Naniniwala na talaga si Celeste na pag may pag ayaw may dahilan pero kung gusto napakaraming paraan.
Bigyan man siya ng ilang libong dahilan upang ayawan ni Tanner tutumbasan naman niya ito ng milyong dahilan upang siya'y magustuhan.
Sa katunayan, hindi sapat ang salitang gusto mo lang. Aba'y galaw galaw rin pag may time upang makuha ang inaasam-asam.
Taking risk is part of being inlove. If someone rejects you, don't let go nor give up malay mo nagpakipot lang 'yon.
Ilan sa mga ideyang pumasok sa isip ni Celeste kaya hanggang sa kahuli-hulihan ay gagawin niya ang gusto niya.
Kasalukuyan silang nasa pribadong silid ng Contrera mansion na animo'y may isang napakalaking misyon na kailangan pag-aralan.
Matapos makalabas sa ospital ay hindi na siya nag-aksaya ng panahon. Hindi niya dinalaw si Tanner kahit nangangati ang paa niyang pumunta sa silid nito. Lalo na naroon ang dragon nito ina. Hindi iniwanan ang anak sa tabi nito.
"Nagkakaintindihan na ba tayo?" parang isang terror na professor ang tinig ni Celeste sa harap nilang lahat.
Ngumiti naman ang lahat at tumango. "Good, now let's make it happen. Bukas o makalawa ay ilalabas na siya ng ospital."
Sa kabilang banda, ay wala pa rin imik si Tanner habang nakasakay sa kotse patungo sa kanilang bahay. Napansin ito ng mommy niya na kasalukuyan nagmamaneho.
Napabuntong-hininga siya sa inasal ng anak. Alam niya kung ano ang dahilan.
Hindi niya pinapalapit ang kahit na isa sa magkapatid na Contrera. Pinabantayan niya ito, bantay sarado upang masiguro lahat.
Hindi pa rin mabubura ang galit sa puso niya tuwing naalala lahat.
"Look son, that girl doesn't deserve your love. Hindi ka nga magawang dalawin sa ospital. Mind you she did those things for the sake of your mission. Ngayon wala na, you better end your connections."
Hindi makapaniwalang binalingan ni Tanner ang ina. Paano niya nagawang sabibin ang lahat ng iyon na parang wala lang ang lahat. Napangiti siya ng mapakla, hindi pa rin talaga nabura ang galit sa puso ng kanyang ina. Sa pag-aakalang pinagtaksilan siya ng kanyang ama.
Naniniwala siyang may dahilan si Celeste kung bakit hindi ito nagpakita sa kanya. He knows that his woman is capable of doing unexpected antics.
Gusto man niyang sumagot ay pinili na lang niyang tumahimik. Kahit anong gawin naman n'ya ay sarado ang isip nito. Magtatalo lamang sila.
Pagkarating sa kanilang bahay ay walang imik siyang bumaba. Akmang aakyat na siya sa taas nang magsalita ang ina.
"We better live in US for good, son. No buts, just agreed." Simpatiko lang siyang ngumisi na ikinatahimik ng ina.
Pagkapasok sa sariling silid ay sinuntok niya ang pinto dulot ng frustrasyon.
Napadaing siya nang sumakit ang sugat niya.
Kailangan niyang puntahan si Celeste. Ito na ang pagkakataon upang ipaglaban niya ang nararamdaman rito.
Napatango siya sa naisip, kahit kalabanin niya ang pinakakamahal niyang ina ay kaya niyang gawin. Siya naman ang kikilos ngayon upang makuha ang pagmamahal ni Celeste.
BINABASA MO ANG
Beyond Imagination (Contrera Sisters Series #1)-COMPLETED
RomanceCOMPLETED... Celeste Contrera ang pinaka-pasaway sa magkapatid. Mahilig sa gulo at kabulastugan. Suki pa ng kulungan. Paano kung makita niya ulit ang kanyang ultimate crush mula pa noong college, Tanner Serrano? Anong galawang Contrera ang kaya niya...