CELESTE
Hindi ko alam kung anong emosyon ang dapat kong pairalin.
Hindi ko namalayan, nasa harap na ako ng puntod ng magulang ko.
Huminga ako ng malalim. "Akalain niyo 'yon, matagal na kayong wala pero ang nakaraan unti-unting nagparamdam sa kasalukuyan."
Hinimas ko ang kanilang lapida. Alam kong ito pa lang ang simula. Mukhang hindi ko kakayanin kapag may malaman pa kaming nakagigimbal na sikreto lalo na kung may kinalaman sa mga kapatid ko.
Gusto kong umiyak pero hindi ko magawa dahil may galit na nangigibabaw sa puso ko.
Humiga ako sa damuhan at tumingala sa maulap na kalangitan.
Bakit hindi sinabi ng mga kapatid ko mga nangyayari kamakailan?
Napapikit ako ng maalala ang narinig ko kaninang umaga. Ako ba ang tinutukoy ni Cassidy?
Mabilis akong nagtungo sa sasakyan at pinaandar. Kailangan kong malinawan. Kailangan masagot lahat ng mga tanong na bumabagabag sa isip ko.
Naabutan ko na si Elara na dinidiligan ang mga alaga niyang halaman.
"Lumaki kayo ng mabilis a mga anak ko." Lumapit ako sa kanya ng marinig na kinakausap niya ang sariling halaman.
Epekto ba 'to ng walang jowa. "Nasaan sina ate Chisel?" Napapitlag siya nang makita ako pagkatapos ay ngumiti.
"Ate Celeste. Kamusta, napaamo mo na ba ang manunugangin mo?"
Napakagaling nilang magpanggap. Mabilis ko siyang hinila sa loob. Nagpupumiglas siya kaya nabitawan ko.
"Ano bang problema mo ate? Gosh nasira tuloy ang kuko ko."
Ngumisi ako. "Talaga ba Elara? Hanggang kailan niyo ako gawing tanga? Hanggang sa magkandaletse-letse na lahat?"
Nagulat siya sa sinabi ko at kumunot ang noo. "Ano ang ibig mong sabihin?"
Napapalatak ako sa sagot niya at sarkastikong ngumiti. "Patuloy niyo lang 'yan." Agad akong pumasok sa loob.
Dire-diretso akong nagtungo sa pribadong silid. Naka-lock ito kaya sinubukan kong buksan. Sanay na ako sa pagbukas ng pintuan kahit wala akong susi. Kaya palagi ko silang naiisahan noon. Tanging ang higanteng lang talaga ang hindi ko magawang buksan.
Pumasok ako sa loob.
Inilibot ko ang paningin ko nagbabakasakaling mabigyan ng kasagutan ang mga tanong ko.
May napansin akong folder na nakapatong sa isang open cabinet. Dahan-dahan akong lumapit rito. Tiningnan ko at binuksan ito.
Nabitawan ko ang hawak kong folder dahilan upang gumawa ng ingay matapos mabasa ang nakalagay roon.
Lumingon ako nang may naramdaman akong nakatayo roon.
Sina ate Chisel, Cassidy, Elara, uncle Dy at Soliel.
"B-bakit?" nanginginig ang labi kong tanong.
Wal ni isang sumagot. Tiningnan lang nila ako. "Bakit tinago niyo sa akin ang mga nangyari nitong nakaraan? Kailan niyo balak sabihin sa akin ang lahat?"
Wala pa rin sumagot kaya sinipa ko ang cabinet dahilan upang matumba ito.
"Magtitinginan na lang ba tayo rito? Kailan niyo balak sabihin sa akin ang nangyari sa kompanya at ang pakikialam niyo sa misyon ko!"
Bumalatay ang gulat sa mukha nina Elara at Soliel. So, maging sila ay hindi alam. Kundi silang tatlo lang nakakaalam sa lahat.
Tumawa ako ng mapakla. "Bakit binigay niyo sa akin ang misyon kung kayo rin lang pala ang kikilos! Edi kayo na magaling." Sinabayan ko pa ito ng palakpak.
BINABASA MO ANG
Beyond Imagination (Contrera Sisters Series #1)-COMPLETED
RomanceCOMPLETED... Celeste Contrera ang pinaka-pasaway sa magkapatid. Mahilig sa gulo at kabulastugan. Suki pa ng kulungan. Paano kung makita niya ulit ang kanyang ultimate crush mula pa noong college, Tanner Serrano? Anong galawang Contrera ang kaya niya...