CHAPTER THREE

868 44 10
                                    

CHAPTER 03: Sayans Academy: School for Magic

Crizten's POV

PAGKATULAK ko doon sa wall ay may narinig akong 'password uncheated'. Muli kong nilingon si Mom na ngayon ay nagpupunas ng kanyang luha.

"Hanggang dito nalang ako Crizten. Please take a good care of yourself. See you when I see you," seryoso nyang saad. Bumuntong hininga muna ako saka ngumiti at tumango.

"I will, Mom. Same to you, Mom. See you when I see you," saad ko saka muli syang yinakap. Tumagal naman ang yakap na iyon ng mahigit na limang minuto. Ako na ang kusang naglayo sa sarili ko. Baka hindi na ako makaalis eh.

Sandali akong pumikit saka huminga ng malalim. Pagkamulat ko ay nakangiti akong humarap sa pathway na nasa harapan ko saka unti-unting naglakad papasok roon.

"Ms. Crizten Gueverra?" napatingin ako sa gilid ko ng may magsalita. Sandaling kumunot ang noo ko nung may maglakad palapit sa akin na lalaki.

"Yeah, that's me. Who are you?"

"I'll be your guide until you reach the Academy's garden. We will go now. This way, please," saad nya saka minuwestra ang direksyon saka naunang naglakad. Mabilis naman akong sumunod sa kanya.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko ng may makitang kulay asul na karwahe ang nag-iintay roon. May dalawa ding kabayo ang nasa unahan noon. Tsk, old-fashioned yet amazing kind of service.

Nakangiti ako hanggang sa makapasok ako sa karwahe. Nilibot ko naman ang tingin ko pagkapasok. May mini refrigerator sa gilid, may nakita rin akong table na puno ng prutas at pagkain, may tv sa isang gilid at isang walk in closet at bathroom.

"Please change to your Academy's uniform. We will arrive there exactly 15 minutes," saad nung lalaki saka tinuro iyong walk in closet. Tumango ako saka kinuha ang uniform ko sa suitcase ko at pumunta sa walk in closet.

Pagkatapos kong magpalit ay mabilis na umandar ang karwahe. Nilapit rin niyong lalaki iyong table na nakita ko na puno ng pagkain kaya habang nagbya-byahe ay kumakain ako.

"There seems to be a problem. We will until they fix the problem," saad nung lalaki saka pilit na ngumiti sa akin. Tumango nalang ako.

"Can I ask you something?"

"What is it, Ms. Gueverra?" tanong nya.

"Which tribe are you in?" tanong ko. Pilit naman syang ngumiti.

"I don't have a tribe. Im one of those who almost fall into darkness. The Council called us deltas." saad nya. Bahagya akong tumango.

"I will now introduce you the Academy. The reason, when and why they build this Institution. Please listen carefully," saad nya. Wala akong nagawa kundi ang tumango.

Habang naghihintay na matapos iyong ginagawa ay nagkwento ng tungkol sa SA itong lalaki na kasama ito. Minsan ay nagtatanong at sinasagot naman nya ako ng maayos. Kahit nung naayos na iyong problema ay nagtuloy tuloy sya sa pagkwe-kwento hanggang sa hindi namin namalayan na narating na pala namin iyong pupuntahan namin.

Ngumiti iyong lalaki. "We've just been arrived into the Academy's garden. Starting from this point, you are not allowed to leave the Academy without a consent from the Board. Enjoy your stay here," saad nya saka ako pinagbuksan ng pinto. Nakangiti naman akong lumabas ng karwahe.

"Welcome to Sayans Academy: School for Magic Main Garden. Just follow this hallway and you will reach the Academy's main gate." saad nung lalaki. Tumango ako sa kanya saka naglakad doon sa hallway.

Sayans Academy: School for MagicWhere stories live. Discover now