Chapter Seventeen

73 3 1
                                    

Chapter Seventeen

Just One Summer

XAVIER'S POV

May practice ulit kami sa plaza, at ngayon talaga ay tatanungin ko si Josephine kung pwede na siyang ligawan. Kinikilig ako. Bading! Grabe! Nababading na ako! Ang bading kong pakinggan!

Naka-upo na ako dito at tinitignan ko si Carma Lee na nagtuturo ng sayaw sa mga bata doon. Bakit kaya Carma Lee pangalan nito? May maliit na bata ang biglang lumapit kay Carma Lee.

"Kuya Karding! Pahingi ako pambili ng meryena!" Sabi ng bata.

Gusto kong tumawa ngayon dahil tinawag na kuya Karding si Carma Lee! Ahahahahha!

"Tonying! Ate Carma Lee ang itawag mo sa akin!" Si Carma Lee.

Nag-okay sign ung Tonying na bata at binigyan siya ni Carma Lee ng pera.

Natatawa pa rin ako dahil Karding pala ang tunay na pangalan ni Carma Lee.

Makalipas ang ilang oras ay hindi pa rin dumarating si Josephine, antagal niya at halos magaalas-tres na ng tanghali kanina pa akong 10 ng umaga dito at gutom na gutom na ako ng sobra. Yung mga alaga ko sa tyan nagrereklamo na ng sobra.

Dumating si Josephine at may nakabuntot sa kanyang lalaki, mas gwapo ako doon sa lalaki, ni wala pa nga siya sa talampakan ko! Sino siya para buntutan si Josephine at hatak-hatakin ng ganun ang kamay niya?

Naiinis na si Josephine dun sa lalaking yun. Naiinis na rin ako kaya nilapitan ko na ang bwisit. Hinigit ko si Josephine papunta sa likod ko at nagulat yung lalaking buset.

"Sino ka naman?!" Singhal sa akin nung pangit at naka-tingala. Ang liit kasi ng bwisit.

"Ako ang dapat na nagtatanong nyan!" Singhal ko pabalik.

Tumawa ang bwisit na parang nang-iinis pa siya, gago pala ito eh.

"Ako ang boyfriend ni Josephine!" Pagmamalaki ng buset.

May kung anong mainit ang umakyat sa ulo ko.

"Kung boyfriend ka!" Singhal ko sabay tingin sa kanya ng masama mula ulo niya hanggang paa sabay balik sa mukha niya. "Asawa niya ako! Kaya tigilan mo na siya!"

Parang nagulat siya sa sinabi ko pero tumawa siya ulit.

"Paano ka niya magiging asawa samantalang 16 palang si Josephine?!" Singhal niya.

"Bobo ka ba? Mapapangasawa niya ako! Ganun na din yun!" Singhal ko pabalik sa kanya. Fucking shit yung tawa at mukha niya.

"Gago ka! Inahas mo lang siya!" Siya naman. "At nagpaahas ka naman?" Singhal nung lalaking lintek.

Nagtigang bagang si Josephine at sinuntok niya ng malakas yung pangit. Knock out ang lintek at nakahandusay siya.

Nagsilapitan lahat ng tao sa amin. Dahil dun ay hindi na tuloy ang practice sa sayaw namin kaya umuwi na lang kami.

YUNG BUSET na yun ako ang pina-blotter na nanuntok sa kanya, at ang nakakainis kunwaring inosente at walang kasalanan sa lahat ng nangyari na ito. Ang walanghiyang yun! Fucking nasty bastard!

Nung nasa barangay hall kami buti na lang maraming saksi na pinagtatanggol ko si Josephine dun sa lintek na pandak na lalaki. Mabuti na lamang at talagang nakapag-pigil ako na suntukin yung pangit na yun!

Nasa kwarto ko ako ngayon at palakad-lakad ako sa kwarto, naiinis ako sa lalaking yun! Boyfriend ba talaga ni Josephine yun? Dun ako naiinis ng lubusan at nag-iinit ang ulo ko!

Para naman mawala ang galit ko ay nahiga ako sa kama ko. Sa tuwing naaalala ko kasi ang lalaki na yun na sinasabi niyang boyfriend daw siya ni Josephine ay naiinis ako.

BOses ng isipan: selos ka lang.

Manahimik ka! Hindi ako nagseselos! Naiinis lang ako sa lalaking yun.

Voice inside my head: selos ka sa lalaking yun.

Makatulog na nga lang!

JOSEPHINE'S POV

Pina-blotter ni Jon si Xavier. Umuwi na pala ang tarantadong Jon na yun at gusto pang makipag-balikan?

Buti na lang at marami talagang saksi na pinagtatanggol lang ako ni Xavier.

Hindi ko pa rin maintindihan yung ginawa ni Xavier, bakit siya nagpakilala na asawa ko? Tanga ba siya?

Pero aminin! Kinilig talaga ako dun.

Pagod na pagod ako ngayong araw na ito grabe.

Nanuntok ka ba naman ng lalaking may matigas na mukha? At pabalik-balik kayo sa barangay hall dahil sa lintek na Jon na yun.

Bakit kaya nasabi ni Xavier na asawa ko siya? Pwede namang gf lang o kaya naman pinsan ko siya? Assuming na naman ako.

Nakikipagbalikan sa akin si Jon at ayaw niya akong tigilan. Matapos ng lahat ng ginawa niya sa akin ay ineexpect niya na babalik ako sa kanya? Siraulo siya! Kung akala niya na babalik ako sa kanya ay nagkakamali siya!

Bwisit siya ha?! Tengene niya.

"Phine, gusto mo tambangan namin yung lintek na Jon na yun?" Si Jewelyn. Andito kami sa 7-11 at lumalamon kami.

"Huwag na, nasuntok ko na yun," ako.

"Pero ha, asawa ka daw ni Xavier!" Kinikilig na sabi ni Rean sa akin.

"Haha, nakakatawa, tama na nga yan at ubusin na natin ito ng makauwi na tayo!" Ako naman.

"Mamaya na, punta na muna tayo sa magic mall at gusto ko ng shawarma," si Cylene.

Wala bang kabusugan itong si Cylene?

"Oo nga naman, bibili pa ako ng books dahil wala na akong basahin sa bahay," si Rean naman.

"Mainit sa bahay namin walang aircon, tsaka gusto kong tumambay dun ta maraming chicks," Jewelyn.

No choice ako kundi ang sumunod sa gusto nila. Nasa tindahan na kami ng shawarma at umaaligid na ang mga mata ni Cylene.

"Pai, may puntahan lang ako ah?" Si Rean at pumasok na sa isang store.

Nagulat ako dahil biglang may nangalabit sa akin. Lumingon ako at nakita ko si Jon na nakatingin sa akin.

"Jon?" Ako naman.

End of chapter seventeen

Please vote, comment, and share!

thedarklady_1104

Just One Summer (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon