Part I Ang Simula

1.1K 14 2
                                    

              "May lalake ang asawa mo Miguel."sabi ni Aling Lisa sa akin."Kitang kita ng dalawang mata ko magkahawak kamay silang naglalakad patungong bayan."sumbong nito sa akin.

            "Baka naman po nagkakamali kayo."sabi ko habang kumukuha ako ng pitsel ng  tubig sa pridyeder."Baka naman hindi si Andrea yun."isinalin ko yung tubig sa baso ko.

           "Hindi ako puwedeng magkamali iho..siya yun."

          "Bakit hindi ninyo nilapitan ?"tanong ko habang nakaupo na ako sa harap ng lamesa."para makasigurong si Angela yun."

          "Nagmamadali kasi akong pumunta ng talipapa kasi alam mo naman nandyan si Manong Lito mo."katwiran nito."kailangan makapagluto ng maaga para sa tanghalian."

         "Hay naku..Aling Lisa."sabi ko bumuntong hininga ako."Sa susunod po eh siguraduhin ninyo na kumpleto ang detalye ..mahirap pong mangbintang sa kapwa."paliwanag ko sa kanya.

        "Pero nakakasiguro akong siya yun..Miguel !"inihanda na ang kanyang dalahin at akmang aalis na patungong labas ng bahay.

         "Huwag kayong mag alala..mamatyagan ko po si Andrea para malaman ko po kung ano talaga ang totoo."sabi ko.

         "Dapat lang iho..dahil sa ginagawa sayo ni Andrea eh parang iniipotan ka niya sa ulo."paliwanag pa nito habang papunta na sa gate ng bahay.

         Kumaway na ito habang  isinasara na ang gate.Gumanti rin ako ng kaway sa  kanya.

        Akmang tatalikod na ako  papasok sa loob ng bahay  ng may nagsalita sa likod ko.

       "Papa..totoo po ba?"si Melisa ang panganay na anak ko.

      "Hindi totoo yun anak."sabi ko..inakbayan ko ang anak ko.

        "Ano po yun sinasabi ni Aling Lisa ?"tanong niya."na may lalake daw si Mama."

       Napabuntong hininga ako.

      "Hindi totoo yun ..anak."sabi ko."tapat ang Mama mo sa akin."pumasok na ako sa loob ng bahay."Ikaw ba ay naniniwala sa sinabing tsismis ni Aling Lisa ?"

       Medyo umiiling iling.

      "Yun naman pala anak ..hindi ka rin pala naniniwala."umupo ako sa sofa.

     "Paano Papa kung totoo ?"tanong nito..umupo na rin ito sa sofa.

      Natahimik ako.

      Nag   isip.

     "Hindi naman siguro gagawin sa atin ng Mama mo ito."bawi ko.

     "Sana nga Papa ..kung sakaling mangyari yun..kakasuklaman ko sya !"matigas na sabi ng anak kong si Melisa.

        "Saan ka galing Mahal ?"sabi ko kay Andrea nang salubungin ko siya sa may pinto ng bahay.

        "Namili ako ng mga bagong damit nina Melisa ,Ana at Lanie."sagot nito habang iniisa isang nilalabas ang mga damit na binili nito.

        "Hindi ka yata nagpaalam sa akin nang ikay umalis?"

          Natigilan ito.

         Nag isip.

         "Hindi ba ako nagpaalam sayo ?"tanong nito.

        "Oo."sagot ko.

         Kumaway ang kamay nito."Pasensiya ka na Mahal nakalimutan kong mag paalam sayo kasi tulog ka nang umalis ako."

         "Umaga kang pumunta ng bayan para mamili ng mga damit ng bata ?"tanong ko himig nagdududa.

          "O.o..oo"medyo nautal ito.

         "Bakit ba ?.. Ano bang problema dun Mahal..pera ko naman ang ipinangbili ko dito."katwiran pa nito.

         Nakapameywang na ako."Hindi mo man lang naisip ang kakainin natin ?"

         "May imbak namang pagkain dyan sa pridyeder."katwiran nito.

          "Hindi yun ang ibig kong sabihin..nakalimutan mong magluto ng almusal  para sa lamesa."sabi ko.

          Natahimik na naman ito.

          Napipi.

         "Patawarin mo ako Mahal..nakalimutan ko kayong paglutuan ng almusal."niyakap ako ni Andrea."hindi bale magluluto ako ng almusal  para sa inyo."dugtong pa nito.

         "Huwag na po Mama ! Nakapagluto na po ako."si Melisa .

          Natagilin si Andrea.

          "Ganun ba ?"

          "Opo."si Melisa at tumalikod na ito patungong hagdan papuntang kwarto.

           "Nag almusal ka na ba !?"si Andrea sigaw nito.

           Gumanti ng sigaw si Melisa."Opo !"..umaakyat na ito ng hagdan."Gigisingin ko lang sina Ana at Lanie para makapag almusal !"

           Nagsalita na ako."Buti pa yung bata nakaisip na magluto ng almusal samantalang ikaw.."naputol ang sasabihin ko ng magsalita si Andrea.

         Himig galit ito.Bumitiw sa pagkakayakap sa akin."Oo na ..ako na ang may mali...ako na ang may kasalanan."

         "Tingnan mo itong tao ito..ayaw tumanggap ng pagkakamali."sabi ko.

         "Oo na."tumayo ito..at akmang naglakad paakyat ng hagdan patungong kwarto namin.

        "Hoy ! Mag aalmusal pa tayo !"sigaw ko sa kanya.

        "Ayoko na  ! Nawalan na ako ng gana !"ganting sigaw nito.

          Nang makita kong makakasalubong niya ang mga bata sa ilang hakbang ng hagdanan.

   

       "Mama..hindi ka ba kakain ng almusal ?"si Lanie nasa himig naglalambing..narinig ko.

       "Kayo na lang ang kumain !" sigaw nito habang binuksan ang pinto ng kuwarto namin at ibinagsak ito.

        Naiwan ang mga batang nakatulala sa kanya.

        At ako..nagulat sa inasta nito.

       Dahil sa nangyari sinabihan ko ang mga bata na bumaba na at kumain na kami ng almusal.

        At tignan ang mga damit na pasalubong ng kanilang ina.

        

Sa Bahay ni Tiya (Now Updating)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon