Chapter Sixteen
Just One Summer
XAVIER'S POV
Nahilo ako kanina, langhiya at ang init. Buti na lang nagka-kuryente na at inalagaan ako ni Josephine at Cylene. Ganun pala mag alala ang mga babae, maalaga si Josephine pero di ko pa rin siya type. Nasabi ko na kung ano ang gusto ko sa isang babae.
Pero nagi-guilty ako sa tuwing inaamin ko sa sarili ko na hindi maganda si Josephine. Parang kinakabahan ako sa tuwing sinasabi ko sa sarili ko na 'wala akong gusto sa Josephine.'
Pero feel ko na may nararamdaman ako sa kanya pero ibinabaon ko yun dahil nga hindi siya MAGANDA!! HINDI KO SIYA TYPE!!! Maganda naman siya pero hindi siya ang ideal girl ko. Physical appearance din ang gusto ko para syempre pwedeng iparayaw kung kani-kanino. Lalo na kay Drew na best friend ko, syota kasi niya ang pinsan ko.
Pero may nag-uudyok na dapat si Josephine ang ideal girl ko dahil she looks so perfect, pero sa tuwing titignan ko ang physical appearance niya ay hindi na siya perfect. Ewan ko ba, bakit kasi nagka-gusto ako sa babaeng hindi kagandahan.
Gabi na naman at kinuha ko yung tab ko, nakita ko na may post na bagong picture si Josephine (friends na kami sa FB) yung JS ata nila ito.
At shit.
Ang ganda niyang tignan.
Ang ganda niya.
Lumakas ang tibok ng puso ko nung nakita ko siyang naka-dress at naka-make-up. Oo nga at hindi siya maputi pero maganda siya.
Lechugas na puso ito oh!
Hindi! Wala akong gusto sa kanya! Ikaw na mata ka! Utak ko, huwag kang mag-imagine ng future with Josephine! Heart, tumigil ka sa pagkabog ng malakas!
Ang ganda niya dito, sana dito na lang pala ako nag-aral ng matagal para nakita ko si Josephine na naka-dress pag nakikita ko kasi siya parating jersey ang suot.
Kung ligawan ko na kaya?
No!!! Erase that thought Xavier Byron Villaluz!!! Hindi siya ang ideal girl mo! Hindi mo siya maipagmamayabang at hindi pan-display! Lechugas na!
KoNsyensya: ansama mo Xavier, hindi ba tinuro sayo ng daddy na masama ang man display?
Lechugas! Para na akong tanga rito na ewan! Yiiii!!!! Para na akong bading dito na napapangiti na parang baliw! Ayoko na! Hindi ko na iisipin si Josephine!
Nagpunta na lang ako sa laptop ko para mag-search ng kung anuman pero napunta ako sa google at sinearch ang pangalan na Josephine! Damn!
Ano na ang gagawin ko?
Tinext ko lahat ng tropa ko.
Paano ba malalaman kung inlove ka na?
Mga repz nila:
Chad: malay ko, pero ang bading mo!
Drew: sino naman? Inlove ka na ata kay Karma Lee! Jajajajaj!!!
Relys: parati siyang laman ng isip o kung anuman!
Marrvvel: sasabihin ko sayo pero bigyan mo akong bente?
JJ: who the hell cares?
Salamat kay Relys pero yung iba ang gagaling, ang sarap maging kaibigan!
May iba pa sanang signs kaya naman tinanong ko na si Mommy.
Sagot niya: hindi mo kailangan ng signs, nararamdaman yan.
Well! Wala akong mag gets sa mga tao! Di bale na nga! Liligawa ko na si Josephine!
Paano ba manligaw?
First girlfriend ko si Madison pero pinilit niya lang ako kaya walang ligawan ang naganap, si Gelly naman pfft.
Tanungin ang tropa:
Chad: kalalaki mong tao hindi mo alam manligaw!
Drew: liligawan mo na si Carma Lee?
Relys: make her fall for u
Marrvvel: materialist ang mga babae. that will do the trick
JJ: mabubulaklak na salita at bilugin mo ang ulo.
Mga walanghiya, si Relys lang ang matino! Nireplayan ko nga!
Mga reply ko sa kanila:
CHAD: kalalaki mong tao hindi mo mapasagot si Sayla!
DREW: siraulo ka! Parati kang basted!
Relys: tnx
Marrvvel: magician lang ang trip mo?
JJ: panliligaw pa ba yan?
Nagreply sila pero hindi ko na sinagot. Nakakainis eh.
Hindi ko alam ang manligaw o ano ang feeling ng inlove.
Si daddy na lang ang tatanungin ko! Pero busy siya.
Matulog nga nga lang at nakakabadtrip!
I NEED TIPS!!!
End of chapter sixteen
I-promote ko lang po new story ko, Trial of Love po!
Please vote, comment, and share!
thedarklady

BINABASA MO ANG
Just One Summer (On-Hold)
Fiksi RemajaSa loob ng dalawang buwan nagkakilala si Xavier at Josephine at naramdaman nila ang tinatawag na pag-ibig ng mga teenagers.