Chapter Seven

46 2 0
                                    

Chapter Seven
JOSEPHINE'S POV

"Josephine," sambit ni Xavier na may halong pagkasabik.

Golly!!! Ang hot niya at ang awesomeness ng kanyang magandang katawan! Halatang nag-woworkout siya! Sheteng shete!

"Bakit?" Halos pakanta kong tanong.

Ang lakas ng tibok ng puso ko at pinagpapawisan ako.

"Hindi ka ba maliligo?" Tanong niya.

Oh my gosh!!! Kilig matssss!!!! Niyayaya niya ba akong samahan siyang maligo? AIIIIIEEEEEE!!!! Grave ang landi ko!

"Mamaya na! Walang bantay itong hot na tarian este, tarian!" Tawa ko dahil ang hot hot niya talaga!

"Weh? Andun lang kasi si Bathsheba eh!" Naka-ngiti niyang biro at umupo dun sa may bench.

Yung upo pa niya ay yung pang-model at kita ko na nag-flex yung abs niya!

Effing f! Sana naman ay magtagal kami sa ganito! Ang awkward nga dahil naka-titig ako sa abs niya habang nagpapaypay ako ng tarian.

"Matunaw ang abs ko Josephine, mahirap na!" Tawa niya sabay lapit sa tarian.

Golly! Naluto na yung tarian at tinikman niya ito. Pakshete! Ang hot talaga niya!

"Ang sarap ah! Keep up the good work!" Ngiti niya. Shubaribari!!! Ampogi talaga nitong si Xavier kahit kailan!

"Salamat," sambit ko at bumalik na sa pool si Xavier.

Parang may umakyat sa mukha ko na mainit! Ang lakas pa ng kabog ng puso ko, pakshet! Bakit ganito ito?

"Uy si Phine kinikilig!!!" Biro ni Erisa at lahat sila naki-join, si Xavier naman ay namula.

Ang reason talaga kung bakit ka nabubuking eh sa mga magagaling mong mga kaibigan. >_<

Tinuon ko na lang ang pansin ko sa pagiihaw ng lipstikan.

Maya-maya pa ay may bumuhat sa akin!

Si Cylene at Jewelyn!!! Mga ano talaga itong mga ito! Naku!

"AAAAAAAHHHHHHH!!!" Tili ko at hinulog na nila ako sa pool.

Buset na mga bata yun! Umahon ako at pinagalitan sila habang tawa tawa lang sila ng tawa! Aba ang mga gago!

"Maligo ka na kasi!!!" Tukso ni Rhessy sa akin at tumalikod ako dun sa dalawang ungas.

At ako po ay nahulog na naman sa pool. Great, just great! Just effin great! Wala na akong choice kundi ang maligo sa pool, si Cylene kasi binantayan niya yung mga niluluto.

Nilapitan naman ako ni Xavier, golly! Ang hot niya pag wet look. Nasa pool kami, si Kenneth at Annett naman ay nagbabangayan kung sino ang mauunang sumakay sa salbabida.

Yung mga tropa ko eh umahon at mag-sa-sun bathing! Wow ha?

"Um, Josephine," medyo parang kabado na tanong ni Xavier sa akin.

Golly!!! He's blushing! He is effin blushing and ang cute niya! Ang pink nung ears niya!

"Ano yun Xavier?" Tanong ko na medyo kabado.

Huminga siya ng malalim at hindi ako makapaniwala sa sumunod niyang tanong.

"Number mo nga?" Sabi niya.

Kyaaaaaa!!!! Oh my jolly good fellow!!! Totoo ba ito?

"Ah," medyo tanga kong sagot. "ibigay ko sayo mamaya kapag nasa sasakyan na tayo."

Kinikilig talaga ako grabe!

"Uuuuyyyyy!!! JosVier!" Bungisngis ni Annett.

"Ang korny Annett, at ampanget!" Tawa ni Kenneth.

San pa nga ba napunta yun? Malamang nagbangayan silang dalawa.

XAVIER'S POV
Habang nag-aaway si Annett at Kenneth dun tawa tawa kami ng tawa ni Josephine, katawa kasi silang tignan na akala mo eh mga bata.

Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin na kunin yung number ni Josephine basta ang para sa akin nakuha ko yung number niya eh masaya na ako. Ang ganda ng tawa niya, parang isa iyong musika na tumutugtog na humaplos sa akin puso at nagdulot ng saya. (naks!)

Hindi siya maganda pag wet look, mukha siyang losyang na manang na ewan. ahahahah!!! Gusto kong tumawa ng malakas dahil sa itsura niya ngayon, yung buhok niya kasi nagkalat sa mukha niya.

Naghaharutan naman na silang lahat habang ako naka-titig lang sa kanya, at naramdaman kong ang lakas ng tibok ng puso ko. Shit! What's happening to me?

"Oy yung tarian!!!!" Sabi ni Cylene habang puno ang bibig.

Ang gulo gulo nila dun sa pwesto nila at ang kaingayan ay pinangungunahan ni Cylene.

Yung mga ka tropa ko na sina Andrew 'Drew', Chad, Relys, Marvvell o kung sino pa ang iba sa kanila na sumama ay nasa Villa Novera, bukas ko na lang sila bibisitahin.

Anyways! Tapos na kaming kumain at as usual ay niligpit na namin yun mga pinagkainan.

Back to the usual na naman kami, sina Annett at Kenneth ay tuluyan na nagbangayan sa kiddie pool at pinagaawayan yung salbabida. Si Rhessy ay nagi-inaw, si Erisa at Rean ay nagkekwentuhan dun sa kubo, si Jewelyn, Czary, at Cylene ay pinagtatawanan si Annett at Kenneth.

Kami ni Josephine na sa banda ng pool at nag-uusap ng mga kung ano anong bagay.

"Xavier may kapatid ka ba?" Tanong niya sa akin.

"Wala eh, only child ako," sagot ko.

"Ah, akala ko pa naman kung meron, sino parents mo?" Tanong niya.

Liti! Ano isasagot ko?

"Um, isang factory worker si mama si papa naman ay isang pulis," sagot ko.

Kapag sinabi ko sa kanya ang totoo baka makilala niya sila mama at papa. At baka naman ay bigla niya itong ipagsabi!

"Ah, hawig mo kasi yung sikat na pulitiko na si Congressman WILLIAM VILLALUZ," sabi niya.

Dammit!!! Kilala niya si papa!

"Hindi ah! Mas gwapo ako dun!" Palusot ko naman.

Tumawa siya.

"Narcissist ka kamo!" Tawa niya.

"Hindi ah! Talagang honest lang ako!" Biro ko.

Talaga namang honest ako kasi talaga namang gwapo ako diba? XD

"Xavier, pansin ko lang, parang yang mata mo at ilong mo pang kano!" Tawa niya.

"Ah ganun ba?" Sagot ko naman. "half-American si mama, namana ko sa kanya yung gray eyes at ilong ko!"

"Wow!!! Eh bakit dark brown naman yang eyes mo?" Tanong niya.

"Malamang nag-contact lens ako," sagot ko.

Gusto kong mag-contact lens kesa naman makita nila yung eye color ko kasi kung tignan ako nung ibang tao akala mo kung isa akong freak.

"Wow ha? Ang gandang lahi naman brad! Gray eyes!" Tawa niya sabay tulak sa akin.

Malapit kami doon sa swimming pool kaya nung tinulak niya ako eh nahulog ako sa pool. Pagkaahon ko ay hinila ko siya papuntang pool, nagtampisaw at nagsaya kaming parang mga bata.

Nakisali naman sa aming lahat yung mga tropa niya na sina: Jewelyn, Rean, Czary, Erisa, Rhessy at Cylene sa amin.

Pati na sina Annett at Kenneth. Grabe ang saya saya namin!

END OF CHAPTER SEVEN

PLEASE SHARE, VOTE, AND COMMENT!!! ^_^

TheDarkLady_1104

Just One Summer (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon