JOSEPHINE'S POV
"AAAAAAAHHHHHH!!!" Napatili ako ng sobrang lakas dahil may nanghatak sa paa ko. Kanina lang may tumili na kapit-bahay namin tapos ako naman!Tumakbo ako agad palabas ng bahay kahit na shorts at sando ang suot ko. May nakabanggaan akong lalaki sa labas ng bahay!
"Ay puta ka!" Sabi nung lalaki.
Madilim ang paligid pero buti na lang at may street light dun. Naaninag ko yung lalaki at effing shit!
Yung lalakeng kasama ni Annett to! Yung wafu!!!
Pero ano ang sabi niya? Puta raw?
"Puta ka din ah!" Singhal ko pabalik.
Ang bad ng bibig niya ha? Ang ganda ko kaya masyado para maging puta lang!
"Ano?! Tangina mo ah!" Sabi niya.
Ibabalik ko sana yun ng biglang namatay yung streetlight. Effin shit naman oh!
Tapos biglang yumakap sa akin yung wafu, oh no, cross that, lecheng lalaki. Aangal sana ako kaso ang bango niya at ang tangkad niya! Feel ko safe ako sa loving arms niya!
"Ah! Ayan na ung mga alien sa Fourth Kind! Kikidnapin na tayo!" Biglang sigaw nung lalaki.
Fourth Kind? Diba yun yung alien na movie na nakakatakot?
Pero hindi yun ung inaalala ko eh, yung The Conjuring!
"Ayan na si Bathsheba!!" Tili ko!
"Nyemas! Hindi si Bathsheba! Yung mga alien!" Sabat ni lechugas.
Naramdaman kong kumalas siya, sayang naman! Chansing na yun eh!
"Sinong Bathsheba?" Tanong naman niya.
Leche talaga!
"Yung witch!" Sabi ko.
"Walang witch! Aliens meron!" Balik naman niya!
Aba! Alien daw? Ano to?
"Hindi totoo yang alien na yan! Pero yung witch totoo!" Balik ko.
Biglang bumukas ulit yung streetlight at nakita ko na siya ulit. Inches lang ang layo ng face namin sa isa't isa.
"Eh! Base on true events yung Fourth Kind!" Sabi naman ni Lechugas.
"Yung Conjuring din naman ah! May pictures pa nga dun yung mag-asawa at mga bida!" Singhal ko pabalik.
"Sa Fourth Kind ininterview yung psychologist!" Singhal niya pabalik.
"Totoo naman yung mga demonologists na sina Ed at Lorraine Warren!" Sabi ko.
Nagbitawan kami ng maaanghang na salita para lang ipaglaban namin kung alin ang totoo sa mga napanood naming horror movies.
Namatay ulit yung streetlight at effin f! Ang dilim ulit kaya napayakap ulit ako kay Lechugas na lalaki!
Eh siya rin naman yumakap na. Kung maka-lingkis nga sa akin daig pa ang sawa!
"ALIENS!" Siya.
"BATHSHEBA!" Ako.
Ang tagal naming nag-yakapan dun ng kumalas siya sa akin. Bwisit naman oh!
"Anong pangalan mo, miss?" Tanong niya na parang walang nangyari.
Ramdam ko ang hininga niya sa balat ko at sheteng shete! Ang bango at hawak niya ang dalawa kong kamay. Kumalas kasi siya sa yakap ko kaya kumalas na rin ako. Nakakahiya naman kong nakayakap ako sa kanya habang siya hindi.
"Um, Josephine Leilani Sanchez, single, ikaw?" Sagot ko. Dapat complete information baka sakaling interested siya sa akin.
"Gung-gong ka, pangalan mo lang at hindi status, ako si Xavier Byron Villaluz," sagot ni leche.
Ang gwapo ng name niya pati na rin siya. Nagbukas na ulit yung streetlight kaso namatay ulit!
Bakit walang mga sasakyan dito? Wait! May relo pala akong G-Shock na may ilaw. Binuksan ko yung ilaw at nakita ko ang oras, 3:30 na.
Shit! Witching hour!
"Uy G-Shock! Orig yan?" Tanong ng loko. Hindi ko siya masyado maaninag madilim.
