Chapter Eight

47 3 2
                                    

Chapter Eight

Just One Summer

JOSEPHINE'S POV
Pauwi na kami. Doon kami sumakay sa owner ni Cylene, si Kenneth kasi sabi niya pupuntahan niya daw si Rowena at ibibigay yung Camay na soap. Pa-VIP ang lukaret na babae palibhasa alam na inlove si Kenneth sa kanya.

Buong biyahe namin eh bina-badmouth ni Annett si Rowena talagang hate niya. Pero kami naman ni Xavier nagpalitan na ng numbers namin, para hindi naman kami asarin ng mga kasam namin ay sa text na lang kami nag-uusap kaya lang ang hirap mag-focus lalo na at ang lakas talaga ng boses ni Annett.

"Yang talagang Rowena na yan! Alam niyo ba, nakita ko yan nung isang araw may kasamang ibang lalaki na mukhang adik at mas matanda pa sa kanya!" Singhal niya.

Grabe! Napagod ako dahil sa buong araw, napansin ko na halos lahat kami ay nangitim pero si Xavier namula lang. Ang puti talaga ng lalaking to.

Naka-uwi na kami sa mga kanya-kanyang bahay dahil sabi ng parents namin kailangan daw before 5 eh nandun na kami sa mga bahay namin..

Di bale na! Sana maka-text ko si Xavier! Oh golly bee!!! Kinikilig much naman ako! Hehhehe!!! Sana naman may crush siya sa akin kahit na kunti lang! Please naman po!

Pagkarating ko sa bahay ay may flash news.

'MGA KILALANG LIDER NG SINDIKATO, NAKATAKAS!!!'

Para namang kinabahan ako dun, paano naman kasi eh mga sindikato sila at malay mo naman eh mapunta sila dito sa probinsya! Shucks!

Nawala ang kaba ko ng mag-ring ang phone ko, leche, akala ko si Xavier na, si Kytch lang pala.

'Good Day po!!! Here at 7-11 with Lex and Zoe, and Dwight!

#enjoying Summer Vacation!
Inom po tayo ng Slurpee!!!

From: Kytch

Haha! Adik talaga ang Naughty Three na ito! Naalala ko yung mga kulitan nila!

Biglang nag-ring ulit at halos lumundag ang puso ko sa tuwa. Pero si Hazel lang pala, nyetang mga Group message yan!

Buong pesteng magdamag akong naghintay ng text ni Xavier pero ni HI o HELLO niya wala! Dun lang talaga sa owner jeep siya nagte-text! Bigla naman akong kinabahan nung naalala ko yung pakarat na dukhang babae na dumamba sa kanya, hindi kaya talagang anak niya yun at nag-sama na sila?

Paano na ako? Grabe! Paasa naman ata yang Xavier na yan!

*RIIIIINNNNGGGG*

Baka siya na ito!!! Hindi ko na tinignan kung sino man ito!

"Hello!" Masaya kung bungad.

"Oy! Sorry ah!" Sabi ni Xavier.

"Ikaw ba yan Xavier?" Tanong ko.

"Malamang, hindi ba halata?" Sarkastiko niyang sagot.

"Hmp! Kalalaki mong tao ang sungit mo," sabi ko.

Tumawa siya.

"Sige Josephine, napagod ako kanina kaya matutulog muna ako," sabi niya.

Um-okey naman ako dahil nga pagod. Binaba na niya ang phone syempre pati rin ung akin.

XAVIER'S POV
Binaba ko na ang phone, sa totoo lang ay hindi naman ako inaantok, talagang mas gusto ko ang naka-higa ako sa kama pagkatapos naming mag-outing tinawagan ko lang siya kasi alam kong umaasa siyang tatawagan ko siya.

Kaya nga lang hindi ako sanay na may- ka call mate na babaeng gusto ko. Opo may gusto po ako kay Josephine kaya lang baka mapahamak siya.

*RIIIIIIIINNNNNGGGG!!!*

"Hello?" Sagot ko.

"Xavier? Explain to me why Gelly was here!?" My mom yelled at me.

Putek na Gelatin yan!

"Ma! Hindi ko rin alam! Ipinagsisiksikan niya yang anak niya sa akin!" I reasoned.

