Chapter Ten

43 1 1
                                    

JOSEPHINE'S POV
Ako ay muling naghintay ng text ni Xavier na crush ko.

Pero 3 days na eh wala pa ring text? Yung mga na-receive ko lang na mga text is GM, ano kaya nangyari doon? 3 days na ang nakalilipas simula nung naglaro sila ng basketball eh hindi na siya ulit nagparamdam sa akin. Hindi na rin siya ngumingiti kapag andyan ako.

Xavier Byron Villaluz, ano ang nangyari sa iyo? Bakit hindi mo ako pinapansin? Akala ko pa naman kung MU na kami para straight ba sa relationship. Sabi naman sa akin ni Annett madalas daw si Xavier sa harap ng TV at parati silang magkasama ni Kenneth at parati ring wala ang 2 yun sa bahay, madalas daw sila ng mga kabarkada ni Xavier sa labas ng bahay at gumagala kung saan-saan.

Hindi naman kaya may natipuhan na siyang bago at mas maganda? Ang mga lalaki kasi makakita lang ng mas maganda eh ipinagpapalit na nila ang iba.

Pero hindi naman ako pwedeng umangal, hindi naman kami eh. Ang sakit lang talaga na akala ko may gusto rin siya. Ganito pala ang rejection? Ang sakit naman.

At mas nakakatakot naman pala ito (pero mas takot ako sa horror).

Hindi pa rin maalis sa isip ko kung ano na ang ginagawa ni Xavier, bakit wala na siyang text? Or calls?

"ATE JOSEPHINE! SAMAHAN MO KAMING MANUOD NG THE GRUDGE!!!" Biglang iyak at pasok sa kwarto ko si Tisay.

Horror movie na naman.

Sinamahan ko sila pero wala doon ang atensyon ko, nasa kung bakit hindi na siya nagtetext. Bwisit. Naiiyak ako sa sobrang frustration at dissapointment.

Bakit? Dapat wala lang to sa akin dahil marami na rin akong naranasan na ganto?

PAKSHET!!! Sa loob ko eh gusto ko ng sumigaw ng sobrang lakas at ilabas itong lahat! Buset!

Kaya nung lumabas yung multo sa screen bigla akong tumili ng sobrang lakas.

"AAAAAAAHHHHHHHHH!!! PUTANGINANG MULTO YAN!! BWISIT!! AAAAAAHHHHHH!!!"

Nagwala ako dahil sa frustration kinuha ko yung mga throw pillow at pinaghahagis ito at nagwala ng nagwala. Naiinis ako dahil ayaw niya pala talga sa akin.

Naupo ako sa isang sulok at niyakap ko yung throw pillow na malapit sa akin.

"Buset na multo yan! Huhuhuhuhu! Ayaw magparamdam! Huhuhuhuhuhu! Ayaw tumawag o call man lang! Huhuhuhuhuhu! Simpleng ngiti hindi kayang ibigay! Leche!" Iyak ko doon.

Yung mga kapatid ko ay nakatitig na pala sa akin na naka-nganga at parang gulat sa sinabi ko.

"Tisay! Bakit ganyan si ate? Bakit gusto niyang makita si The Grudge?" Bulong ni Tisoy kay Tisay na akala mo namn eh hindi ko maririnig.

"Ewan ko Tisoy !" Sagot naman ni Tisay.

Tumayo ako sa sulok na iyon at kinuha yung mga throw pillow at ibinalik sa sofa. Pumunta sa labas at nagpunta na 7-11 bumili ako ng Gulp at nagpunta sa plaza.

Umupo sa isa sa mga benches doon. Nakakahiya yung ginawa ko kanina, kinapa ko yung bulsa ko at swerte andun ung earphones ko kaya naman sinuot ko. Pagka-salpak ko eh ang tugtog na gusto ko ay Ikaw Lamang by: Silent Sanctuary.

IKAW LAMANG
Di ko maintindihan ang nilalaman ng puso
Tuwing magkahawak ang ating kamay
Pinapanalangin lagi tayong magkasama
Hinihiling bawat oras kapiling ka

Lahat ng nasa part na ito lalo na yung first verse eh wala akong kinalaman pero pagdating sa fourth at fifth eh may kinalaman na ako. Pinagdasal ko yun at bawat oras sana kapiling ko si Xavier.

Sa lahat ng aking ginagawa
Ikaw lamang ang nasa isip ko sinta
Sanay di na tayo magkahiwalay
Kahit kailan pa man

Ikaw lamang ang aking minamahal
Ikaw lamang ang tangi kong inaasahang
Makapiling ka habang buhay ikaw lamang sinta
Wala na akong hihingin pa wala
Oooooohhhhh

Ayan na naman hindi na nga siya maalis sa isip ko eh minamahal ko na siya ay! Pero hindi pwede! Hindi niya nga ako gusto diba? Ayoko na ulit ng unrequited love! Na ako lang ang nagmamahal! Lechugas na oh!

Ayoko ng maulit pa ang nakaraang ayokong maalala
Bawat oras na wala ka
Parang mabigat na parusa
Huwag kakalimutan na kahit nag-iba
Di ako tumigil magmahal sayo sinta

At ayan na nga nag-daydream ako na magkasama kami ni Xavier at nagde-date kami, masaya.

May nag-uudyok na lumingon ako at lumundag ang puso ko sa tuwa at nabasag rin sa sakit. Gusto ko sanang umiyak kaso nasa-public place ako nakakahiya naman.

Si Xavier kasi, may kasama ng girl na iba. Tinitigan kong mabuti.

Titig...

Titig...

Titig...

Titig...

BADING!!! Berdeng-dugo pala yung kasama niya! At halatang naiilang si Xavier. Nung nakita ako nung kasama ni Xavier nakilala ko kung sino ito, si kuya Karding to! Este Carma! Yung bakla na nagtuturo ng sayaw.

Biglang napatingin si te Carma sa gawi ko sinenyasan ako ni ate Carma na lumapit sa kanila. Nung tumingin naman sa akin si Xavier eh expressionless ang wafu na awesome ang abs. Tinanggal ko yung earphones ko at lumapit sa kanila nilagay ko yung earphones ko sa bulsa ko.

"Bakit ate Carma?" Tanong ko.

Nginitian naman ako ni ate Carma.

"Josephine anong date ngayon?" Tanong niya saka iginaya ako na umupo sa tabi niya.

"Uhm, March 30?" Sagot ko.

Umupo ako sa tabi niya. Si Xavier naman eh expressionless pa rin ang gago na paasa.

"Ikaw ang napili namin na partner ni pogi para sa fiesta natin!" Masiglang sabi ni ate Carma. "Bukas na ang practice niyo!"

Ang tagal bago mag-sink in sa utak ko yung binitawan niyang mga salita.

"Ha???!!! Eh pwede namang iba na lang diba?" Sinusubukan kong magpalusot para naman hindi maging awkward ang lahat.

Kami ni Xavier mag-partner? Baka naman ayaw din naman niya base sa expression niya no? Tsaka ayokong maging awkward ang lahat!

"Huwag ka na ngang umangal at umatungal dyan na parang bata! Tayo na nga ang napili mag-inarte ka pa!" Biglang bulyaw sa akin ni Xavier.

Nainis ako sa kanya! Akala ko pa naman kung M.U na eh! Sinagot ko din siya ng pabulyaw.

"Che ka! Ayoko sumayaw! Ate Carma ikaw na lang o kaya iba na lang!" Pagmamakaawa ko.

Pero katulad ng ibang pangyayari eh ako pa rin ang partner at ang awkward tala dahil binulyawan niya ako kanina! Hindi naman siya ganun ah? Bakit ansungit na niya? Dati naman hindi ah?

Nagpunta na kami sa barangay hall para kausapin si kapitan. Kakainis! Kung pinansin niya lang ako yun in three days eh hindi sana awkward. Kairita siya!

Tinuruan na kami ng sayaw sa mismong harap ng barangay hall. Walang masyadong tao kasi nga mainit.

AFTER HOURS

"Ayan! MALAPIT niyo ng ma-perfect! I'm going to cry na of happiness! Ajujujujuju!" Sabi ni ate Carma.

Halos nga ma-perfect namin kaso nga naiilang ako at hindi pa masyadong perfect ang moves namin dahil first pa lang. May praktis daw ulit kami bukas ng ganitong oras sana naman umulan ng super lakas! Eh kaso summer nga diba?

XAVIER'S POV
Bwisit! Hindi ko kayang kausapin ng matino si Josephine! Naiinis ako kaya kinuha ko yung laptop ko at manonood na lang ako ng anime.

Pinanood ko yung Gintama dahil gusto kong tumawa ng tumawa kaya lang leche hindi ako makatawa dahil nagi-guilty ako!

Bwisit siguro dapat makipag-bati na lang ako kay Josephine! Habang nagsasayaw kasi eh ang awkward namin. Fuckingshit!

Talaga dapat siguro hindi ko siya binulyawan yun o kung ano pa man! Guilty tuloy ako!

END OF CHAPTER TEN

PLEASE VOTE, COMMENT, SHARE!!!

TheDarkLady_1104

Just One Summer (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon