CHAPTER SEVEN

703 42 10
                                    

CHAPTER 07: Armor

Crizten's POV

"WELCOME, transferee's," seryoso ngunit nakangiti nyang saad. Lihim akong napangiti. "Welcome to Vloderence's tribe. Welcome to Sayans tribe Main Camp!"

Nahigit ko ang hininga ko ng tingnan ang nasa harapan kong gate. Kalawang na ang bakal sa paligid, puno rin ng agiw ngunit makikita at mahahalata pa rin ang matingkad na kulay.

Muling naglakad si Chino kaya sumunod kami. Kaming tatlo nina Cristhian at Charene ay hindi maiwasan ang wag tumingin sa paligid dahil sa ganda. Dahil sa madidilaw na halaman na nakalagay sa gilid, sa pathway na kulay dilaw, sa tatlong building na matingkad ang pagkaka-dilaw. Sa mga punong nasa paligid na tila pinalilibutan ang buong camp.

Naglakad kami diretcho sa isang building na may tatlonh floor. Tumigil kami sa harapan non.

"This is the Sayan Main Building. Dito tinuturo ang Power Controllation, History, Enchantments." saad ni Chino. Tumango kami. Tinuro naman nya iyong building sa kanan. "Plan and Strategy Making naman dito. Minsan may Fortune and Technology in 21st." saka tinuro iyong isa sa kaliwa. "And that room is for the training class,"

Nagulat ako. "Training class?" ulit ko. Sabay namang tumango si Chino at Cassandra.

"Yeah. Tomorrow is the first day. Wednesday. 7:00 am ang start ng klase kaya kaylangan na nandoon na tayo ng around 6:45 am." si Cassandra ang sumagot.

"Oh, here is our schedule," dagdag pa ni Cassandra saka may binigay sa amin na papel. Binuksan ko iyon.

SAYANS ACADEMY: SCHOOL FOR MAGIC

HEADMASTER: MR. Gregorio La Vinci

Schedule:

Schedule (M, W, F)

7:00-9:00 am- History

9:00-10:00 am- Power Controllation

10:00-11:00 nn- Enchanments

11:00-12:30 pm- LUNCH

12:30-1:30 pm- Strategy and Plan Making

2:30-3:30 pm- energy controlling

3:30-5:45 pm- Training (LAST CLASS)

(T, TH)

8:30-9:45 am- energy controlling

9:45-10:30 am- power controllation

10:30-11:15 nn- enchanments

11:15-12:30 pm- LUNCH

12:30-1:15 pm- Fortunation

1:15-2:15 pm- Technology against Darkness

2:15-3:00 pm- BREAK

3:00-5:45 pm- TRAINING (LAST CLASS)

"Any question about our schedule?" tanong ni Chino. Nag-angat ako ng tingin sa kanya saka umiling. "Good. Let's move on the Sayans Main Ground. Baka nandoon iyong iba," saad nya saka muling naglakad. Sumunod naman kami.

"Cristhian! Charene! Nakarating na kayo!" sabay sabay kaming tumingin sa babaeng sumigaw. She was running like an idiot towards our direction.

But she was a kind of cute.

Round face, chinita hazel brown eyes, black wavy hair, not–so–pointed nose, pink lips.

"Chloe!" malakas na sigaw nung magkapatid kaya sandali akong napatingin sa kanila saka muling binalik ang tingin ko doon sa babae.

Sayans Academy: School for MagicWhere stories live. Discover now