CHAPTER THIRTEEN
Just One Summer
JOSEPHINE'S POV
Hay naku! Ewan ko ba at bakit ang weird na couple ni Rowena at Kenneth yun naman pala si Rowena ang may kabit. Kawawa si Kenneth mahal na mahal niya pa naman yung si Rowena.
Katatapos lang namin manuod ng Mirrors at nagsi-uwian na silang lahat, nasa kalagitnaan ako ng paglilinis sa bahay ng biglang may kumatok sa pinto.
Binuksan ko ito at nakita ko si Ninang Helena.
"Ninang? Tuloy po!" Sabi ko agad.
"Hindi na Josephine, nakita mo ba si Kenneth?" Tanong ni Helena.
"Hindi po eh, pero po kanina nakita ko sila ni Rowena," sagot ko.
"Saan sila nagpunta?" Tanong ni ninang.
"Naghiwalay po sila ng direksyon eh," sagot ko.
"Ah sige salamat," sabi ni ninang at nagpaalam na umalis.
Hay shete! Nakakapagod! Tingin muna sa cellphone kung anong oras na.
4 na ng hapon, si Tisay at Tisoy ay natutulog sa kwarto.
Tinignan ko yung family picture namin dun sa isang sulok. Pansin ko talaga na hindi ko kamukha ang mama ko. Kay papa daw talaga ako nagmana.
Nag-ring yung phone ko.
'Josephine, mamayang 8 na kami makaka-uwi dyan so take care,' si mama.
Nag-reply naman ako na okay na at babantayan ko sina Tisy at Tisoy.
Nanunood ako ulit ng movie pero hindi na horror, Titanic naman at gusto kong umiyak dahil trip ko lang naman.
Kaya lang nawalan ng kuryente. Futagres.
Bigla namang lumabas ng kwarto sina Tisoy at Tisay.
"Ate Josephine! Walang ilaw?" Si Tisoy.
"Hindi meron, nanunood nga ako at ang liwanag pa," sarkastiko kong sagot.
"Hmph, pilosopo ka ate," si Tisay.
"Oo nga, akala ko ba matutulog kayo?" Tanong ko.
"Walang electric fan ang init kaya," rekLamo ni Tisay.
"Okay, gusto niyo punta tayong plaza? 4:30 pa lang naman ng hapon," utas ko.
"Ayoko, maraming tao doon," si Tisoy.
"Oo nga naman, andaming tao doon dito na lang ako sa bahay," di Tisay.
Ayae talaga ng mga ito sa social life, secluded life ba ang tawag sa mga kapatid ko.
Ayaw nilang lumabas kaya naman nag-stay na lang kami sa bahay. Ano kayang ginagawa ni Xavier ngayon? 😳
END OF CHAPTER THIRTEEN
Sorry for the long update! 😄😄😄
PLEASE VOTE, COMMENT AND SHARE!!!
By: TheDarkLady_1104 (xyla)

BINABASA MO ANG
Just One Summer (On-Hold)
Teen FictionSa loob ng dalawang buwan nagkakilala si Xavier at Josephine at naramdaman nila ang tinatawag na pag-ibig ng mga teenagers.