CHAPTER ONE

1.8K 54 23
                                    

CHAPTER 01: Expelled

Crizten's POV

TATAKBO na ako papasok sa Claun High University. Damn, late na naman ako!

Bumuntong hininga ako. Kung hindi lang kasi dahil don sa kdrama na pinapanood ko baka maaga akong nagising ngayon.

Muli kong inaalala ang pwedeng sabihin sa akin ni Mrs. Buenaventura. 'Ano? Late ka na naman?! Sabihin mo nga, gusto mo bang pumasa o hindi?' then I'll answer her, 'sorry po, hindi na mauulit.' pero lagi parin akong nale-late.

"Naku, Ms. Gueverra, late ka na naman," saad nung guard. Sa ilang beses ko ng maging late, nakilala na ako ni kuya guard. Habol ko naman ang hininga ko bago ako humarap sa kanya at sumagot.

"Tinanghali ng gising kuya guard eh." sagot ko. Mahina syang natawa saka napailing.

"Well, goodluck nalang," saad nya. Kumunot ang noo ko. Why is he saying goodluck? "Para kasing wala sa mood yung adviser mo. Si ma'am Buenaventura, hindi ba?" tuluyan akong nanlumo. Heck, this is one of those days!

"Hell no," bulong ko.

"Well, ipanalangin mo nalang na good mood na ngayon yung teacher mo."

Bumuntong hininga ako. "Sige kuya guard, una na ako."

"Ingat ka, hija!" natatawa nyang saad. Tumango lang ako sa kanya saka nagsimulang maglakad papunta sa direksyon ng room ko.

Huminga muna ako ng malalim saka umakyat sa floor ko. Napaawang ang bibig ko ng makita si Mrs. Buenaventura sa harapan ng room, naka-krus ang mga braso at nakataas ang isang kilay.

"Of course you are late again, Crizten!" sigaw nya pagbaling sa direksyon ko. Napahawak ako ng mahigpit sa strap ng backpack ko saka napalunok at yumuko ng kaunti.

"S-sorry ma'am." mahina kong paumanhin. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga nya.

"Come in. I hope this would be really the last time you will be late." saad nya saka naunang pumasok sa room. Mabilis akong nag-angat ng tingin sa kanya. Bro, is this a life changing? Iba ang sinabi nya, hindi ba? Bro, this is a freaking surprise! Or not.

"Crizten! What are you doing out there?! Are you planning to stay there until I reached my time?!" malakas nyang sigaw mula sa loob ng room. Huminga ako ng malalim saka naglakad papasok.

"I forgot that I need to do something. Open your science book in page 335." saad nya saka nilikom ang gamit. "Answer the following questions and make an essay about our topic yesterday. Crizten,"

"Yes, ma'am?"

"You will come with me," saad nya. Kumunot ang noo ko.

"Po?"

Huminga sya ng malalim saka napahawak sa sentido. Na para bang may sinabi akong hindi nya nagustuhan. "Are you deaf or what?! I said, you will come with me!" sigaw nya saka mabilis na lumabas. Pumikit ako ng mariin saka sumunod sa kanya. Dala ko pa ang gamit ko.

Tahimik lang akong nakasunod sa kanya samantalang sya ay humuhuni ng kung ano.

"Oh yeah!" maya maya ay saad nya dahilan para mapatalon ako sa gulat. Napahawak pa ako sa bandang dibdib ko. Para naman syang hindi bad mood, kuya guard eh! Scam ka kuya guard. Tsk.

"Ma'am?" tawag ko sa atensyon nya.

"Yes?" nakangiti nyang saad dahilan para magulat ako ulit. Si Mrs. Buenaventura na halos laging galit sa akin, heck! Nakangiti sa akin ngayon!

Sayans Academy: School for MagicWhere stories live. Discover now