Kabanata 33

318 9 1
                                    

CELESTE

Sinamantala ni Tanner ang pagkakataon upang mabawi ang baril mula kay Ashmer.  Alam kong kanina pa niya nakalagan ang tali ngunit naghahanap pa siya ng tiyempo.

Ginawa niyang hostage si Ashtrid na ngayon ay parang wala sa sarili. Hindi pa marahil maka-get-over sa narinig na may relasyon ang kakambal niya at sariling ama.

Walang nagawa sina Saldivar kundi kalagan ako at palapitin sa akin si Mr. Colon upang alalayan.

Pagkarating sa labas ay mabilis niyang itinulak si Ashtrid at hinila ako kasama si Mr. Colon.

Nakipagpalitan siya ng putok habang binabaybay namin ang pasilyo patungo sa kung saan.

Nang nasa tagong parte na kami. Sinenyasan niya si Mr. Colon na mauuna na at agad itinuro ang sikretong daan upang makalabas siya ng ligtas. Nasa likod ng bahay nila ang posible niyang kalalabasan.

Hindi na ako nagtataka kung paano nalaman ni Tanner ang lahat ng 'to. Baka araw-araw pa siyang pumarito, tsk. Sa bahay nga hindi siya nakatapak kahit minsan hanggang gate lang.

Isang mahigpit na yakap ang iginiwad niya sa 'kin.

Hindi ko mapigilan umiyak sa ginawa niya. Pinunit niya ang suot kong damit upang itali sa braso ko.

Pagkatapos, hinawakan niya ang mukha ko. Ang huli niyang ginawa ang hindi ko inasahan.

Hinalikan niya ako.

"I'm sorry. I'm so sorry for getting you in this situation."

Hindi ko mapigilan ang sarili kong sapakin siya. Oo sinapak ko talaga.



Kanina ko pa talaga 'yon gustong gawin.

Inis niya akong tiningnan habang sapo ang kanyang mukha. "Hell, what was that for?"

"Dahil hindi mo ako pinagkatiwalaan! Anong tingin mo sa 'kin? Weak at palaging naghihintay na sagipin ng isang prince charming? Tanner naman, ibahin mo ako. Wala sa bokabularyo ko ang  gano'n at isakrapisyo ang ib—"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang hinalikan niya naman ako.

Ano ba 'yan nagdalawang isip na tuloy ako kung galit pa ba ako.



Niyakap niya ako. " That's not my intention. I do love and trust you. It's just that I'm afraid that you might get hurt and worst... I'll lost you."

Napatingin kami ng biglang nakarinig kami ng patukan kalapit sa pwesto namin.
"Tapusin natin 'to ng magkasama," puno ng determinasyon kong saad.

Ngumiti naman siya, "yeah let's end thus together." Ay inulit lang ang sinabi ko.

Nakangising kinuha ko ang dala kong baril.

Nagtinginan muna kami bago lumabas at sumabak sa giyera.

Magkahawak kami ng kamay habang nakipagpalitan kami ng putok sa kalaban.

Mabilis ko siya tinulak nang may kalaban at muntik na siyang barilin. Mabuti na lang ay naunahan ko.

Nagtago ako sa kabilang banda. Tinawag ko si Tanner pero wala na siya. Mabilis kong pinutukan ang kalaban at tumayo.


Napakalaki nang bahay ni Saldivar ang daming pasikot sikot. Akmang liliko na ako nang may humablot sa akin.

"Hi ate."

"Soliel? Anong ginagawa mo rito?" Kung nandito siya hindi malabong narito rin ang iba.


"Tinulungan ka hehe. Anyway kami lang ni ate Cassidy at Elara ang nandito dahil inasikaso nina ate Chisel ang kasal mo."


Beyond Imagination (Contrera Sisters Series #1)-COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon