"My instinct all along was right, ATE," talagang diniinan niya ang pagbigkas ng ate at tumawa nang napakalakas dahilan upang kilabutan ako.
"I thought at first nagkamali ako that's why I tested you at...kumagat ka naman." Humalakhak na naman siya.
Sa pagkakataong ito, gusto kong sapukin ang sarili ko. Nalinlang ako ng isang mas bata sa akin!
Nanlaki ang mata ko nang maalala si Carina. Binalot ng kaba ang puso ko.
"S-si Carina? Saan mo siya dinala. Sinasabi ko sayo pag may mangyaring masama sa kapatid ko ililibing kita ng buhay!"
Magkahalong takot at galit ang nararamdaman ko ngayon. Takot hindi para sa sarili ko kundi kay Carina. Tiyak tusta ang kalalabasan ko pag may nangyari sa kanya. Galit dahil sa katangahan ko. Higit sa lahat trinaydor ako.
Tinutukan niya ako ng baril at tinadyakan. Napadaing ako nang tumama sa aparador ang likod ko. Masasabi kong malakas at hasa siya sa pakikipaglaban. Gusto ko man siyang kitilan ng buhay ngayon pero pinigilan ko ang sarili ko. Marahil ang katotohanang wala siya sa tamang pag-iisip.
Bakit kasi baliw-baliwan ang drama nito?
Nanlilisik ang mata niyang nakatingin sa akin. Tumingala ito at tumawa na naman.
"'Wag kang mag-alala ate Celeste hindi ko pa naman siya pinapatay... pinaglalaruan lang,"tiningnan niya ako ng masama.
Akmang susugurin ko na siya nang sikmuraan na naman ako. Napadaing ako sa sakit. Anak ng libag, pahamak naman kasi itong gown hindi ako makagalaw ng maayos.
"Alam mo bang inggit na inggit ako sa buhay na meron si Carina. Dahil may mga ate at nasa masayang buhay! At ako? Heto pamangkin ng may-aring naghahasik ng prostitusyon at lumaking tagabigay ng init sa iba't ibang lalaki!" Umiyak na naman siya.
Isa lang ang nasisiguro ko, wala siya sa katinuan. Hindi ko alam kung maawa ako sa kanyang sitwasyon. Biktima lang siya kung tutuusin.
Marahas niyang pinahid ang kanyang luha at tinutukan na naman ako ng baril.
"Ang lahat kahapon ay palabas lang para makuha ang atensyon mo, ATE. Hindi naman ako nahirapan dahil kumagat ka." Napakuyom ang kamao ko.
"Ako ang pinagkakatiwalaan nila sa ganito pero kamakailan si Johanna na ang kanilang pinapaboran. Nagbago ang lahat!" Umusbong na naman ang galit sa kanyang mata.
"Gusto ko kayong sirain. Alam kong may kakaiba kay Johanna nang mapansin ko na may ibinulong siya sayo. Hindi ka rin ba nagtataka kung bakit may cellphone ako? Hindi ka rin ba nagtataka kung bakit nandito si Carina? Gusto ko kayong sirain! Damay damay na 'to." Kinasa niya ang baril habang nakatutok sa akin.
"Kung miserable ako! Dapat maging miserable din kay–" biglang
umalingawngaw ang putok ng baril.Bumagsak sa sahig si Sarah.
Napatingin ako sa may pintuan.
"Tsk, kaya pala hindi ka naniniwala sa akin dahil namanipula ka ng baliw na 'to," si Johanna.
Tulala akong napatingin sa kanya.
Ngumiti siya.
"Hindi ko intensyon ang magtaray sayo kanina pero kailangan."Tiningnan ko si Sarah, wala itong malay pero alam kung hindi pa siya nabawian ng buhay dahil sa braso lang ito natamaan. Marahil sa pagod ng kanyang katawan.
"Go, look for your sister and here," sabay abot ng black notebook.
"Ikaw? Paano ka?"
Bumuntong-hininga siya.
BINABASA MO ANG
Beyond Imagination (Contrera Sisters Series #1)-COMPLETED
RomanceCOMPLETED... Celeste Contrera ang pinaka-pasaway sa magkapatid. Mahilig sa gulo at kabulastugan. Suki pa ng kulungan. Paano kung makita niya ulit ang kanyang ultimate crush mula pa noong college, Tanner Serrano? Anong galawang Contrera ang kaya niya...