Chapter 7

409 14 0
                                    

  Andrea POV

                                                                                                             

                    Naglakad lakad muna kami ni Edward sa may tabing dagat.Nag uusap kami  tungkol sa plano naming pag alis at pagtakas sa pamilya ko.

                   Kakausapin niya na muna ako sa telepono pagkatapos pumasok ni Manuel  bukas sa opisina nito.Kapag pumasok na ang asawa ko ay aalis na rin ako ng bahay.

                    Marami kaming napag usapan tungkol sa pagsasama namin...kung saan kami titira.

                    Gusto niya ay sa Maynila na kami hahanap ng bahay at doon na rin kami bubuo ng pamilya.

                   Alas 2 ng hapon ay napag pasiyahan na namin umuwi.Hinalikan niya ako ulit sa labi at gumanti rin ako ng halik.Nagpaalam na ako sa kanya.Tumalikod na ako at nagtungo na ako pabalik ng bahay.

                Naabutan ko sina Marisa at Lisa na nanood ng telebisyon.Tulog na naman si Ana na siyang kalong ni Marisa.

                "Mama..kamusta ang pamamasyal mo sa tabing dagat ?"tanong ni Marisa sa akin.

                "Ayos lang."sagot ko "tulog na pala si bunso."dugtong ko.

               Kinuha ko kay Marisa si Ana at kinalong ko na ito."Ako na ang mag aalaga kay Ana at gawin na ninyo ang inyong takdang aralin."sabi ko.

              Hinalikan ko sa noo si Ana at umakyat na ako.Binuksan ko ang pinto ng kuwarto at sa kama ko na pinatulog ang bunso ko.

             Tinitigan ko ang bunso ko.Naiiyak ako.Iiwan ko na ang bunso ko alang alang sa pagmamahal ko kay Edward.Ganun ko kamahal ang lalakeng iyun.Ganun ako katanga sa pagmamahal sa kanya.

             

Miguel POV

             Nandito ako sa bahay ng Nanay ko.Umiinom ng alak.Nagpapakalasing ako ng husto.Gusto kong makalimot.Gusto kong mawala ang sakit na nadarama ng nadurog kong puso.

           "Kumpirmado nay..totoo ngang may lalake si Andrea."nakaharap ako sa Nanay..nakikinig lang ito."Masakit ang ginawang pangloloko sa akin ng asawa ko.Hindi ko ito matanggap."halos maiyak na ako.

           Pinigilan ako ng Nanay sa muling pagtungga ng alak ko sa baso.

          "Huwag mong idaan sa pag inom ng alak ang problema mo kay Andrea anak..kausapin mo na lamang siya.Itanong mo kung bakit niya nagawa ito."payo sa akin ng Nanay.

           Lumagok ako ng alak sa baso.Nasaid ko ang laman nito.

            "Masakit nay..masakit !"umiiyak na ako..tuluyan ng tumulo ang luha ko sa pisngi.

            Hinagod ng nanay ang likod ko..pinipilit na kalmahin ang sarili ko.

          "Inay kung ano mang mangyari..ihahabilin ko sayo ang tatlong bata."pabilin ko.

          "Huwag kang magsalita ng ganyan anak..ano mang balak mo sa kay Andrea ay  kausapin mo siya ."

          "Hindi na ako mahal ni Andrea nay..may mahal na itong iba."sabi ko."hindi na ako pakikingan nito."nagsalin ako ng alak sa baso at nilagok ko ito.

           "Hindi ba ang sabi ko kausapin mo ito...huwag kang gagawa ng anumang hakbang na ikakasama ninyong mag asawa."payo ulit nito.

          "Masakit nanay..masakit !"sabi ko habang hawak ko ang dibdib ko.

           "Pero huwag kayong mag alala..susubukan ko."sabi ko.

            Tumango si nanay.

            Pero iba ang nasa isip ko.

             Humanda ka sa akin mamaya pag uwi ko sa bahay..babae ka !

               

Sa Bahay ni Tiya (Now Updating)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon