CHAPTER TWENTY-EIGHT

340 23 1
                                    

CHAPTER 28: Reinforcement

Crizten's POV

“RETREAT! Everyone, retreat! Regroup!” sigaw ko matapos ang isa pang meteor ang lumitaw mula sa kung saan at babagsak hindi kalayuan sa pwesto namin.

Ngunit para bang naging trigger ang sinabi ko dahil matapos niyon ay sunod sunod ng umulan ng meteor.

“Ryan!” dinig kong sigaw ni Cristhian dahilan para mapatingin ako sa kaninang pwesto ni Ryan.

Napatakip ako sa bibig ko nung makitang saktong tumama sa kinatatayuan ni Ryan ang isa sa mga meteor. Naging dahilan iyon upang tumalsik sya palayo, at bumagsak sa nakausling bakal hindi kalayuan.

Namuo ang luha sa gilid ng mga mata ko bago pa ako nakaiwas ng tingin.

Another soldier has fallen. Ryan Mcloggan was the fifth victim.

“Crizten! Let's go!”

Nandito pa din kami sa burol. Isang oras mahigit na kaming nandito at hanggang ngayon ay hindi pa din nakakarating iyong matatanda. Nakarating na dito lahat ng sayans pati na din ang mga battalions nila ay wala pa din sila. Labinlimang minuto na din ang nakakaraan nung muling trumiple ang bilang ng mga voodoo users pati na ng mga giants.

Oh hell, just how many are there?!

“Chino, count head,” saad ko. Tumango sa akin si Chino.

“Few. Hindi lahat ng battalion ay nakarating dito at ang iba naman ay—”

Tumango ako. Hindi na sya pinatapos pa.

“How many are injured?”

“17 are injured. Kalahati noon ay… nag-aagaw buhay.” sagot naman ni Chloe. Napaupo ako at napaiwas ng tingin.

“Exact number of those who died?”

Nag-iwas ng tingin si Kirsten. “Including the five that died here, there is 35 corpses. Tapos may nawawalang labinlimang estudyante.”

Nanlaki ang mga mata ko saka gulat na napatingin sa kanya. “35?! How come…  how come?!”

Compose yourself, Crizten. Keep calm. This isn't the right place and time to let emotions out. Keep calm.

“They ambush us when we're trying to get here. They use themselves to shield us from them. Yon din ang dahilan upang… makarating kami dito.” paliwanag ni Mrs. Buenaventura.

“I'm starting to not know what is happening. It's becoming so… difficult.” mahina kong saad. Natahimik kaming lahat.

Huminga ako ng malalim saka muling kinalma ang sarili. Nung tuluyang kumalma ay tumayo ako.

“Chloe, can you go back to the camp and see if the adults are still there? Also, ask for the prophecy. Hanggang ngayon ay wala pa din akong naririnig na balita mula sa dalawa.” saad ko.

Tumango sya. “Okay,”

“For now, let's make new plans. Nawawala tayo sa plano.”

“C–Crizten! Emergency!” Biglang lumitaw sa harapan namin si Chloe na hingal na hingal.

“What is it?”

“The adults, together with Charene and Luke's battalions went missing! I'm thinking that the prophecy are with them.” saad nya. Nasapo ko ang noo ko.

So that's why they are not here just yet. Yon din ang dahilan kung bakit walang back-up kaming natatanggap mula sa dalwa.

“And, also, I saw this letter there.” May inabot sya sa aking maliit na papel. Kunot noo ko iyong tinanggap.

Sayans Academy: School for MagicWhere stories live. Discover now