Chapter Two

62 2 1
                                    

XAVIER'S POV
Ala grabe to ah? Ano naman ang kailangan nitong babaeng to?

"HELLO!" Bulyaw ko agad.

"Hello Xavier? Asan ka?" Tanong ni Gelly.

Naririnig ko yung boses ni Andrew sa kabilang linya.

"Hindi ka sasagutin niyan gago!" Narinig kong hiyaw ni Andrew sa kabila.

"Bakit ko naman sasabihin sayo?" Sagot ko ng pabalang.

May humikbi sa kabilang linya, umiiyak ang lukaret na babae.

"Please Xavier! Adik lang sa kanto ang ama ng anak ko!" Iyak ng..

W-wait, what? Akala ko ba joke lang yun ni Andrew?

"Ano? Yuck! Kung sino-sino kasi ang pinapatulan mo basta magka-bf!" Tawa ko.

Umiyak ulit siya.

"Please Xavier naman oh! Mas maganda ang situation kong ikaw ang alam nilang ama ng anak ko!" Iyak pa ng shunga.

"Ayoko nga, ang landi mo kasi! Tsaka ilang buwan na ba yang tyan mo?" Medyo curious lang naman.

"Mga 2 months na, concern lang?" Sagot niya.

"Anong araw nagsimula ang signs?" Tanong ko.

"Mga February 5 eh," iyak ulit ng gago.

"Ah, dba December tayo nag break at March na ngayon at wala namang milagro ang nangyari sa atin kaya bakit ko pananagutan ang anak mo?" Sarkastiko kong tanong.

"Please Xavier! Kung ayaw... mo sa parents mo ako lalapit!" Pananakot niya.

"Paniwalaan ka wari ng mga yun! At tsaka sa tingin mo takot ako sa isang tulad mo na ginagamit ang sariling anak para lang balikan ng isang gwapong tulad ko? No way! Manigas ka dyan!" Masungit kong sagot.

Tumahimik sa kabilang linya at pinatay na niya.

Ayos! Peace of mind again!

AFTER HOURS
Nakarating na kami sa modern type na bahay ni mama Helena at papa Boy.

Si mama Helena ang babysitter ko nung baby pa ako kaya may mama Helena.

Si papa Boy din ay kasama na magalaga sa akin.

May tatlo silang anak, yung panganay ay si ate Rhea nasa ibang bansa siya, yung pangalawa ay si Kenneth at yung pangatlo ay si Annett.

Ang pinaka-close ko ay si Kenneth at Annett kasi kasama silang dalawa ni mama Helena at papa Boy noon sa Manila ng bata pa ako.

Nasa front porch si papa Boy, may kape doon sa coffee table at nakanganga siyang matulog.

Si Mama Helena naman ay nakilipaglaro sa aso nila, mahilig kami sa mga dogs.

Nung nakita ni mama Helena na nakarating kami ay tumili siya.

"WOW XAVIER IKAW NA BA YAN!!!!" Tili ni mama Helena.

Nagising bigla si papa Boy at natabig yung coffee table kung nasaan yung kape at nabuhos.

"Ala! Bakit! Anong meron!" Sabi ni papa Boy at hawak yung walis tambo nila at tinutok kung saan saan.

Binuksan agad ni mama Helena ang gate at niyakap agad ako.

"Hi po, mama Helena," sabi ko.

Kumalas siya sa akin at umalis na ang driver.

"Kamusta ka naman?" Tanong ni mama Helena.

Nasa salas na kami ngayon at iniaakyat ni papa Boy yung mg gamit ko sa second floor.

Just One Summer (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon