Chapter 13

395 14 0
                                    

Biyernes ng Gabi.Umupa si Mark ng isang mini truck para mahakot lahat ng gamit namin.Mini truck lang dahil hindi naman kami gaano kumpleto sa gamit.Aparador ,single size na kama, lamesa at mga bangko.

Mula Maynila hanggang sa Sta.Maria, Bulacan ay aabot lang ng apat hanggang limang oras na biyahe.Nakatulog ang dalawang bata sa tagal ng biyahe.Ganun din ang ama ng mga nito..ang asawa ko.Ako lang ang tanging gising dahil ako ang taga turo ng direksyon kung saan ang tungo namin..na ayon sa itinurong address ng Nanay Ana ko.

Alas sais kami umalis sa Maynila...at eksakto alas onse y medya ng gabi ay nakarating na agad kami sa bahay ng tiya ko.

Pagdating namin doon ay sinalubong agad kami ng isang matandang lalake at babae...sa palagay ko ay mag asawa ang mga ito..at sa palagay ko rin ay mga caretaker ito ng bahay.

"Mabuti naman at nakarating kayo dito."sabi ng matandang lalake.

"Oo nga."sang ayon naman ng matandang babae."Hinihintay ka na nang Tiya Marisa mo at gustong gusto ka raw makita.Maski yung mga apo niya..gusto niya rin ito makita."dagdag pa nito.

Tumatango ako.Nagsisimula ng maghakot ng gamit si Mark.Tumulong ang matandang lalake sa paghahakot at pagbaba ng mga gamit namin sa truck.

"Cecile ang pangalan mo iha ?"tanong sa akin ng matandang babae.

Tumango ako."Opo."sagot ko."At heto naman ang mga anak ko..sina Sheila at Sandra."pakilala ko.Nagmano ang dalawang bata sa matanda.

"Kay gagandang bata..dalawang maria pala mga anak mo."at tumawa ito."At yun naman ang asawa mo ?"itinuro nito ang asawa ko.

"Opo."tango ko."Mark po pangalan niya."

Tumango tango ang matandang babae.

"Ako pala si Aling Bining."pakilala nito."at heto naman si Manong Matias mo..ang asawa ko."itinuro nito ang matandang lalake habang abala sa paghahakot."Mga caretaker kami sa bahay na ito."

Tumango ako."Ah..ganun po ba ?"sabi ko.Tama pala ako.Mga caretaker nga sila sa bahay na ito.

Tumango din ito."Iwan niyo na muna mga gamit ninyo sa garahe at bukas ay tutulungan namin kayo sa pag aayos ng mga gamit ninyo bago kami umalis sa bahay na ito."

"Aalis na po kayo sa bahay na ito?"tanong ko.

Tumango ang matanda."Inabisuhan na kami ni Tiya Lanie mo na kapag nandito na kayo ay anumang oras ay maaari na kaming umalis sa bahay na ito."

Tumango ako."Ganun po ba ?"sabi ko.

Tumango ito."Pero may sasabihin ako sayo Cecile...Cecile ba kamo pangalan mo ?"tanong nito sa akin.

"Opo."

Nagpatuloy ito."Kung anuman naririnig o nakikita mo sa bahay na ito ay huwag mo na lamang papansinin."sabi nito.

Kumunot ang noo ko.Pinapunta ko ang mga bata sa tatay nila.

"May mga pangyayari sa bahay na ito na parati mong makikita at maririnig."sabi ng matanda.

Sumalubong na kilay ko.Nagtataka ako sa mga sinasabi nito.

"Anong ibig ninyong sabihin ?"

Magsasalita na sana ang matandang babae nang magsalita si Mark."Tapos na namin hakutin lahat ng mga gamit."sabi nito.

"Tara at pumarine na kayo sa loob at gusto na kayong makita ng matanda."sabi ng matandang lalake at pumasok na ito sa loob.Nakasunod sa kanya si Mark.

Hawak ko sa kamay ang dalawang bata ay pumasok na kami sa loob ng Bahay ni Tiya.

Sa Bahay ni Tiya (Now Updating)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon