CHAPTER TWENTY-FIVE

361 22 0
                                    

CHAPTER 25: The Start of War

Crizten's POV

I STARTED to summon my Exeter and also some immortal skeletons on my way to the Eastern Forest. Kasama ko si Chino samantalang ang iba ay pinapunta ko sa dalawang iba pang tribe at sa Main Hall.

“Sinong nasa gitna ng forest? Sinong nagbabantay?” tanong ko. Huminga ng malalim si Chino.

Mula kasi nung nakaraang linggo ay nag-aasign na ako ng mga battalion na magbabantay sa iba't ibang bahagi ng Eastern Forest. Ito din kasi ang ginagamit nilang way para makapasok sa SA.

“Just Mr. La Vinci and Kirsten's battalion.” sagot nya. Nasapo ko ang noo ko dahil sa inis.

“Let's run quickly. Save everyone on our way. Didiretso ako sa gitna para tingnan kung sinong naroon.” saad ko. Ngayon naman ay si Chino ang napatingin sa akin.

“No buts, Emegard. Don't forget who I am,” seryoso kong dagdag. Bumuntonghininga sya.

“Alright. Stay alive,” saad nya saka ako hinalikan sa noo ko. Napako ako sa kinatatayuan ko. Natawa naman sya ng mapansin iyon.

“You, go now.” saad pa nya. Ngumisi ako.

“Tell that to yourself,” saad ko saka ginala ang paningin sa paligid. Unti unting may lumabas na ilang Necromancers mula sa likod ng puno.

I heard Chino groaned in annoyance. I chuckled.

“Pumunta ka na doon! I can handle them,” bakas man ang inis sa boses, nasabi nya pa rin iyon sa mahinahong paraan. Tumango ako.

“Don't you ever die, newborn DemonLord Candidate. You know what I'm saying.” saad ko bago sya tuluyang tinalikuran. Nadinig ko pa ang mahina nyang pagtawa.

“Yeah, sure, Her Majesty. I vow to the power you have given to me.” dinig kong sinabi nya. Huminga na lang ako ng malalim.

Hindi pa ako tuluyang nakakalayo ay may lumipad na sa aking needles kaya wala akong nagawa kundi ang tumalon palikod at protektahan ang sarili.

“Crizten!” sigaw ni Chino nung sa pangalwang pagkakataon ay may lumitaw na needles sa tagiliran ko. Umismid ako.

“Stay on wherever you are! Focus on your fight!” sigaw ko.

I transferred the earth element on my Exeter saka iyon tinuktok sa lupa. Sa gilid ng mga mata ko ay napansin kong pati sina Chino ay naapektuhan ng aftershock. Dahil din sa ginawa ko ay lumitaw na ang babaeng nagpapalipad ng needles.

'She's a superior,' saad ulit ni Chino sa utak ko naman. Napapikit ako sa inis.

'I could see that, okay?! Focus on your fight and don't mind me or I'll kill you!' sagot ko. Nadinig ko ang pagtawa nya.

'You are so cute when you're pissed,' sagot pa nya. Halatang nang-aasar

'Shut up, shut up, shut up!' saad ko saka walang pakundangan na sinugod ang babae sa harapan ko. Ngunit natigilan lamang ako nung bigla itong naglaho.

Para makumpirma ang hinala ko ay tiningnan ko muli sa lupa ang needles at napangisi ako nung makitang wala iyon doon.

'Careful Emegard! She's an illusionist!'

Gumala ang paningin ko sa paligid. Iniisip kung saan sya sunod na lilitaw at saka doon na aatake.

Nung mga nakaraan na linggo ay halos puro puppeteers at warriors ang nakakalaban namin.

Sayans Academy: School for MagicWhere stories live. Discover now