"Hindi. Lokal lang to, nabili ko lang ng 250," sagot ko.
"Okay, ano oras na Josephine?" Tanong ni Xavier sa akin.
Ang ganda pa ng banggit niya sa name ko. Parang Jowsefin! Yung mga tropa ko kasi Jusepin. Bukas na ang streetlight.
"Mga 3:30 na, thirty minutes na tayo dito, bakit ka pala nasa labas ng bahay?" Tanong ko, medyo curious lang naman.
"Kasi nagugutom ako gusto kong Slurpee," sagot niya.
"Ah, punta tayo gusto mo?" Yaya ko sa kanya.
Tumingin siya sa mga paa ko.
Shoot. Wala akong slippers.
"Sure ka? Gusto mo siguro mag-slippers man lang?" Tanong niya.
Naalala ko yung humatak sa paa ko habang natutulog.
"Ah wag na! Gusto kong magpinetensya eh," palusot ko.
"Weh? The Conjuring ka lang eh!" Biro niya sabay tawa.
Ang sexy na tawa niya gosh!
"H-hindi ah!" Medyo nautal ako dun ah! Ang sexy kasi ng tawa niya.
"Sallabay kita gusto mo?" Tanong niya.
Huwatt????!!!! Piggy-back ride?
"Huwag na, mabigat ako eh, as in parang baboy!" Sabi ko.
Andun pa rin kami sa daanan.
"Ganun! Sige na nga, baka ma injury pa ako. Ang gwapo ko pa naman!" Tawa ulit niya.
Ang sexy ng tawa niya ah!
"Um, panu ba yan! Josephine, una na ako sa 7-11," sabi niya.
W-wait! Iiwan niya ako! Baka mamaya andun si Bathsheba sa kwarto ko.
"Sama ako!" I blurted out.
Kumunot ang noo niya. At ngumiti na parang aso. Gosh! Ano ang nasabi ko?!
"Mag-slippers ka!" Tawa niya.
Napilitan akong pumasok sa gate at hinablot ko kung ano man ang meron na slippers ang nahablot ko.
At ang bad news eh Rambo ang nakuha kong slippers at kay Tisoy yung slippers na to kaya medyo maliit, hindi yung peke kong Havaianas. ( di ko alam ang spelling eh!)
Lumabas na ako at nakita ko Xavier na nag-hihintay."Rambo ang slippers mo?" Tawa ulit ni Xavier.
"Hindi! Kay tatay ko toh!" Sarkastiko kong sagot.
"Wooo! Conjuring!!!" Sigaw niya.
Sabay takbo niya. Leche sinuot ko yung rambo at hinabol siya."Ala ka!!! Yung Bathsheba mo!" Tawa niya sabay takbo ng sobrang bilis.
"Huhuhu!!! Shut up!!!" Sigaw ko sa kanya.
Ang gaan agad ng pakiramdan ko sa kanya, parang crush ko na siya.
Talaga namang crush ko siya dahil wafu siya!Nakarating kami sa 7-11, pagod na pagod ako at tawa lang ng tawa ang mokong.
Ang suot niya is black shirt at jersey shorts. pogi talaga.
"Ahahahahah!!!! Kung nakita mo lang sarili mo habang tumatakbo!" Tawa niya na naman.
"Che!" Singhal ko.
Pumasok na kami sa loob ng 7-11. Kinapa ko yung bulsa ko at sakto! Buti may lamang bente!
Ganun din kasi ako minsan kay Xavier, umaalis ng bahay tuwing gabi para lang sa 7-11.
"Ano bibilhin no Josephine?" Tanong ni Xavier sa akin.
Kumuha ako ng ice cream at siya din. Lumabas na kami sa 7-11 at pumunta dun sa plaza para naman to get to know each other.
END OF CHAPTER FOUR
PLEASE VOTE, COMMENT, AND SHARE!!!
TheDarkLady_1104

BINABASA MO ANG
Just One Summer (On-Hold)
Teen FictionSa loob ng dalawang buwan nagkakilala si Xavier at Josephine at naramdaman nila ang tinatawag na pag-ibig ng mga teenagers.