Chapter One

130 4 7
                                    

Author's Note

First time ko lang po magsulat ng story, sana magustuhan niyo po!

TheDarkLady_1104

Chapter One

XAVIER'S POV

Ito ako ngayon, nagba-biyahe na papuntang probinsya para mag-bakasyon, o kaya naman ay para mailayo ako sa mga panganib na dala nila mama at papa sa buhay nila. Buti na lang daw at hindi ako kilala ng publiko kahit na anak ako ng pulitiko at abogadang marami ng naipakulong na mga lider ng sindikato at mga bigating kriminal.

Si PAPA kasi ang hilig mambuking ng mga corrupt na pulitiko din kaya yan, DEATH THREATS. Pero hindi naman siya takot dun, takot daw siya sa maaaring mangyari sa unico hijo niya. :)

Si MAMA naman abogado na sobrang galing idiin ang mga kriminal at sindikato lahat ng details na kailangan niya para maipakulong ang mga iyon ay kumpleto, ang bunga? DEATH THREATS. Ganun din sa kay papa ay hindi siya takot dyan, takot siya na mawala ang gwapo niyang anak. XD

Gwapo naman talaga ako at cute pa. XD

Ako si Xavier Byron Villaluz, 16 years old, fourth year na ako sa pasukan next school year pero hindi na sa city kundi sa province na, andun na daw lahat at hindi na ako dapat alalahanin ng mga threats na yan dahil hindi naman nila ako kilala, they hope.

Naka-tingin ako sa bintana ng kotse, andito palang kami sa Manila Bay at dahil hapon na eh kita ang sunset ang ganda nung sunset. May tugtog pa na Thinking Out Loud by: Ed Sheeran at may pagkain pa na sky flakes at Nutella.

"Mang Lando, kailan po tayo makakarating sa probinsiya?" tanong ko sabay subo ng sky flakes na isinawsaw sa Nutella.

"Matagal pa po tayo, di bale magmamadaling araw na tayo makakarating dun," sagot ni Mang Lando.

Ngey, ang layo pa. :(

"Ahhhh," yun na lang ang sinagot ko at ipinagpatuloy ang paglamon.

Tumunog yung phone ko, kinuha ko at yung tarantado ko lang pala na kaibigan na si Andrew yung tumatawag. Si Andrew John Edmundo, best friend ko siya simula pa nung mga bata kami at since then hindi na kami mapaghiwalay.

"Oi Xavier saan ka daw sabi ni Gelly?" tanong niya ni walang 'HELLO'.

"Bakit daw?" tanong ko.

"Hinahanap ka eh, the girl is searching for you like crazy!" tawa niya sa kabilang linya.

Nilapag ko yung Nutella sa tabi ko.

"Let her search for me, dyan lang naman magaling ang babaeng yan eh, maghanap," sagot ka sabay hagalpak.

Tumawa siya sa kabilang linya.

"Hindi ka ba affected na NAGHANAP siya ng iba?" pabiro niyang tanong na may diin pa ang NAGHANAP.

"Hindi no, tsaka, bakit ba niya ako hinahanap?" tanong ko ulit.

"Uyy! Miss mo rin si Gelly no?" biro ng mokong na to.

"Siraulo hindi no! Curious lang naman," balik ko sa kanya.

Tumawa muna ang shunga sa kabilang linya, mga one minute na hindi pa rin tapos tumawa ang lokong batang to.

"Kasi daw, buntis siya!!!" Tawa naman ni Andrew,

"Lechugas! Yun mabubuntis ko?! EWWW, 'pre alam mo namang laspag na yan!" sabi ko naman.

"Pero malamang joke lang yun!" Tawa naman ni Andrew. Siraulo to, kung wala lang kami sa phone eh pinagsu-suntok ko na.

At tumawa na naman siya ng halos one minute. Buti hindi pa to namamatay sa sakit sa puso?

"Hoy Andrew! Ano na? Tatawa ka na lang ba dyan?" Sabi ko ay.

"Oo, sige.... wait.... AHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAAHHAHAHAHAAHAHAHHA!!!!!!!! Si Gelly daw kasi.... ano... humhum... ano... ay daw..... HAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAAHAH!!! Miss...... AHAHAHHAHAHAHAHAHA!!! Gusto ka daw niyang ipakilala sa...... HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!! Parents niya!!!!" Tawa niya na halos tawa lang niya ang naintindihan ko.

ANO DAW???

"Ano, Drew hindi kita magets?" Tanong ko.

Nagmura siya sa kabilang linya.

"Ipapakilala ka daw sana niya sa parents niya!" Inis niyang sagot.

Akala ko ba mga babae lang ang may mood swing?

"Bakit naman?" Tanong ko.

"Aba malay ko, yun lang ang sinabi eh," sagot niya ulit na may halong sungit. May mood swing nga ang mokong na to.

"Sigurado ka?" Tanong ko.

"Bakit ba ang kulit mo? Kung magpunta ka na lang kasi dito!" Bulyaw ng mokong.

Hindi ko naman mapigilan ang mapatawa sa mood swing no Andrew.

"Wala na ako, hindi ako makakapunta kung nasaan ka naman," sagot ko.

"Ha? Nasaan ka ba?" Tanong niya na may inis din.

"Nasa damit ko!" Biro ko.

Nagmura ulit siya! XD

"Umayos ka nga Xavier!" Bulyaw niya.

Haha! Katuwa tong mokong na ito!

"Papunta na ako somewhere down the road!" Sabi ko ma pakanta yung SOMEWHERE DOWN THE ROAD.

"Hay naku! Hindi kita magets! Wala kang sense!" Inis niyang sagot sa kabilang linya.

"Sino ang may mood swing!?" Tawa ko naman.

"Shunga! Ba bye!!!" Bulyaw niya.

Tawa naman ako ng tawa pagkababa ko ng phone. And sarap inisin ni Andrew lalo na kung may mood swing ito! XD

Ma-mimiss ko yung tropa ko ngayong summer vacation, sila kasi ang kasama ko tuwing summer!

Binalik ko yung takip ng Nutella at ibinalik sa backpack ko at nilagay ko ang earphones ko, matutulog muna siguro ako dahil matagal pa ang biyahe namin.

Naramdaman ko yung phone ko nag-riring, siguro si Andrew ulit to, hindi pala, si..... Gelly.

END OF CHAPTER ONE

Vote and Comment!!! ^_^ <3

TheDarkLady_1104

Just One Summer (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon