CHAPTER EIGHTEEN

431 26 1
                                    

CHAPTER 18: Prophecy

Crizten's POV

AKALA ko ay yung training na para sa Ulta Sayan Form ang pinakamahirap na training na pagdadaanan ko.

Pero, langya, hindi ko akalain na ganito pala 'to kadali.

Mahigit dalawang linggo na akong sinasanay ni Ariella para matutunan na kontrolin ang power of Hell. At sa loob ng mga nakaraang linggo ay walang nangyaring maganda.

“Crizten! What the fuck are you doing?! I told you to concentrate! Are you even listening to me?!” sigaw ni Ariella nung muli akong tumalsik dahil sa pagsu-summon ng mga skeletons.

Hinihingal kong hinarap si Ariella saka pinunasan ang gilid ng labi ko na nasugatan dahil sa nangyaring pagtalsik. Pakiramdam ko nga ay nagkabali bali na ang buto ko sa likod dahil sa ilang beses itong tumama sa pader.

Humawak ako sa tuhod saka doon kumuha ng lakas. Nung makatayo ako ay gumewang pa ako kaya napatawa ako ng sarkastisko. “Fuck it. Damn it.”

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Ariella saka lumapit sa akin. “Let's take a 30 minutes rest. Pagod ka na,”

Mabilis akong umiling sa sinabi nya. “No. I–I still can manage,”

Muli syang bumuntong hininga. “Why don't you visit your friends first? Baka kaya hindi mo magawa 'to ay dahil wala kang motivation?” Bumakas ang pang-aasar sa huli nyang sinabi.

I scoffed and shook my head even more. “No! I… I haven't achieved anything yet. I'm not shameless,”

Natawa sya. “In which part you will be shameless? Bibisitahin mo lang naman sila? Sya?”

Bitin akong ngumiti. “You knew me so well right?” tanong ko. Sandaling kumunot ang noo nya saka tumango. Napangisi naman ako. “Then you should know by now why I choose to control it.”

Her mouth formed 'o' when she realised it. Lalong lumawak ang ngisi ko. “Tsh, bahala ka na nga.” Muli syang tumalikod at lumayo sa akin. “Should we start again?” Pumikit ako saka huminga ng malalim. Pagkamulat ko ng mga mata ko ay ngumiti ako saka tumango.

“Yep!” That's right, Crizten. Stick with your plan. You knew so well what will happen when you stick on it.

MABILIS na lumipas ang mga oras. At sa pagdaan ng mga oras ay lalo ko lamang sinasaktan ang sarili ko.

“Insan!”

Mabilis akong napalingon kay Liam matapos marinig ang kanyang boses mula sa pinto. Huminga ako ng malalim saka ngumiti saka tumango at kumaway.

“Liam!”

Mabilis na tumakbo palapit sa akin si Liam saka mahigpit akong yinakap. Natatawa akong gumanti ng yakap sa kanya. Matapos ang ilang minuto ay sya na mismo ang naghawak sa magkabila kong balikat saka nakangiting nilayo sa kanya.

“What are you doing here, anyway? This house is one of our grounds,” saad nya saka sandaling ginala ang tingin sa paligid.

Sasagot na sana ako nung biglang lumabas mula sa isang sulok si Ariella, magkakrus ang parehong braso.

“She's with me, Liam.” sagot nya. Kumunot naman ang noo ni Liam.

“You ran away from sayans, cous?” tanong nya. Bitin akong ngumiti saka umiling.

“Nope. I'm having my training now,”

Nanatiling nakakunot ang noo nya. “Training?”

Sayans Academy: School for MagicWhere stories live. Discover now