"Kaya nga! Bakit mo siya pinasundo sa driver ko!" Sabi pa niya.

"Ma I don't get you!" Sabi ko naman.

"Sinundo siya nung driver ko na si Mang Theodoro at sabi ni Gelly ay dito raw siya ihatid! At feel at home ang gaga! Ibigay mo sa akin ang number ng parents niya!" Galit na sabi ni mommy.

Binigay ko yung number ng parents ni Gelly, malay ko kung ano na ang mangyayari dun. Bahala na.

THIRD PERSON'S POV
Dumating sa mansyon ng mga Villaluz ang ina ni Gelly. Si Gelly naman ay nasa salas habang kinakausap si Mr. Villaluz at sinasabi na anak daw ni Xavier yung anak niya. Hindi naman naniniwala si Mr. Villaluz dahil halata namang sinungaling pero may baby bump siya na hindi pwedeng ipagkaila.

"Gelly! Anong meron at ipinatawag ako!" Sabi ni mama niya.

"Ma, kinakausap ko lang sina Mr. Villaluz, anak nila ang ama ng baby ko," sabi ni Gelly.

Nagbaga ang mga mata ng nanay niya at agad na sumigaw.

"WALANGHIYA KA!!! PAKASALAN DAPAT NG ANAK NIYO ANG ANAK KO!!" Pagwawala ng ina.

Bigla namang dumating sa eksena si Mrs. Villaluz.

"HINDI NAMAN SIGURO ANAK YAN NG BABY BOY KO NO! BAKIT NIYA PAPATULAN ANG ANAK MO!!! ANG GANDA MASYADO NG LAHI NAMIN!! PARA PATULAN YANG ANAK MONG PANGIT!!!" Hiyaw ni Mrs. Villaluz.

"HOY! WALA AKONG PAKI!! MALAKING KAHIHIYAN TO SA PAMILYA NAMIN!"

Nag-away sila hanggang sa kumalma sila at naupo sa couch. Lihim naman na napa-ngiti si Gelly dahil alam niyang mapipilitan ang mag-asawang Villaluz dahil nagwawala ang kanyang ina.

"Mrs. Villaluz, kailangan ng bata ang ama niya," katwiran ni Gelly.

"Oo nga, hindi mo kausapin si Randy Rodriquo? Siya ang tatay niyan diba?" Sabat naman ni Mrs. Villaluz.

"P-po?" Kinabahan na sagot ni Gelly.

Alam ni Mrs. Villaluz ang totoo dahil na-curious siya sa mga paratang ni Gelly. Nagpunta kasi si Gelly sa kanila matapos nilang ipadala si Xavier sa probinsiya. Noong una ay parang naniniwala siya rito pero nung nakita niya na kalmado lamang ang kanyang asawa ay nagduda siya. Alam kasi ni William kung nagsisinungaling ang isang tao.

Pinaimbestiga niya yung buong background ni Gelly at nalaman na hindi nga si Xavier ang ama kundi yung boyfriend niya nung hiniwalayan siya ni Xavier.

"Mrs. Santos, kung ayaw niyong sampahan ko kayo ng kaso eh mabuti pa na umalis na kayo rito, puntahan mo yung mga Rodriqou sila ang makakatulong sayo!" Sabi ni Mrs. Villaluz.

Hindi nakapag-timpi ang nanay ni Gelly at sinugod si Gelly ng kanyang ina.

Umalis na ang mag-ina sa bahay ng mga Villaluz. Napabuntong hininga naman si William at nginitian ang asawa.

JOSEPHINE'S POV
Ang saya ko naman dahil tumawag si Xavier kanina, gosh!
Ewan ko ba kung ano ang nagustuhan ko dun ay basta ang alam ko eh crush ko siya!

Wala na naman sila mama at papa ngayong gabi dahil may pinuntahan sila at naiwan ako na kasama ko sina Tisoy at Tisay.

*RIIIIIIINNNNNNGGGGGH*

Unknown number.

END OF CHAPTER EIGHT

PLEASE SHARE, VOTE AND COMMENT!!! ^_^

TheDarkLady_1104

Just One Summer (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon