wow ako pa talaga ang magpaliwanag pagkatapos ng paglagay niya ng assistant sa contact niya at pagsabing kaya ako pumunta sa kanila para humingi ng sorry sa Ashtray na yun.

Hindi ako sumagot. Inis niyang ginulo ang kanyang buhok at hinampas ang manibela.

"Magkasama kayo ng lalaking yun buong araw 'di ba kaya ngayon ka lang nakauwi, tama ba ako?"

Pinagkrus ko ang braso ko at tumingin sa harap. Hindi ko pa rin siya sinagot.

"Answer me Celeste." Niyugyog niya ang magkabilang balikat ko.

Inis ko siyang tinulak. Ngayon hindi na love, Celeste na lang, great.

"Suntukan na lang kaya Tanner? Kung makaasta ka like I was cheating behind your back. Mind you, you screwed me there. In front of Ashtrid! Assistant pa nga." Gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil hindi ko makontrol ang emosyon ko.

Langya dati hindi naman ako ganito. Wala naman akong pakialam sa paligid noon. Makapag-karera lang, makipagsuntukan at makulong ng dalawang beses sa isang buwan habang naghihintay ng misyon ay kontento na ako.

Lintek na pag-ibig, wagas ang karupokan!

"Hanggang ngayon ba naman Celeste hindi mo pa rin naiintindihan?! That was all an act for pete's sake! What do you want me to do? Stand against Ashtrid? Will you please set aside that goddamn feelings of yours for us to succeed! Be professional for once."

Beyond Imagination (Contrera Sisters Series #1)-COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon