CHAPTER FIFTEEN
JUST ONE SUMMER
JOSEPHINE'S POV
Hay salamat naman at natapos na din akong naglaba. Yung kamay ko tuloy ang pangit na. Pero okay lang dahil nga nakakapaglaba ako.
"Oy Josephine! Alam mo na ba?" Biglang pumasok si Cylene sa eksena out of nowhere. Paano nakapasok ito rito?
"Ano naman ang balita mo Cylene?" Tanong ko habang balkonahe na kami.
"May lumalandi raw sa bf ni Kytch, kailangan ng resbak!" Parang siya ang makikipag-away.
"Ayoko nga! Tsaka good girl ako no!" Bigla kong sabi.
"Are you sure? Josephine kamo! Manunuod ka lang naman!" At kailangan pa ng audience?
"Ha? Siraulo ka ba? Paano kung anong nangyari sa yo? Kung ikaw ang resbakan ng mga yun?" Bigla kung putol.
"Whatever! Alam ko naman na sasama ka pa rin, tara nga, punta tayo sa plaza," si Cylene.
Siya talaga, anlakas ng loob na manood ng away pero makikipag-pustahan lang naman. Pero kapag yan ginanahan sa pakikipag-away, you'd better prepare your mouth, bungangera yan. Oh no wait, palengkera.
Andito na kami sa plaza at may namataan akong 2 figure sa may stage, babae at lalaki sila, yung lalaki si Xavier pero yung isang girl hindi ko kilala pero magkatabi sila. The girl, PONYETANG BABAENG YAN!!! Bakit kasama nakalingkis siya kay Xavier? Does she wanna die? That, that! Aaaarrrrggghhhh!!!!
"Bakit Josephine?" Tanong ni Cylene.
Sinundan niya kung saan ako nakatingin.
"Oi! Yan yung malanding kaaway nila Kytch! Sakto walang tao sa plaza pa naman din to ngayon!" Sabi niya.
"TAWAGAN MO LAHAT NG TROPA NATIN! MAY BABALATAN AKO NG BUHAY!" Ako naman.
Agad naman na nilabas ni Cylene yung phone niya at tinawagan yung mga tropa namin na gangsta kung umasta, nagsidatingan na lahat at ready na kami.
Nilapitan na nila yung babaetang malanding tunog pako at martilyo. Yung friend din pala namin na isa eh may sama ng loob dun sa babaeng tunog pako at martilyo.
Ilang oras pa ang lumipas nagsabunutan ang dalawa lumayo kami dahil talagang ang gulo ng away nila. Yung iba naglabas ng phone at vinedio yung away. At syempre mawawala ba ang pustahan?
Tumabi si Xavier sa akin, hindi ko siya pinansin basta ang mahalaga naka-pusta ako dito. Pero nagi-guilty ako dahil hindi ko siya pinapansin. Ano ba naman yan! josephine! Umayos ka! Ipakita mo na wala kang paki sa kanya!
"Josephine..." si Xavier.
Bahala siya dyan! Busy ako dito! Pero parang nanghihina yung boses niya?
*BLAG!!!*
Tumba yung babaeng tunog pako at martilyo!!!
Nanalo ako!
Lumingon ako para harapin si Xavier pero wala na siya, saan naman nagpunta ang isang yun? Kausap niya si Cylene sa mga bleachers at may hawak na pamaypay si Xavier naman may hawak na ice water.
WHAT THE HECK HAPPENED???
Agad akong lumapit.
"Vier! Ano meron?" Ako naman.
"Na-dehydrate ata eh, ewan ko. Namumutla siya," sabi ni Cylene habang pinapaypayan si Xavier na parang barbecue si Xavier.
"Gawin mo ang lahat! Xavier okay ka lang?" Halos pataranta kong sabi.
"Wow ha? Mukha ba akong doctor? Bumili ka ng tubig na marami, tsaka buksan mo yung AC niyo sa bahay niyo," sabi ni Cylene.
Agad kong ginawa ang utos niya, bumili ako ng dalawang mineral water at binigay ko kay Xavier. Tumakbo ako sa bahay which is just near at binuksan ko ang aircon sa kwarto ko, buti na lang at may kuryente na.
Tumakbo ako ulit kina Cylene at Xavier. Sapo sapo pa rin ni Xavier ang noo niya.
"Ano na Cylene! Magiging okay na ba siya!" Bigla kong sabi.
"I dunno, maybe he needs a doctor," sagot ni Cylene na may British accent.
"Dalhin natin siya! Just save him!" Nag-hysterical na ako.
"Josephine! Hindi siya mamamatay dalhin lang natin siya sa isang cool place, Amerikano kasi kaya sanay sa malamig!" Sarkastiko niyang sabi.
Dinala naman namin siya sa bahay at mukhang okay na siya nung nasa aircon na kami, si Cylene naman kinuha ang laptop niya at yung hard drive niya gusto niyang manuod ng horror movie.
Si Xavier naka-upo sa tapat ng aircon, hilong hilo nga ang itsura niya at dry ang labi niya.
Grabe! Awang awa ako sa kanya at kabog ng kabog anv puso ko.
"Napanood ko na lahat ng horror mo Cylene," sabi ko sabay higa sa kama kong malambot. Si Xavier naka-tutok sa AC.
"The Fault in Our Stars kaya na lang?" Si Cylene.
"Panood ko na rin yan," ako.
"Alam ko na, How to Train Your Dragon?" Si Cylene.
"Pambata," ako.
"The Notebook?" Si Cylene.
"Pang-adult!" Ako.
Ngumiti si Cylene.
"FAIRY TAIL!!!" Siya.
Nagmadali kaming humiga sa bed at si Xavier naman eh naka-upo lang sa may tapat ng AC habang nakikinood sa amin.
Ang favorite episode ko pa ang palabas, yung Changeling! Nagkapalit palit silang lahat ng katawan sa huli.
"Um, Josephine, Cylene, gusto ko ng umuwi," si Xavier.
"Okay ka na ba? Sure ka? Okay ka na?" Ako.
"Oa lang Phine? Ihatid na kaya natin si Xavier!" Si Cylene.
Hinatid nga namin si Xavier kina tita Helena, at pagkapasok na pagkapasok niya ay umalis na kami ni Cylene.
Ano kaya ang nangyari dun kay Xavier?
end of chapter fifteen
Please vote, comment, and share!!
Thedarklady_1104
BINABASA MO ANG
Just One Summer (On-Hold)
Novela JuvenilSa loob ng dalawang buwan nagkakilala si Xavier at Josephine at naramdaman nila ang tinatawag na pag-ibig ng mga teenagers.