Chapter Twelve

45 1 0
                                    

CHAPTER TWELVE

Just One Summer

XAVIER'S POV
Andito ulit kami sa tapat ng barangay hall ng ganong oras praktis na naman namin. I just can't stand the heat and the girls that surround Josephine and I while dancing.

Their eyes like they wanted to take me away from Josephine, but I can't help to be proud of myself because I know that I am so handsome.

Totoo namang gwapo ako pero dapat hindi nila naman ako ahasin no?

Hindi na awkward ang lahat dahil bati na kami ni Josephine, ang ganda na daw nung pagsayaw namin dahil synchronized na ang movement ng katawan namin sa kanta. Buti favorite ko yung kanta kinakanta ko yan sa kwarto at kunwari nagsasayaw kami ni Josephine.

Yung mga kabarkada ko naman eh tuloy pa rin ang basketball nila at walang paki. Sina Annett at Cylene naka-titig sa mga kabarkada ko abot langit ang ngiti, si Carma Lee naman eh turo pa rin. Buti na lang at covered dito kundi it will be super effin hot.

Good thing na hot na ako.
MAYABANG MODE: ON

Nag-decide si ate Carma na tapusin ng maaga ang practice namin since may date pa raw siya. Sino kaya ang girlfri- este boyfriend niya? I'm just that curious and I want to know all.

Nagyaya si Josephine na gumala muna sandali kung saan saan. Ang sipag talagang gumala nitong babaeng to. No wonder kung bakit ang daming kakilala nitong babaeng to.

Pumunta muna kami sa 7-11 para mag-Gulp pero mas trip ni Josephine ice cream lang.

Neat. Andaming chicks ang nasasalubong namin! Nginingitian ko lang naman sila, hindi na sumama si Cylene sa amin.

Kasama ko si Josephine, Annett, Chad, Drew, Marvvell, Relys.Yung iba kasi namin kasing tropa nasa Manila at ayaw umalis ng kama nila, yung iba kong tropa hindi maka-tiis sa mainit na weather.

Ang ingay ni Annett at Josephine lalo na kung may dumadaan na gwapo raw at tumatawa tawa sila. Yung mga kabarkada ko eh dedma at busy mag soundtrip ako naiinis kasi ang dami raw nilang nakikitang gwapo tong si Josephine at Annett.

Mukha namang mga unggoy at feelers at mga retard jerks and stupid bastards ang mga natitipuhan nila! Mga feeling gangster pa nga yung iba na dosena ang bling bling at naka-bull cap.

"Bakit pa kayo naka-tingin sa kanila eh mas gwapo naman ako dyan!" Biglaan kong singhal.

"Don't worry naman kua Vier! Ikaw na kasi ang pinaka-gwapo!" Tawa ni Annett.

Si Josephine din tumawa na ng malakas.

Naglakad-lakad pa kami ng kaunti ng may maaninag kami sa may kanto. Parang si Kenneth na may kasamang ibang girl.

"Annett si Rowena at Kenneth yun oh!" Biglang sabi ni Josephine.

May bakanteng building sa gilid namin kaya nagtago kami doon at hinatak ko ang sina Chad, Drew, Marrvvell at Relys.

Andun kami sa ibaba ng bintana ng marinig namin sina Kenneth at Rowena na naupo sa tapat lang ng window na basag, tapat lang namin mismo.

"Kenneth, may sasabihin ako sayo," biglang sabi ni Rowena.

"Ano yun?" Si Kenneth.

May mahabang katahimikan bago magsimula magsalita si Rowena na kina-gimbal naming lahat.

"Nakikipaghiwalay na ako sayo..." biglang sabi ni Rowena.

"HA?! Bakit?!" Biglang taranta ni Kenneth.

"Nakita ko ulit si Fred at sabi niya mahal niya ako," sabi nung Rowena.

"Si Fred?! Diba?! May anak na yun?!" Biglang bumalikwas si Kenneth.

"Oo Kenneth! Anak namin yun!" Biglang sabi.

"Ha?! Paano nangyari yun?!" Biglang sabi ni Kenneth.

"Hindi nga kami blood-related nung bata pero gusto niya na ako as a mother! At nagbalik na si Fred!" Biglang sabi ni Rowena.

"Rowena naman!! Ano naman ba to!? Panakip butas lang ako ganun?!" Bulyaw ni Kenneth.

"OO!! Pumayag ka naman nung sinabi kong magiging panakip butas ka diba! Tsaka wala kang kwenta!" Biglang sigaw nung Rowena kay Kenneth.

"Grabe ka! Minahal kita Rowena! Talagang bang higit ang yaman ng kabit mong yun kesa sa akin!" Singhal ni Kenneth.

Parang away mag-asawa na sila.

"Anong kabit ang pinagsasabi mo?!" Biglang singhal ni Rowena at parang bumalikwas sila ng tayo.

"Alam ko Rowena! Simula ng dumating yang si Fred! Bakit mas marami ba siyang Camay na soap?!" Kenneth.

"Hindi naman Camay yung bigay niya! Olay na ang soap ko ngayon! Ulol! Hayop ka!" Sigaw ni Rowena at naka-rinig kami ng mga yabag na takbo.

Si Kenneth naman eh sumigaw ng mura at tumakbo rin. Akala ko pa naman kung parang mag-asawa na ang away nila! Yun pala sa sabon lang din ang bagsak ng away ng dalawang yun!

What the heck is wrong with that girl? Kenneth did everything I saw all of that.

"Woo! Tindi non brad! Camay soap at Olay lang ha?" Sabi ni Chad.

"Kaya nga! Natatawa ako sa 2 yun! Kaya lang parang ayaw kong sabihin yung nalalaman ko tungkol doon sa babae!" Sabat ni Drew.

"Anong tungkol kay Rowena?" Nanlilisik na tanong ni Annett kay Drew.

Nawala ang kulay sa mukha ni Drew at pinag-pawisan siya. haha! He's scared like shit!

"Nagtext siya sa akin sabi niya kung may gf na daw ba ako," medyo kinakabahan na sagot ni Drew.

Hahahahaha! Kakatawa talaga tong matakot si Drew! Mukhang natakot silang lahat kay Annett kaya ang haba ng katahimikan.

"Um, may bago kaming horror movie! Ang title eh Mirrors!" Biglang singit ni Josephine.

Yun na nga at pumunta kami sa bahay nina Josephine. Yung kapatid niyang si Tisay eh tanong ng tanong kung girlfriend ko daw ba si Josephine ang sabi naman ni Josephine hindi raw. She's blushing.

Sigaw ng sigaw si Annett at Josephine kami naman eh napapasama dahil nagugulat kami sa sigaw nila.

Hahaha! Pagkatapos non nagsiuwian na kami. Yung mga tropa ko sa Villa Novera pa rin tumutuloy.

I hope those syndicate guys won't find me here.

THIRD PERSON'S POV

"SA WAKAS!" Sabi ng isang middle-aged na lalaki.

Halatang masama ito sa mukha pa lang, siya si Victor Gudofredo Nunez isang corrupt na senador na naidiin ni William Villaluz.

"Boss! Ano na balak mo ngayonh nakalaya ka na sa bilibid?" Tanong ng isa niyang kasama.

"Babalikan ko yang walang-hiyang Villaluz na yan! Putek siya!" Singhal niya sabay kuha ng phone niya.

"Paano naman kung ipakulong ka ulit?" Tanong ulit.

"Mamaya na muna ang paghihiganti! Asan nga pala ang anak ko at asawa ko?" Tanong niya.

Hindi umimik ang kasama.

"Gago! Tinatanong kita!" Singhal sa kanya.

"P-patay na po ang anak niyo..."

Nagulat siya sa narinig at tila parang isa siyang batang umatungal. Isa lang ang nasa isip niya ngayon ang kanyang unico hijo.

Naka-sakay na siya sa SUV upang ihatid siya sa kanyang tahanan sa ZAMBALES. Kasama niya ang kanyang asawa at ang sumundo sa kanya.

Namatay pala ang kanyang anak dahil ito ay napabayaan ng ina na sobra ang lungkot ng makulong ang asawa, bigla itong lumabas ng bahay at nabangga ng ten-wheeler truck.

'Hayop ka William! Ikaw ang may kasalanan nito! Papatayin ko rin ang anak mo gago!' Sigaw niya sa kanyang isipan.

END OF CHAPTER TWELVE

PLEASE, VOTE, COMMENT AND SHARE. . .

MERRY CHRISTMAS!!!

TheDarkLady_1104

Just One Summer (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon