Kabanata 15

194 8 0
                                    

Kinabukasan, halos sabunutan ni Johanna ang iilan dahil lalamya lamya kung kumilos. Mas lalo kong nakita ang tunay niyang ugali. Napangisi ako sa kanyang inasta, tama nga ako.

Parang may sayad ang babaeng 'to pabago-bago ng ugali. Sabagay isa naman yun sa intensyon niya. Ang manipulahin ang bagong dating kung nakitaan ng kakaiba at potensyal na maging dahilan upang bumagsak ang grupo.

Gusto ko man tulungan sila ay minabuti ko ng tumahimik para mas hindi maging dehado. Nakapagplano na kami. Ayaw kong masira ang plano namin. At saka masyadong maganda ang araw ko para uminit ang ulo ko. Temper Celeste.

"Hoy! Ikaw Celeb, ano pang tinatanga tanga mo diyan? Mag-ayos ka na!" sabay bato ng damit sa akin.

Sarap tanggalan ng mukha ang babaeng 'to at palitan ng mukha ng kabayo. Total pareho naman matutulis.

Nagpipigil-inis kong tinanggal ang damit na hinagis niya sa 'kin na tumama sa mukha ko. Makakaganti rin ako sayo.

"Ano na!" Napapitlag ako sa bulyaw niya nang harap-harapan.

Sarap umbagan.

"O-oo," natataranta ko kunyaring sagot.

Agad nagtungo sa harap ng salamin katabi mga kabataang abala sa pag-aayos pero ang totoo hindi ko talaga alam ang gagawin ko.

Napatitig ako sa mga gamit ng kolorete na nagkalat.

Anak ng make up, ni pangalan ng mga ito hindi ko alam.

Hindi ako inosente, sadyang hindi ako interasado sa mga ito. Mabuti sana'y si Soliel o si Elara ang nandito.

"Tutulungan kita." Napatingin ako sa nagsalita. Ang babaeng nagwawala na naman kahapon. Ang weirdo ng babaeng 'to. Medyo hindi na maga ang pasa niya.

"Pasensya ka na, hindi ako nakapagpakilala kahapon." Ngumiti siya, "ako nga pala si Sarah Jane."

"Celeb, ako si Celeb." Nakipagkamay ako sa kanya.

"Kanina pa kita pinagmasdan ate at kahit yata pangalan ng mga ito hindi mo alam." Talagang hindi siya makapaniwala.

"Mukha ba akong may alam sa ganyan?" ingos ko na siyang ikinatawa niya.
Hindi ko alam bakit ang gaan ng loob ko sa kanya. Marahil ay nakikita ko sa kanya si Carina. Gusto ko man tanungin kung ano ang nangyari sa kanya kahapon ay tumahimik na lang ako. Unang una wala akong karapatan na tanungin 'yon. Pangalawa, yung una.

"Halata naman sa kinikilos mo ate kahit pilit mong tinatago. Tulad ngayon." Mabilis ko namang ibinaba ang kanan kong paa na nakapatong sa upuan.

"Ano ba! Hindi pa ba kayo tapos? Anong oras na!" sigaw na naman ng dragon na kalansay.

"Simulan na natin?" Tumango lang ako kahit napipilitan. Langya, sa lahat ng misyon ko dito ako hindi natutuwa. Nakakawala ng dangal.

Sina Elara at Soliel nga hindi ako mapilit na mag-ayos tapos heto ako ngayon? Kasalukuyan inaayusan ng isang hindi kakilala para sa misyon. Kaimbyerna.

Sinimulan niya na lagyan ng kung anong malalagkit na bagay ang mukha ko. Feeling ko napasubsob ako sa putik.

"H-hoy ano 'yan?" taranta kong tanong nang makitang may hawak siyang blade, Dorco brand pa.

Plano niya ba akong sugatan?

"Relax, aahitan ko lang ang kilay mo te para maayos."

"Ano? Edi wala na akong kilay. Anong tingin mo sa akin? Si Monalisa?" Napalingon naman sa gawi ang iilan dahil sa sigaw ko. Mabuti na lang wala si kalansay.

"Ayoko n'yan. Maawa ka."

"Ano ka ba, hindi ko uubusin ang kilay mo. Papagandahin lang natin." Ayaw ko man ay wala na akong magawa. Tutubo pa naman ito.

Beyond Imagination (Contrera Sisters Series #1)-COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon