Kabanata 18

202 8 0
                                        

Maaga na kaming nakakauwi ni Carina.  Naabutan namin sina Elara, Soliel at uncle Dy na rumarampa sa living room. Nagkalat ang mga damit at kolorete.

Si Cassidy naman, dating gawi nagbabasa naman. Wala si ate Chisel.

Nagtinginan kami ni Carina. Tuluyan na talagang nagladlad ang tiyuhin namin.

Tumikhim kami dahilan upang lumingon silang lahat pati si Cassidy.

Napakunot-noo ako sa kanilang reaksyon. Gulat na gulat sina Soliel, Elara at uncle Dy. Kulang na lang pasukan ng langaw ang bibig nilang nakaawang.

Ngayon lang ba nila ako nakitang nasugatan sa misyon?

Sinuot pa ni Cassidy ang kanyang eyeglasses upang masiguro ang nakikita niya ngayon

Tiningnan nila ang kabuuan ko. Napatampal ako sa noo nang maalala ang suot ko kaya napangiti ako ng hilaw.  Sana kainin na lang ako ng lupa dahil nakalimutan kong magpalit ng damit.  Minadali kasi ako ni Carina dahil alam kong hinahanap na siya ni ate Chisel.

Tumili sina Soliel at Elara patungo sa gawi namin kaya mabilis um-exit si Carina.

Sa isang iglap nasa harap ko na ang dalawa maging si uncle Dy lumapit. Sinuri nila ang kabuuan ko mula ulo hanggang paa.

Mabilis kong tinulak ang mukha ni Soliel at Elara nang ilapit ito sa akin.

Maarteng pinaypayan ni Soliel ang sarili.

"Grabe grabe ka-level ka na ng ganda at kaseksihan ko sissy." Niyakap niya ako ng mahigpit. Napahiyaw ako nang natamaan ang sugat ko.

"Ano ka ba,sa 'kin kaya nagmana," banat naman ni Elara. Talagang hindi man lang ako kinumusta o ang misyon ko. Ibang klase.

"Hoy mga inggrata! Sa akin kaya kayo lahat nagmana. Sa mala diyosa kong kagandahan." Maang kaming napatingin sa nakapameywang na si uncle Dy. Ang arte arte ng boses niya. Talagang pumipilantik pa ang peke niyang pilik-mata.

Jusmiyo, alam kong gusto namin siyang magbago pero 'wag naman ganito.

Umalma ang dalawa kaya sinamantala ko ang pagkakataon na makasibat.

Tatapak na sana ako sa hagdan.

"Ate Chisel was looking for Carina dahil hindi umuwi kagabi. Why you two came home together?" Kahit kailan talaga malakas ang pang-amoy ni Cassidy.

Lumingon ako. Tumayo siya at tinanggal ang suot na salamin. Naglakad ito palapit sa akin upang hindi marinig ng tatlo na bumalik na kakasukat ng damit.

Napaghandaan na namin ito ni Carina.

Nagkibit-balikat ako.

"Hindi ko alam. Nakasabay ko lang 'yan sa gate pagkauwi ko. Bakit hindi siya ang tanungin mo?"

Tinitigan niya ako ng maigi. Mapanuri ang kanyang tingin na para bang kaduda-duda talaga ang sinabi ko.

Bumuntong-hininga siya.

"I know Carina is quite manipulative. Kaya niyang paikutin ang nasa paligid niya." Napatulala ako sa sinabi ni Cassidy.

Naalala ko kanina, nang sabihin ko ang tungkol sa kaibigan niyang si Sarah ay hindi na ito nagulat. Matagal na raw niyang alam, ang hindi rin raw alam ni Sarah ay plinano niya ang lahat. Pinaniwala niya na wala siyang alam sa tunay nitong pagkatao pero ang totoo agad niyang sinabihan ang mga kabataang naroon sa pagbabago ng plano.

Tinali nila si Sarah pero nakita ito ng tauhan kaya nakatakas. Doon ko napagtanto na hindi basta basta ang kapatid ko. Hindi mo alam kung kailan siya magpapanggap at maging totoo.

Beyond Imagination (Contrera Sisters Series #1)-COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon