CHAPTER 10: First Rank: Royals vs. Crizten Gueverra
Crizten's POV
NANG sumapit ang hapon ay bahay naman nina Charene at Cristhian ang pinuntahan namin.
"Ms. Charene?" sinalubong kami nung babae na may kaedaran na. Nakangiti namang tumango si Charene at niyakap iyong babae. Sunod namang yumakap si Cristhian.
"Cristhian! Ano't naparito kayo?" tanong nya matapos ang yakap nila. Tumingin naman sa amin iyong babae. "Sino sila? Kapwa kamag-aral nyo?" tumango si Cristhian.
"Yaya Rose, tara sa loob. Doon tayo magkwentuhan." inakay nilang dalawa ni Charene iyong babaeng tinawag ni Cristhian na Yaya Rose.
Nagkatinginan kaming mga natira saka sumunod sa kanila.
Panay ang tingin ko sa paligid dahil sa naggagandahang mga ancient artifacts na sa tingin ko ay mahigit isandaan na ang tanda. May nakita rin akong ilang painting. Meron ding abstract painting.
"Dito tayo," napatingin ako kay Charene nang may pasukan syang pinto. Sumunod kami sa kanya.
My mouth formed into a big 'O' by what I see. Kung kanina sa hallway ay puro paintings, abstract ay ancient artifacts, dito naman sa salas nila ay may malaking carpet na kulay dilaw. May chandelier, isang malaking family picture ang nakasabit sa dingding. May nakita rin akong armors sa isang sulok.
"Charene! Cristhian!" napatingin kami sa babaeng bumaba sa hagdan. She was around in her 30's. Pagkababa nya ay mabilis syang sinalubong ng yakap ng kambal.
"Its been a while, Mom," nakangiting saad ni Charene pagkahiwalay nila sa yakap. Tumango iyong mom nila saka bumaling sa amin.
"Friends of yours?" tanong nya. Tumango naman yung kambal.
"Mom, ung babaeng nasa kaliwa ay si Cassandra, yung katabi nya ay si Chloe, tapos ay si Charles, then Chino, Lucas and lastly Crizten." ngumiti kami saka nagmano doon sa babae. "Guys, our Mom. Rheanna Agoncillo,"
"Good afternoon, Ma'am." nakangiti kong saad. Tumingin sya sa akin saka ako pinakatitigan.
"Had we met before?" tanong nya. Kumunot ang noo ko.
"Hindi pa po, Ma'am. Actually this is the first time we meet." kahit nagtataka ay nakangiti ko pa rin iyong sinabi.
"And, what is this presence I felt on you? Why is it so dark?" nawala ang ngiti ko. What does she mean by that.
"Im sorry, but I don't get it, Ma'am. Its true that I have another power source according to Ms. La Vinci but I don't acquire it yet. So, basically we don't know what it is," saad ko. Tumitig pa sya saka bumuntong hininga ay umiiling.
"Im sorry, pagod lang yata ako. Kung ano anong sinasabi ko." ngumiti sya kaya ngumiti na lang ako. Tumingin muna sya taas saka binalik ang tingin sa kambal. "I call out your dad. Nasa study room na naman yata sya."
"Seriously, he's been locking him in study room for days now. Hindi ko alam kung ano ginagawa nya doon." saka sya nagmadaling tumaas. Nang mawala sa paningin namin ay awkward akong tiningnan nung kambal.
"Were sorry about mom. Ganon lang talaga sya," pilit na ngumiti si Charene. Ngumiti ako sa kanya saka umiling.
"Its okay. I don't mind," saad ko. Tumango silang dalawa. Naupo naman sila sa sofa na nandoon kaya sumunod din kami. Habang nagkwe-kwentuhan ay muling bumaba ang mom nina Cristhian mula sa taas.
YOU ARE READING
Sayans Academy: School for Magic
FantasySayans Academy is a hidden school for those who has different power and characteristics. School for those who are descendants of Vloderence, Claresse and Clyde. For those who has the power of Sayan, Magician and Sorcerer. Different mythical creature...