Chapter Eleven
Just One Summer
JOSEPHINE'S POV
Grabe! Ang awkward namin ni Xavier talaga! Binulyawan niya pa ako! Leche siya sana hindi ko na siya makita pero crush ko siya eh, pano yan?Galit ba siya sa akin? Binulyawan niya ako eh? Malamang sino ba ang hindi magre-react ng ganun at magsa-sayaw kayo sa harap ng maraming tao at galit kayo sa isa't isa? Hmph, ansunget na ni Xavier.
"Josephine! May naghahanap sayo!" Biglang tawag sa akin ni mama.
"Sino?" Sabi ko.
"Si Annett!" Si mama.
Lumabas ako at nakita ko si Annett sa may gate agad akong lumabas. Hindi pala siya nag-iisa dahil kasama niya si... ate Carma.
"Girl! May practice kayo ngayon ni pogi!" Paalala ni ate Carma.
"Oo nga naman Josephine! Naghihintay sayo dun si Kuya Xavier! Andaming kausap na mga babae!" Dugtong ni Annett na may ngiting aso.
Hindi pa ako nagpatumpik-tumpik pa at nagpunta na ako sa harap ng barangay hall, habol-habol ako nina Annett at ate Carma.
Nakita ko nga si Xavier na maraming girlaloo. Leche may umakyat sa ulo ko at gusto kong makapatay at umiyak at the same time.
Malalaking hakbang akong lumapit kay Xavier sabay hablot sa kamay niya.
Andun na kami sa tapat ng hall, sinimulan na namin yung sayaw para namin matapos na rin to agad kahit na ang awkward pa rin dahil bigla yung ginawa kong paglayo sa kanya sa mga chix niya.
BREAK-TIME namin pumunta ako sa tindahan para bumili ng merienda ko. Lumapit naman agad sa kin si Xavier, si ate Carma at Annett naghahanap ng wafu kasama si Cylene.
May mga nagbabasketball kasi na mga taga-ibang lugar, hindi pala yung mga kabarkada ni Xavier. Yung court kasi na malaki at may maayos na ring nasa tapat ng barangay hall.
"Josephine," biglang tawag sa akin ni Xavier at tumabi siya sakin.
Pinagpapawisan siya ng todo.
"Oh?" Medyo pabalang kong sagot.
"Um, shit, paano ba to?" Biglang bulong niya sa sarili.
"Hoy, problema mo?" Nainis na ako.
"Sorry sa pagsigaw ko sayo kahapon," deretsahang niyang sabi at nanginginig ang labi niya.
Hinagisan ko siya ng chicharon.
"Ay! Ano ba?" Sabi niya.
Bigla akong tumawa.
"Libre mo muna ako! Bilis! Gusto ko pa ng chicharon!" Sabi ko.
Pinatawad ko naman siya, ewan ko ba kung bakit pero parang kiniliti ang puso ko nung nag-sorry siya.
Mahaba-habang praktisan pa at palakpakan na sina Cylene, Annett at Ate Carma.
Yung mga barkada ni Xavier ay nangaasar.
"Uuyyy! Kilig mats!"
"Pre kalimutan mo na si Gelly!"
Nagtawanan sila, si Xavier eh nag-blush lang at ako naman simpleng ngiti. Hindi na kami awkward magsayaw ngayon dahil nga wala ng guilt ang nararamdaman namin ngayon. Sana M.U na ulit kami.
Sana nga. . . .
XAVIER'S POV
Nyemas! Buti na lang nasabi ko rin! Yes! Bati na kami!Nung nag-sorry ako biglang naalis yung guilt sa dibdib ko at lumambot ang puso ko. (naks!)
Pagkauwi ko sa bahay nanood ako ng anime na Gintama at natatawa na ako ng sobra. Biglang nag-vibrate yung phone ko, akala ko si Josephine si mama pala.
X- hello?
M- Xavier? I have good news!
X- what's the good news?
M- pwede ka na ulit mag-aral dito!
X- that's all?
M- not only that! Wala na si Gelly pinakasal na sila nung piling gangster niyang syota!
X- heck yeah!
M- bye baby boy!
X- bye mom!Akala ko pa naman kung importante na! Pero ang sarap pakinggan sa tainga na wala na si Gelly. Si Madison kaya na saan?
Sana hindi na siya ulit manggulo.
Sana nga. . .
END OF CHAPTER ELEVEN
PLEASE VOTE, COMMENT AND SHARE!!! ^_^
TheDarkLady_1104

BINABASA MO ANG
Just One Summer (On-Hold)
Teen FictionSa loob ng dalawang buwan nagkakilala si Xavier at Josephine at naramdaman nila ang tinatawag na pag-ibig ng mga teenagers.